MN-M-MF Chapter 7

222 12 2
                                    

Kinabukasan

"Anak , gising na"

"Ma , mamaya na . Inaantok pa ako eh" sabi ko habang nakapikit pa ang mga mata ko . Tapos umalis na si Mama , ewan ko kung saan pumunta.

Buti naman at umalis na si mama -_- Kaso hindi na ako makatulog , didilat na sana ako pero ...

*Boooogsh!

"ANG LAMIG !" nakita ko si mama may dala-dalang balde na may lamang malamig na tubig , binuhos niya saakin ! Para tuloy akong nag ice bucket :3

"Ano hindi ka pa magigising? Tumayo ka na dyan , andito yung boyfriend mo. Sinusundo ka na"

"Wala nga po akong BOYFRIEND" kulit din ni Mama.

"Biro lang anak , 'di naman ito maloko. Bilisan mo na nga dyan!" Sabi ni Mama at tuluyan ng umalis.

Same routine as always , nag-ayos , naligo , nagtoothbrush , nagsuklay at nagpabango. Oh ! Salamin ko (sinuot). Ok na ! Bumaba na ko , baka malate pa 'ko eh. Si Renzo nanaman. Tsk! Bat ba lagi dito yan ? 'Ayaw mo pa eh , arte !' san galing yun ? ... Nevermind.

"Ma , una na kami. Babye !" Sigaw ko , nasa kusina si mama.

"Sige 'nak , ingat kayo" sigaw din ni mama.
~~
"Bat ang aga mo nanaman?" Tanong ko sa kasama ko.

"Trip ko lang" sabay tingin saakin at smile. Shete , pa-cute , 'di naman cute.

"Anong trip mo ha? Ngingiti ngiti ka dyan? Baliw 'to , hindi bagay sa'yo" sabi ko sabay irap at nauna nang maglakad.

"Ano ba ginawa ko? I just smile , ba't masama ba?" tanong niya saakin.

"Oo , 'di bagay sayo. Nagmumukha kang ewan" baliw na 'tong kasama ko.

"Ok" sabay takbo. Mukha talaga siyang ewan. Tsk! Tinignan ko yung relo ko then .. OhMy ! 7:15 AM na , kaya pala nagmamadali yun. Late na 'ko patay ako kay prof nito.

*Takbo,takbo,takbo*

Ayan na , malapit na 'ko sa room namin nang biglang .. *Booosgh!*

Renzo's POV

"Ms. Cruz? Andito ba si Ms. Cruz?" tanong ng prof namin.

Ang tagal naman ng babaeng yun. Iniwan ko siya , nakakaasar kasi trip ko lang ngumiti. Tas mukha ba daw akong ewan. Late na siya ! Haha..

"Ahh sir , may I go out?" tanong ko.

"Go ahead Mr. Ramos" hindi man lang tinanong kung saan ako pupunta Haha .. Famous ? Ganyan talaga.

Dahil may air-conditioner dito , nakasara ang pintuan. Isasara nga lang pagtime na.

Saktong pagkabukas ko ng pintuan , haharap pa lang ako ng biglang may bumunggo saakin. Ang bigat ! Dahil natumba ako kaagad , 'di ko agad nasarado ang pintuan. Biglang may nag"Ayie" sa room namin. Ba't kaya ?

Ugh! Ano ba itong nasa ibabaw ko , dinilat ko ang mata ko. Laking gulat ko , si Charylle pala.

"Susunduin na sana kita doon eh , kaso andito ka na pala . Late ka na. Haha.." sabi ko habang nasa ibabaw pa rin siya.Nang narealize niyang nakaibabaw siya saakin , agad-agad na tumayo at nagpagpag.

"Di mo man lang sinabi na anong oras na" pagalit niyang sabi.

"Ano pang silbi ng relo mo kung hindi mo naman gagamitin diba?" Pahiya siya Haha.. sarap pag-tripan.

"Oo na , papasok na ko. Bahala kana dyan" sabi niya at tuluyan ng tumayo. "Sorry sir i'm late" rinig kong sabi niya at pumasok na rin ako.

"Its ok Ms. Cruz , you may sita and Mr. Ramos , you may sit too please?"

"Ok sir" sabi ko . Bait 'no? Haha..

A/N : 6 months na hindi nag-update , pasensya na readers! Busy si Otor eh. Daming gawain sa school. Osya , Vote & Comment na lang ;)

(PS.Yung picture , Charylle & Renzo yan ♡)

~MsReadTer548

Ms. Nerd Meets Mr. FamousWhere stories live. Discover now