Chapter V

15 1 0
                                    

Paalala
Hindi ko po pinagisipan ng mabuti itong chapter na ito. Hahha!
Lutang ako habang ginagawa ko ito, pero hindi ako nagdadrugs ha hahha.
Hindi ako Nag aadik!


***

Pagkatapos kong alalahanin lahat ng mga nangyari ay unang una kong ginawa ay ang magpasalamat sa Diyos na buhay pa ako at kahit may mga sugat ako sa katawan hindi naman ako napilayan o ano.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Caleb na iniluwa nito.

"Oh gising ka na pala sa wakas,
Eto may dala akong pagkain."
Sabi nito na mukhang masaya.

"Salamat, pero uhm ano nasan tayo?"
Tanong ko dahil hindi ko alam kung paano kami nakaligtas.

"Ah yun lang ba, ano kumain ka na muna tsaka ko ikukwento sayo."
Masiglang sabi nito.

Sinubukan kong umayos ng upo pero hindi ko pa kaya.

"Sandali tulungan na kita, mukhang nabigla ang katawan mo sa paggalaw mo."

Tinulungan niya ako at siya narin nagprisintang subuan ako.

"A-ano ako nalang kaya ko naman igalaw kamay ko eh." Nahihiyang sabi ko. Dahil kanina pa umiinit ang pisngi ko.

"No I insist, paubos narin naman."
Sabi nito na maslalong ikinapula ng pisngi ko.

"Busog na ako, salamat."

"Pwede no nabang sagutin tanong ko?"

"Nandito tayo sa Camp"

"Huh? Camp kailan nagkaroon ng Camp dito sa lugar namin?"

Napakamot siya sa ulo niya
"A-ah ang totoo niyan wala tayo sa mundo niyo ngayon"

A-ah ang totoo niyan wala tayo sa mundo niyo ngayon

A-ah ang totoo niyan wala tayo sa mundo niyo ngayon

Anong sinasabi nito?
"W-wala sa Mundo niyo, aning pinagsasabi mo?"

"Pano ba ito, wala tayo sa mundo niyo at dinala kita dito sa a-amin kasi sugatan ka at ito ang una kong naisip na puntahan" napakamot uli ito

"Nasa langit na ba ako?!"
Sabi ko na may namumuong luha sa mata ko.

Nagtataka naman itong napatingin sa akin, at nabigla ito ng bigla nalang akong umiyak.

"Bakit?! Patay na ba talaga ako hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko huhuhu... hindi ko pa napapakasalan si Chaning Tatum ko!"

Iyak parin ako ng iyak, pagkatapos nakita kong seryosong nakatitig sa akin si Caleb at bigla nalang tumawa ng malakas.

"Hahahhahaha! H-hindi ka hahhaha p-pa patay. Hahha!"
Tawa pa to ng tawa kahit wala namang nakakatawa.

"Eh hindi pa ako patay? Pero s-sabi mo wala tayo sa mundo namin
Paanong nangyari yon may iba pa bang mundo ng mga tao bukod sa earth??"
Naguguluhang tanong ko

Bigla namang nagseryoso ang mukha niya

"Ano may ibang mundo pa ba?"

Hindi ito nagsalita kundi tumango ito na mas lalong ikinabigla ko.

Nananaginip nanaman ba ako?

"Mabuti pang magpahinga ka na muna,
Malalaman mo rin ang lahat paggumaling ka na"
Sabi nito at lumabas na

Hindi ako makatulog kahit umidlip ako nagigising parin ako hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin.

Ano ba tong pinasok ko?
Sana gumaling na ako ng malaman ko na ang lahat at kung ano pang mga kababalaghang meron nangyayari dito.

***

Pasensiya na powz, naalowgz kasi ang ulo3 ko3z kaya ngayo3n najejejemeo3n na ako3 jajaja.

Tindi ganito talaga pagboard si otor kay?
Nababaliw! Hahha

The Wizard's of EnchantiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon