Kabanata 45

24.3K 235 4
                                    

Kabanata 45

Margarette

"Remember, big boy. Once you get up the stage, you're gonna pretend that you only see me, Mama Margarette, and lola Mariel. Got it?" paalala ni Rig sa bata kahit na halata namang siya itong mas kinakabahan.

Zak nodded while holding his colored paper. Nang tawagin ng guro ay bibong pumanhik si Zak sa stage. Halos ayaw namang maupo ni Rig at tila nais ipakita kay Zak na makikinig siya sa lahat ng sasabihin ng bata. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaklang pagngiti. If only it's Reid we're supporting right now, baka mas malala pa ang ginagawa ngayon ni Rig.

I watched him take his phone out to capture Zak's whole presentation. Sandali pang humugot ng hininga ang bata, at nang magsimulang magsalita ay lahat kami natutok ang atensyon sa kanya.

"Sa ibang klasmeyt po isama nila sa pishur ang totoong mama at papa, kuya at ate. Meron pa sila pong ading. Ako po, si Zak po, ito po ang family po oh?"

He showed his drawing to the crowd. Kahit iyon pa lang ang ginagawa niya ay parang hindi ko na maiwasan ang maging emosyonal habang pinanonood siya.

"Dito po ay ang Mommy Sadie tapos ang Daddy Konnar. Sabi ng Mama Divine dati ang papa ng Zak ay ang Daddy Konnar tapos mali pala po eh. Joke lang?"

We laughed a bit. Nagpunas naman ako ng luha saka muling pinanood si Zak sa kanyang presentation.

"Pero kahit joke lang, nihuhug pa din ako, nilo-love saka nialaga po ng Mommy Sadie and ng Daddy Konnar po. Nihehelp sa asay—ano 'yon po? 'Yong isusulat sa house po?" he asked. Sumigaw naman si Rig.

"Assignments, big boy."

Zak nodded. "'Yon," aniya saka nag-thumb's up kay Rig kaya nagtawanang muli ang lahat. "Nihehelp sa 'yon po tapos nibibigay ng madaming pagkain. Tapos dito po ahm, bago lang na pawents. Sabi ng Miss Nurse pwede na mitawag ng Mama kaya Mama Margwrette na po tapos ang tito po Daddy na. En den, meron din Lola Mariel po na masarap po ang nipakain sa'kin po. Sabi ng klasmeyt sad ako kasi wala palagi Mama Divine at Papa Zackary pero hindi po. Konti lang sad po. Kasi madami love naman sa Zak po en . . . Love din sila ng Zak kaya sila family ng Zak po. Tenkyu!"

Napahikbi na ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang sarili kong anak ang pinanood kong mag-present kaya ang aking mga luha, Diyos ko hindi ko mapigilan!

I looked at Rig and saw him wiping the corners of his eyes before he went near the stage. Binuhat niya si Zak at hinalik-halikan sa pisngi. Nang makita ni Mama ang ginawa ni Rig ay marahan niyang piniga ang aking braso.

"Napakaswerteng bata ni Zak kay Rig. Siguradong ulirang ama iyang si Rig sa tunay na anak dahil ngayon pa lang na hindi niya naman anak iyang buhat niya, grabe na ang kalinga at pagmamahal niya," kumento ni Mama.

I smiled as I watched Rig and Zak. Sometimes I'd like to forget that Zak isn't really our son. Minsan siguro ay nakalilimutan din iyon ni Rig. Baka nga kung pwede lamang ampunin namin ang bata, hindi magdadalawang-isip si Rig na iproseso ang lahat ng dokumentong kakailanganin.

Pagkatapos ng presentation ay tinawagan ni Rig si Konnar. Ito raw ang magpapaalam sa mga magulang ni Zak para maisama namin ang bata sa bahay. Tutal ay holiday bukas at out of town daw ang trabaho ng tatay ni Zak ay pinayagang sumama sa amin ng nanay.

"What are you thinking? Kanina ka pa tahimik," tanong ni Rig nang makapasok kami ng mall para ibili ng maisusuot na damit si Zak habang nasa bahay.

I sighed as I looked at Zak who's holding my mother's hand as they walked in front of us.

"Napaisip lang kasi ako. How could his mom let him sleep in someone else's home? I mean, hindi man lang ba nag-aalala kay Zak?" I asked.

Umismid si Rig. "Divine is crazy, Margarette. Halos si Zackary lang din ang umiintindi kay Zak kaya madalas ding hinihiram nina Konnar at Sadie nang maalagaan nang maayos. Sinubukan na nga namin ni Konnar na kausapin si Zak. We told him that both of us are willing to give him a better home, kaso attached siya masyado kay Zackary. He said he loves his Dad and he's not willing to leave him." Lumamlam ang mga mata ni Rig habang nakatingin sa patalun-talon na si Zak. "Kung ako lang, matagal ko na sanang inampon. I mean, who wouldn't want to give that kid the whole damn world? He's sweet, adorable, affectionate, appreciative, and most of all, kind."

Humawak ako sa kanyang braso. "Kung ako ang totoo niyang mommy, baka hindi ko hahayaang mawala siya sa paningin ko."

Rig sighed. Maya-maya ay inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Akala ko ay ayaw niya ngunit nang pinagsalikop niya ang aming mga palad ay tila may dumaang init sa aking puso.

"I'm sorry if . . . I let the nurse take Reid before. Dapat hindi ako natulog. Dapat tiniis ko pa nang konti ang antok ko." His eyes glistened with guilt as he stared at Zak. "Sana kasama natin siya ngayon. Sana nakakapunta rin tayo sa mga presentation niya sa school, nagagamot ang sugat niya, at napaparamdam natin sa kanya na mahal natin siya."

I flashed a broken smile. "Hindi mo kasalanan, Rig. Hindi rin kita dapat sinisi. Dapat hindi kita tinalikuran noong mga panahong kailangang-kailangan natin ang isa't isa. For that . . . I'm really sorry. Alam kong mahirap pa para sa'yo na pagkatiwalaan ako ulit at tuluyang papasukin sa buhay mo pero sana, maniwala kang ni minsan ay hindi kayo nawala ni Reid sa puso't isip ko."

Bumaling siya sa akin. Maya-maya ay inakbayan ako bago pasimpleng yumuko para patakan ng halik ang aking mga labi. Marahang halik lamang iyon pero parang gusto nang basagin ng aking puso ang dibdib ko sa lakas ng naging tibok.

We stared at each other after our lips parted, and as we both flashed a small smile at each other, my heart felt the kind of peace it's been craving for since we fell apart.

"Na-miss kita nang sobra," I said.

He smiled and was about to answer me when we heard a familiar voice calling him.

"Rig, anak?"

Sabay kaming tumingin kay Mommy Emma na mukhang nag-shopping kasama ang ilang katulong. Nanlalaki ang mga mata at may bakas ng galit sa mukha. Hindi ko tuloy alam kung lalapit ako para magmano o mananatili sa aking pwesto dahil kahit wala pa siyang sinasabi, parang . . . alam ko nang ako ang dahilan ng galit na nakapinta ngayon sa kanyang mukha.

"Mom, what are you—"

"Ikaw ang dapat kong tinatanong niyan, Rig. Hindi ba ay may importante kang meeting? Bakit kasama mo ang babaeng 'yan?! Nag-usap na tayo!"

"Ma, please huwag dito. It's embarrassing—"

"Bakit ako mahihiya? Iyang walang utang na loob na 'yan ang dapat na mahiya!" Idinuro niya ako. "Pagkatapos ka naming ituring na tunay na anak, iyon ang igaganti mo sa pamilya ko?! My son lost his mind because of you! I lost my husband because of what happened to Rig! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa anak ko pagkatapos ng lahat ng problemang idinulot mo sa amin!"

"Ma, enough!" Rig's voice thundered. Lumapit naman sa akin sina Mama at Rig. My Mom tried to hide me from Mommy Emma while Zak opened his arms as if he wanted to protect me from Mommy Emma's wrath.

"Uuwi na tayo, Ma let's go," ani Rig sa ina bago pilit niyaya upang umalis.

Naiwan kaming tatlo sa aming pwesto habang pumapatak ang aking mga luha. Halatang galit si Mama ngunit nagpigil lang ng sarili nang hindi na lumaki pa ang eskandalo. Tumingin naman sa akin si Zak at yumakap na tila naaawa siya sa akin.

"Huwag na cry, Mama Margwrette. Protect ka ng Zak palagi po. Huwag na cry po," Zak assured.

I sniffed before I went on one knee. Niyakap niya ako habang tinatanaw ko naman sina Rig sa hindi kalayuan.

Diyos ko. Mukhang may isa pang pagsubok na kailangan naming harapin ni Rig bago namin tuluyang maayos ang pagsasama namin. Ibang usapan pa naman kapag ang nanay na niya ang makakalaban.

I swallowed the lump forming in my throat as I caressed Zak's back. Hindi. Kahit ano'ng mangyari, hindi ko na susukuan ang asawa ko.

Kahit sino pa man ang kakailanganin kong banggain mapatunayan ko lang na hinding-hindi na ako bibitiw pa sa pagkakataong ito . . .

TAMED SERIES #1: Righael Samaniego Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon