Chapter V|

16 1 1
                                    


XD

***

BOARD NA AKO!!!

Tatlong araw na ako sa kwartong ito at wala akong ginagawa para na nga akong ginie pig dito, kain tulog lang ang ginawa ko (kasali na don ang pagpunta kong CR ha)

Nakakabaliw! Naglalakad lakad ako sa kwartong ito para naman kahit papaano may mangyari sa buhay ko at Oo hindi ako pinayagan ni Caleb lumabas sa kuwarto para maglibot.
Isang beses binalak kong lumabas tinakot niya ako kaya hindi na natuloy ang plano tss.

Krrriikk..

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang napakagandang babae.
Medyo singkit, may pagkatan mukhang galing sa swimming, at may kakaibang aura akong nararamdaman sa kanya. Basta hindi ko maipaliwanag.

"Hi! Tapos ka na bang pagmasdan ang kagandahan ko?"
Umikot pa ito at biglang natawa sa ginawa.

"S-sino ka?"

Lumapit siya sa akin at napaatras naman ako sa biglang paglapit ng mukha niya sa akin.
Nag-iinit ng pisngi ko dahil di ko alam gagawin ko.

"I like your eyes theyre so cool, contact lens ba yan?"

"H-hindi" natural na talagang maypagkagreen ito. Gusto kong sabihin pero nahihiya ako.

"Sayang gusto ko pa namang hiramin maybe next time"

Biglang lumaki ang mata ko sa kanyang sinabe

"Hahhaha! Just kidding ano ka ba hahha. Anyway Im Nathalie, Alie for short nice meeting you"

"Im Chantria Zihj, just call me Chant.
Nice meeting you too"
Sabi ko sabay abot ng kamay ko sakanya

Bigla nalang niya akong yinakap na aking ikinabigla.

"So Chant, kinuwento ka sa akin ni Caleb at ako rin pala ang gumamot sayo nung dinala ka niya rito, marunong kasi ako ng konti sa mga halamang gamot pero hindi ako healer."

"Ah ga-ganun ba, salamat utang ko sa inyong dalawa ang buhay ko. "

"Paano ka nga ba nagkaroon ng mga ganung sugat alam mo bang hindi ordinaryo ang mga ito?"

Napalunok ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko, sana nandito si Caleb.

Hindi mo dapat ipagsabi sa iba ang nangyari, baka mas lalo kang malagay sa peligro. Huwag kang basta basta nagtitiwala sa kahit kanino.

Naalala kong bigla ang bilin ni Caleb

Kkriikk..

"Alie anong ginagawa mo dito?"

"Edi dinadalaw ko siya tatlong araw narin naman siya dito kaya naisip kong bored na siya kaya pumunta ako dito.at para tignan kung ayos na siya."
Sabi naman nito.

"Paano mo ito ipapaliwanag kay Pres.?
Alam mo namang bawal magdala ng outsider" seryosong tanong nito kay Caleb habang nakapameywang.

Huminga naman ng malalim ito.
Akala ko magsasalita na ito kakamutin nanaman pala niya ang ulo nito.
Seryoso, may kuto ba ito??

"Hindi ko nga rin alam, siguradong lagot tayo"

"Anong tayo, hoy huwag mo ko madamay damay diyan!" Banat naman ni Alie

"Eh sa ginamot mo rin siya kaya malamang kasali ka na, hindi rin magtatagal malalaman niyang may nakapasok na outsider dito, bahala na nga si batman"

Papalit palit lang ako ng tingin sa dalawa

"Haiist!"pareho nilang Buntong hininga nila

"Ahm, nandito pa ako pwede namang iuwi niyo na lang ako sa amin ng hindi kayo mamroblema"

||≈^___^≈||

Ngayon sa akin naman sila nakatingin ng seryoso, napalunok nalang ako sana hindi nalang ako nagsalita.
Napayuko nalang ako

"Hindi ganun kadaling lumabas at bumalik sa mundo niyo kailangan mo pang pumunta sa administration, at kung suswertehen dalawang linggo na ang pinakamabilis bago mo makuha ang pass mo."

"Pero hindi mapapadali ang pagkuha mo dahil hindi ka pa nagkakarecord dito."

"Anong ibig niyong sabihin hindi na ako makakabalik sa amin?"
Para akong binagsakan ng langit at lupa hindi ko malaman ang dapat sabihin.

"Patawad kong nadawit ka pa sa gulong napasok ko, pero sa tingin ko ikaw talaga ang puntirya ng mga Magi"

"T-teka kaya ba ganon ang mga sugat niya? Paanong nakaengkwentro niyo ang mga yon??" Naguguluhang tanong ni Alie.

"Bigla nalang silang sumugod sa amin at pinalibutan kami buti nalang mabilis agad naging abo ang mga ito ng masaksak ko pero may isang nakatakas at mukhang naipaalam na niya ito sa iba pa niyang kasamahan."

"Haiist.. ano pa bang magagawa ko nandito rin naman to sige na tutulung na ako"sabi naman ni Alie

"Wow salamat ha "sarkastikong sabi ni Caleb

"So anong plano??"
Tanong ko

Nagkaroon ng katahimikan

Bigla na lang ngumiti si Allie naparang biglang may naisip.

"From now on mag-aaral ka dito kasama namin"
Masiglang sabi sakin ni Alie at mukhang tuwang tuwa pa siya sa mga nangyayari.

Oh my this is really really not happening.

***

Ano na kayang mangyayari
Makakaya kaya ni Chant ang mga susunod na pangyayari?
Hindi na kaya siya makabalik pa sa mundo niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wizard's of EnchantiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon