Chapter ||||

17 0 0
                                    

               
                    ***

"A-aray !!" sabi ko ng makaramdam ng sakit sa kaliwang braso at sa bandang pisngi ko

T-teka nasaan ako ??!
Hindi pamilyar ang kwartong kinaroroonan ko ngayun

A-anong nangyari sa akin ??

Pilit kong inaalala kung anong nangyari saakin kagabi at kung bakit ako nagkaroon ng mga sugat

***
FLASHBACK !

"Hephep !"

"hurray ??"

"Hahha baliw di yun, Ano kanina pa kasi tayo nag-uusap eh hindi naman kita kilala " sabi ko sakanya
Malay mo magnanakaw pala to
Pero maayos naman suot niya at infairness mabango rin siya hahha
Ay ganun ngayun pa lumandi sa kalagitnaan ng dilim ??
Bwisit na konsensiya to epal lang

"Oh yeah I forgot hahha okay, Hi My name is Caleb Canzus"
Sabi nito sabay offer ng kamay niya

"Chantria Zihj Columbus" sabi ko at nakipagkamay narin

"So as I was about to ask, why are you walkung alone here in the middle of the night and youre just a girl ??"
Sabi nito jusko mapapasubo ako nito
Kainis hindi ba nito alam na kanina pa gustong dumugo ng ilong ko !

"Teka lang rin ha kanina ka pa sa english mong yan hindi ka ba marunong magtagalog ??" tanong ko rito ng nakakunot ng noo

"Ahahhah ! Ha eh trip ko lang eh "
Sabi nito na painosente pa

Jusmio marimar ! Grabe ha

"alam mo ba muntikan na akong pumutla dahil feeling ko nawalan ako ng dugo !"

Tinignan niya lang ako at ...
"Hahhahah !! Ha di ka naman nagtanong eh anong malay ko pffft ! Hahha" Tawa pa nito

Tinignan ko nalang ito ng masama
Sabay irap dito.

"Ewan ko sayo, bahala ka diyan !"
Sabi ko rito at nauna ng maglakad
Pero binilisan ko ng konti.

"Wait ! Sandali lang " sabi nito sabay habol sa akin at ng maabutan niya ako ay naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang kamay ko at bigla na lang itong pumunta sa harapan ko.

Bigla akong may naramdamang kakaiba, kaya pinakiramdaman ko ang paligid at napatigil kami sa paglalakad.

Mukhang pati si Caleb ay may naramdaman rin na iba pang presensyia bukod sa amin.

Na alarma ako ng maramdamang papalapit sa amin ang presnsyiang ito at malakas ito . Hindi ko alam kung paano ko ito nagagawa pero ramdam na ramdam ko kung gaano ito kalakas hindi lang ito nag-iisa, at sa tancha ko pito sila.

Tiniyak ko ang pakiramdam ko at ngayun alam kong nakapa-ikot na sila sa amin.

"Huwag kang matakot nandito ako, hindi kita pababayaan" sabi ni Caleb na parang wala lang ito sa kanya at ngumiti pa tumango na lang ako kahut kinakabahan.

"C-caleb pito s-sila" sabi ko habang nanginginig ang mga tuhod ko

"Yeah I got it, basta huwag kang lalayo sa akin diyan ka lang sa likuran ko okay ?"

Tumango nalang ako at hindi naka-imik.

Ng makalapit na talaga ang mga ito sa amin bigla akong napasinghap sa gulat at takot.

H-hindi sila mga normal parang nanggaling pa sila sa ibang panahin dahil sa mga damit nila naka-cloak ang nga ito at natatakpan ang kanilang mga mata kaya ang kita lang ay ang ibabang parte ng mukha , pero ang mas nakakatakot ay ang makita ang hawak nilang pahaba at matulis na bagay na mukhang katana pero ang kakaiba dito ay umaapoy ito ng kulay dugo.

Bigla silang umatake at ako namay nakakapit sa kamay ni Caleb ng may nilabas rin itong isang espada na hindi ko alam ang tawag malaki ito at mukhang mabigat na parang ginawa ang espada para lang talaga sa kanya.

Dahil sa biglaang pag-atake ng mga ito ay naitulak ako ni Caleb papunta sa gilid para hindi ako matamaan ng nilalang na pasugod sa direksyon ko na parang ang puntirya talaga ay ako.

Natamaan niya sa tagiliran ang dapat sanay sasaksak sa akin.

Dumugo naman ang tagiliran nito at biglang natumba. Nagulat ako dahil sa unti unting nangitim ang mga kamay nito at kumalat na rin maging sa lahat ng parte ng katawan nito, at ang mas kinagulat ko pa ay biglaan nalaman nitong pagiging abo sa ilang segundo, parang katulad lang ng nasaksihan ko ng madaling araw. Hindi ko napigilang mapa-sigaw, nakakatakot at nakakagulat.

Tuloy tuloy parin sila sa paglalaban ng biglang may lumapit sa akin at inatake ako wala akong magawa, lumalakas ang pagtibok ng puso ko sa kaba at takot at halo-halong emosyon. Naipikit ko nalang bigla ang aking mata at nakaramdam ng biglaang paghapdi sa aking pisngi at naramdamang tumulo ang dugo rito.

"Caleb !!" naisigaw ko nalang habang nakapikit parin.

Mukhang na-alarma ito at dali daling pumunta sa pwesto ko hindi ko alam kung anong ginawa niya dito pero pagdilat ko wala na ito.

Nakita kung tatlo pa ang natira Sa kanila at katulad kanina ay pinapa-ikutan nila kami hinila agad ako ni Caleb para makatayo at pinapunta sa likuran nito kaya ang nangyari ay talikuran kami habang pina-iikutan nila.

Lahat sila ay may hawak na armas at lumiliwanag ito sa kulay na pula na may halong itim hindi ko alam kung anong tawag dito pero alam kong pwede ko itong ikamatay.

X X X

Sorry sa gramatical error's
At lahat na ng error's sa lahat ng chapter's.
Pasensyia na dahil it's my first fantasy story kaya tiyagaan niyo na lang hahha, tsaka nung ginawa ko talaga to it's not my Intention pero dahil ito na rin nagawa ko na
Eh bat di ko pa ituloy noh hahha.
Sorry naman po sa inyo diba
still young and learning pa po kasi hahha .

Hope your'e enjoying reading thiss..
Comment/vote po
Or pwede ring bought hahha
Tnks !! Watpip's

AizelJhay

The Wizard's of EnchantiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon