MN-M-MF Chapter 4

1K 29 8
                                    

(A/N : Read the Author's Note sa dulo)

Charylle's POV

Hay , salamat naka-uwi na rin . Pero , hindi pa rin maalis sa isip ko yung lalaking tumulong saakin . Bakit kilala niya ako ?

Kinabukasan ,

"Anak gising na , may naghihintay sayo sa labas . BF mo daw " sabi ni Mommy Cel ko . Wait what ? BF ko ? Kailan pa ako nagka-bf .. at tsaka sino ba yun ? Antipatiko yun ah !

"Ma , ano yun ? Paki-ulit !" Sigaw ko habang nakahiga pa sa kama ko.

"Ang sabi ko yunq bf mo nandiyan sa labas" pag-ulit ni Mommy Cel saakin.

"Bf ? Ma , alam mo naman NBSB ako diba" Hiyang sabi ko kay mama . Totoo naman ehh . NBSB ako . No Boyfriend Since Birth.

"B.F. - BestFriend , anak . O.A mo anak . Sige na mag-ayos kana diyan! " sabi ni mama na pasigaw sabay labas , tinakpan ko ng unan yung mukha ko tsaka sumigaw

"Waaaaaah!" Sigaw ko pero impit . Don't worry soundproof itong kwarto ko . Tumayo na ako . Nag-ayos , naligo , nag-toothbrush , nagbihis , nagpulbos , nagsuklay at nagpabango . Perfect ! Oh , nakalimutan ko suotin yung Salamin sa Mata . Ok , done na !

Pagkalabas ko , ayun hinihintay na ako at nagulat ako dahil si Renzo 'The Famous Daw' yung nandito . Remember kahapon , magka-away kami nito dahil dinamay niya ako sa excuse niya

"Ma , punta na kami babye" sabi ko sabay nag-kiss sakanya

"Sige nak at Renzo , ingatan mo ang aking anak ha ? . At isa pa pala , lumaki kana Renzo . Paka-musta mo na lang ako kay Mama mo "

"Kilala niyo po yung Mama ko ? " Nagtatakang tanong ni Renzo . Ako rin eh , paano magkakakilala ang mga nanay namin ?

"Mahabang kwento , Renzo. Kapag kinwento ko pa yun, mala-late pa kayo. Sige na pumasok na kayo. Ingat!" Sabi ni Mommy Cel.

"O sige po" sabi na lang ni Renzo 'The Famous Daw' . Pagka-alis namin sa bahay . Tatanungin ko nga ito

"Bakit ang aga-aga mo ? At bakit ka nasa bahay ?" Pagalit kong tanong.

"Bawal bang sunduin kita ?" Nagtatakang tanong niya

"Pwede naman pero mag-kaaway tayo ngayun" sabi ko sabay irap at naglakad nang mabilis pero nahawakan na niya ako sa braso

"Sorry" nahihiyang sabi ni Renzo 'The Famous Daw' . Nagso-sorry siya ? At mukha naman sincere siyamg mag-sorry kaya tatanggapin ko na lang

"Oo na , basta huwag mo na uulitin yun ha ?" Paninigurado ko.

"Oo naman , may joke ako sayo . Anong hayop ang nagsusuot ng panty?" Natatawa niyang tanong. Seriously? May hayop bang nagsusuot nang Panty? Hahaha.

"Ano?".tanong ko sakanya.

"Edi ElePANTY" natatawang sabi niya.

"Hahahaha" bigla na lang akong tumawa . Hindi dahil sa joke niya kundi sa ka-cornihan niya . Nakahawak pa ako sa tyan , hindi ko mapigilan . At nag-joke pa siya kaya hindi ako tumigil sa katatawa

Yufha's POV

"Hello readers . I'm Yufha Buenavista . Isa sa mga bestfriend ni charylle . And speaking of charylle

"Girls , nakita niyo ba si Charylle ? Tanong ko sa mga kasama ko . Kasama ko yung dalawa . Si Ianne at Claire

"Hindi eh , Bakit ? " sabay nilang sabi

"Wala , puntahan kaya natin sa bahay nila malapit lang naman bahay nila dito sa School eh " pagyaya ko sakanila

"Sige" pagsasang-ayon ni Claire saakin . Paglabas namin sa school , may nakita akong boy and girl sabay na naglalakad , nagtatawanan . Si Rylle ba yun ?

"Yan na pala si charylle eh " sabi naman ni Ianne . Eh , sino yung boy niyang kasama ?

"Tara guys magtago tayo doon " turo ko sa malalaking poste . Malapit na sila

"Wait WOAH WOAH si RENZO yung Famous sa School yung kasama ni CHARYLLE .. sila na or nagda-date ?" Sabi ko ng hindi makapaniwala

"OA mo Yufha , baka nga nililigawan na ni Renzo si charylle eh Yiiie !! " tili ni Claire . Mas OA pa nga siya eh

"Tara na guys nakapasok na sila" sabi ni Ianne . At gaya nga ng sabi ni Ianne pumasok na kami

Charylle's POV

Ang kulit at corny pala ni Renzo 'The Famous Daw' . Tawa ako ng tawa sakanya . Pagkatapos kasi ng mga joke niya . Hindi ko na talaga mapigilang tumawa ng malakas . Nakitawa na rin siya . Tapos parang kilala ko na siya dati

"Renzo, anong oras na ?" Tanong ko at katatapos ko lang tumawa

"7:10 AM"sabi niyang pa-cool

"Diba 7:15 time natin ?" Natatarangtang tanong ko . OhMyGad ! Baka ma-late nanaman kami . Last time napagalitan kami at sinabi namin na hindi na mauulit iyon . Tsk , kasalanan ito ni Renzo 'The Famous Daw'

"Oo nga . Tara na - sabi ni Renzo 'The Famous Daw' sabay hawak sa kamay ko tsaka kami tumakbo . Dinaig pa namin ang mag-kasintahan ahh . Holding Hands While Running

Tapos ang dami pang nakakita . Nakakahiya , mamaya chismis nanaman ito . Hay , salamat saktong 7:15 AM kami nakapunta dito sa room , pero hindi niya parin binibitawan yung kamay ko . Good News , wala pang yung Prof

"Yiiieee! Yiiieee ! Yiiieee ! " sabi ng mga classmate namin saka lamang binitaw ang kamay ko ni Renzo 'The Famous Daw'

NAKAKAHIYA !

(A/N:May pagbabago diba ? Maganda ba ? Comment naman kayo diyan . BUBURAHIN KO NA BA ITO o ITUTULOY PA ? COMMENT YOUR OPINION . Kung gusto niyong ituloy ang story na ito , gagawa pa lang ako ng bagong account . Para doon na ituloy ang storyang ito . Sasabihin ko na lang kung ano ang bago kong Account , ok ?)

Ms. Nerd Meets Mr. FamousWhere stories live. Discover now