Kabanata 23

25.1K 320 1
                                    

Kabanata 23 

Margarette

Humihikab akong pumasok ng kusina para sana mag-almusal na. I already took a cold shower and got ready for my duty. Isang linggo na lamang at kumpleto ko na ang required hours, at sa nakalipas na linggo magmula nang magbalik ako sa schedule ay bantay-sarado ako ni Rig. 

I stopped taking another step when I saw him sitting on a stool, sipping on his coffee. Nakabihis na siya't may nakahain nang pagkain sa island counter. May dalawang plato ring nakahanda roon. He looked so good in his blue polo shirt and denim jeans. Bagong gupit din at naka-clean cut kaya napakalinis at napakabangong tingnan. 

Nakakabwisit tingnan. 

I pursed my lips and looked away when he turned his gaze towards me. Hindi ko na talaga alam kung totoo ba ang paglilihi o hindi. Yes, I appreciate his features. May mga pagkakataong gusto ko siyang pakatitigan ngunit may mga oras namang parang kursunada ko siyang kalmutin. 

O singhutin. 

O pisil-pisilin at kagatin. 

Ah, basta! Habang tumatagal ay hindi ko na alam ang gusto kong gawin! 

Sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagtayo niya. Maya-maya ay mayroong dinampot sa sink counter na bungkos ng mga bulaklak. He then went towards me, stole a kiss on the side of my head while I'm still avoiding his gaze, and then showed me the bouquet of blue hyacinth.

"Good morning, momma," he greeted under his voice.

Sinimangutan ko siya bago nilampasan. Nang makaupo ako sa stool ay napansin ko ang pagkamot niya ng batok bago sumunod sa akin. Nang tabihan ako ay tinaliman ko ang aking tingin sa kanya, ngunit ang magaling na lalake, ngumisi pa't kinuha ang pagkakataon para ipagsandok ako ng pagkain saka pinisil ang aking pisngi!

"You really good in your uniform," he complimented me.

Umiwas ako ng tingin. No, I will not bend easily. He fooled me. Hindi porke't ipinagbubuntis ko ang anak niya ay rurupok ako kaagad. Isa pa, baka nakukunsensya lang siya kaya niya ginagawa ito. Saka baka para lang din sa baby kaya ganito siya kung umasta. Minsan ko nang hinayaan ang sarili kong maging mahina pagdating sa kanya. Where did it lead me? To a freaking heartbreak.

He cleared his throat. "Nagpabili ako ng maraming daing sa mismong wet market," aniya.

Dinampot ko ang kubyertos at sinimulang kumain. Mukhang naobserbahan niyang gusto ko ang sinangag na walang bawang at daing dahil ilang araw ko na iyong hinihiling sa kusinera kaya nang mamalengke ang kasambahay ay nagpabili na siya. 

Humugot ako ng hininga. "Hindi ka na naman umuwi kagabi. Don't you hurt your back when you're sleeping on the couch? Halos hindi ka magkasya kaya mas mabuti kung umuwi ka na lang sa inyo at doon matulog."

"Hindi rin ako makakatulog sa bahay kung iisipin ko kayo palagi ni baby." Inilapit niya ang sawsawan sa akin. "I'm getting used to it anyway . . . but if you will let me sleep next to you than that would be better."

Tatabi sa akin? Naisingit pa talaga. 

"No. Kung gusto mo ay alisin mo muna lahat ng gamit na inilagay mo sa nursery at doon ka matulog tutal ilang buwan pa naman pero pinuno mo na ng gamit ni baby ang kwarto para sa kanya," masungit kong sabi bago sumubo ng pagkain. May naiwan pang kanin sa sulok ng aking labi kaya ang lintik, mabilis na kumilos upang punasan iyon. Iritang irita ko tuloy siyang tinitigan. "Tya-tyansing pa!"

He laughed softly before he cupped my face and kissed me on my lips. Sa sobrang bilis ng naging kilos niya ay hindi ako nakaiwas. Uminit tuloy nang husto ang aking magkabilang pisngi't mangani-ngani siyang paluin ng kutsara sa ulo.

"That's tyansing," he said before he sipped on his coffee. "Not what I did before that."

Sumimangot ako. Magrarason pa?

Umirap na lamang ako at bumalik na sa pagkain. Nang matapos ay pumanhik akong muli sa silid upang magsipilyo't maglagay ng kaunting make up nang hindi ako mukhang maputla kapag humarap sa mga pasyente. 

Sa repleksyon ng salamin ay napansin ko ang pagpasok ni Rig sa kwarto habang naglalagay ako ng lipstick. He sat on the bed and took my bag. Halatang nais na naman niyang buhatin iyon na animo'y pwede akong makunan kung ako ang magbibitbit. Hindi ko na lamang pinansin. 

I finished putting my makeup then stood up. Tumayo rin siya't sinabayan na akong bumaba. I could feel his hand slightly touching my lower back as we went down the stairs. Palaging ganoon. Hindi niya ako hahawakan nang husto sa mga ganitong pagkakataon ngunit paiiralin naman ang katigasan ng ulo kapag nakakakuha ng tyempo gaya ng ginawa niya kanina sa kusina. 

Rig opened the car door for me. Pumasok ako't hinayaan siyang isara ang pinto. Nang makasakay siya ay binuhay niya ang makina ng sasakyan at hinayaan munang uminit. 

"I will fly to Europe the day after tomorrow but I'll come back as soon as possible. I just need to do something so I can get my diploma for my masters," aniya.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot. Dapat nga ay matuwa pa ako, hindi ba? Kasi ilang araw rin siyang mawawala sa paningin ko, kaya lang ay bakit parang may bahagi sa aking nais siyang pigilan?

Is it the baby? Siguro nga. 

I looked away and nodded. "Okay."

"Can you unblock me already?"

Lumunok ako. "Hindi naman tayo mag-uusap gaya ng dati kung nasa Europe ka."

"Yeah, but I wanna update you from time to time so you wouldn't overthink," aniya saka na ibwinelta ang sasakyan.

"Bakit naman ako mag-o-overthink? Pakialam ko naman kung kasama mo roon ulit si Avi?" hindi ko napigilang asik.

The corner of his lips curved as if what I said made him happy. "You're jealous. That's a good sign."

I scoffed and turned defensive. "Ako? Nagseselos? Kahit maghalikan pa kayo sa harap ko."

He scratched his temple for a moment while moistening his lower lip. Maya-maya ay bigla niyang itinigil ang kotse't hinawakan ako sa batok. He then pulled me and crashed his lips on mine while he placed his hand on my tummy. 

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari at halos mabingi ako sa lakas ng naging tibok ng aking puso. Nang maputol ang halik ay hindi rin niya kaagad inilayo ang mukha sa akin kaya humalik sa aking pisngi ang mabango niyang hininga. 

"Those are the only lips I'd like to kiss," he said under his breath while caressing my tummy with his thumb. "Kaya sorry na. I miss . . . kissing you all the time."

Lumunok ako't iniwas ang mukha. Ang bibig ay nanatiling tikom kaya nang maramdaman niyang wala akong balak sumagot ay bumuntonghininga siya bago bumalik sa maayos na pagkakaupo.

"I understand . . . but just in case you miss kissing me, too . . . or having my arms wrapped around you, I'd drop everything I'm doing to attend to you. If you want me to bend on my knees, just say so." He sighed as he put his hand on my lap and gently squeezed it. "I'll tame you, Margarette . . . until you'll finally crash into my arms willingly."

TAMED SERIES #1: Righael Samaniego Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon