MN-M-MF Chapter 10

21 0 0
                                    

Charylle's POV

Dinala ako ni kuyang hindi ko kilala sa rest room."Magpalit ka muna ng damit sa loob ng rest room , basang basa ka oh!" sabi niya pa saakin kaso hindi nakatingin saakin. Wait! Hindi ko naman ito kilala,pero sa nilalamig ako kaya sumunod muna ako sa kanya. Wala nga pala akong damit nasa locker ko. Paano ba ito?

"Rylle , nakuha na namin ang damit mo"sabi ni Ianne. Paano nila nalaman? Tinignan ko si kuyang hindi ko kilala, parang nakilala ko na siya dati. Ganun yung feeling ko habang tinitignan ko siya. Tapos lumingon na ako sa mga best friends ko. Para silang gulat nung makita nila si kuyang 'hindi ko kilala'.

"May problema ba kay Kuya, mga friend?"tanong ko na lalong nagpagulat sa kanila. Okay, over acting na sila."Hoy! Bakit ganyan expression niyo? Mukha kayo tanga, akin na yung damit ko. Nilalamig na ako"sabi ko at kinuha ang damit ko.

"Rylle, alam mo na palang K---" si kuyang 'hindi ko kilala' pinigil si Claire. What's happening?

"Una na ako, may klase pa kasi ako. Sige , bye Rylle. Take care!" Sabi ni kuyang hindi ko kilala tapos tumakbo na. May itatanong pa sana ako e.Nako! Mukhang may sikreto saakin ang mga bestfriends ko. Tsk tsk.

"Anong alam ko na, Claire? Hindi ko nga alam yung sinasabi mo e. May dapat ba akong malaman?"tanong ko sakanilang lahat. Pero nagkatinginan sila at hindi alam kung sino ang unang magsasalita."Rylle, magbihis ka na oh! Bakat na bakat friend!"sabi ni Yufha tapos inabot saakin ang uniform ko.

"Anong bakat?" Tinignan ko yung hinaharap ko. Wala naman e? (A/N: NBSB po si Charylle, No Boobs Since Birth. HAHAHA!) What the?! Oo na! Flat-chested na ako! Kaysa naman magfoam para lumaki. Kadiri! Kaya ikaw *turo sa readers* kung flat-chested ka! Eh ano naman? Maganda naman tayo diba? *Apir tayo kunwari readers* hahaha.

Back to reality!! Hahaha. Kinuha ko na ang uniform ko at nakalimutan kong may gagawin pa pala akong assignment. Palabas na sana ako ng cubicle, nang may marinig ako.

"Hahaha. Nakakatawa talaga yang Nerd na yan. Kawawang nerd!" Sabi ng isang babae.
"Bagay lang sakanya yun, siya din ang may kasalanan, sisihin ba naman si Babe Renzo ko. Tsk. Mali siya na kinalaban." Babe? Si Stephanie lang ang tumawag kay Renzo nun e.
"So what's your next plan Steph kay Nerdy na yan?"narinig kong tanong nang isa sa mga alipores niya.

"Hmm.. sa ngayon, wala pa. Pero kapag sinaktan niya ulit si Babe Renzo ko. Ha! Baka kung ano ang magawa ko sakanya. *insert evil laugh* hahaha"sabi ni Stephanie. Bagay sakanya, mukha siyang magkukulam.
"Wait a minute, sino nga pala yung tumulong kay Nerdy kanina? I think nasa 4th year college na siya. At ang gwapo n'un ah!"malanding sabi ng isang alipores ni Steph. Landi! -_-

"Hindi ko din alam e, ang gwapo niya nga. Pero mas gwapo si Babe Renzo Ko. Tara na nga, baka ma-late pa tayo sa klase natin" sabi ni Steph at narinig kong lumabas sila. Pagkalabas ko, tinignan ko muna sarili ko sa salamin,at bigla akong natulala.

'Sino ba kaya yung tumulong saakin kanina?'

'Yang tanong na yan, ang kanina pa sa isip ko. Hayst! Hayaan na nga, may gagawin pa pala ako.

Renzo's POV

Kanina ko pa iniisip kung sino yung lalaking tumulong kay Charylle. Tsk! Bakit ko pa iniisip kung sino yun? E wala naman akong paki. Makapunta na nga sa room.

Pagkapunta ko sa room, nasa pintuan yung lalaking tumulong kay Rylle. Ano kaya kailangan nito? Baka may pinuntahan dito? Lumingon-lingon ako para siguraduhin na may inaabangan siya.

"Hoy!" Sigaw nung lalaki. Mas matanda siya saakin, halata naman sa katawan at mukha niya. Nako! Ako ba ang tawag niya? Hindi ko na lang pinansin, baka namali lang ng tawag.

"Mr. Renzo Cruz!" Sigaw nung lalaki na yun. Renzo Cruz daw? Hindi ako yun..... teka! Pangalan ko yun diba? Ako pala talaga. Ano ba kasi kailangan nito saakin?

"Bakit?" maangas kong tanong.

"Lubayaan mo si Charylle, dahil sayo napapahamak siya. Tigilan mo siya pwede? Kung idadagdag mo lang siya sa koleksyon mo, itigil mo na. Dahil once na masaktan si Charylle, patay ka saakin!" sabi ng lalaking yun, sabay alis.

Pero hinawakan ko siya sa kwelyo,"at sino ka naman sa akala mo?" sabi ko ng matapang.

"Magsisisi ka kapag malaman mo." sinabi niya na may awtoridad at tinanggal niya sa kamay ko na nasa kwelyo niya.

Naglakad na siya palayo tsaka ako sumigaw,"Siraulo! Di ako natatakot sayo!" pero parang hindi na niya narinig kaya hinayaan ko na lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms. Nerd Meets Mr. FamousWhere stories live. Discover now