Flashback

15 1 0
                                    

Drake's POV

Eto ako ngayon naka busangot. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari kahapon sa akin, nakakaasar.

Alam niyo kung bakit? (Malamang hindi, tanong pa eh. Tsk) Sabi ko nga mag kukwento na ako.

Flashback

~Lunch w/ Ms. Sungit

*KRRIINNGG*

And that is the sign na mag lulunch na kami. "Drake, sasabay ka ba ngayon sa amin?" tanong sakin ni Marge.

"Hindi eh, kelangan ko pa kasing ilibre ng lunch si Ms.Sungit" sagot ko naman sa kanila. "Ha? Sino yun?" singit naman ni Paula.

"Ang bilis niyo namang maka limot..yung babae na nakabungguan ko kanina" sagot ko sa kanya, "Ah, ganun?" sabay sabay naman nilang sabi sa akin.

"Oo ganun...kaya uuna na ako sa inyo ha? kita na lang tayo mamaya" hindi pa man ako nakakalayo sa pag lalakad ay sumigaw sila ng " GOOD LUCK! HAHAHA!"

Ng makita ko na siya ay nilapitan ko siya "Ahm.. Miss, tara na mag lunch?" tanong ko sa kanya, hindi niya ako sinagot at deretso lang sa pag lalakad papuntang canteen, syempre ako sumunod lang sa kanya.

At ng makarating kami sa canteen, finally nag salita na rin siya. "Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan? Akala ko ba ililibre mo ako" pag tataray niya sa akin.

"Eto na nga oh, umoorder na" sabi ko sa kanya "Sige mag hahanap lang ako ng table natin" sabi niya at binigyan niya ako ng pinakamatamis niyang ngiti. Nag nod na lang ako bilang sang ayon sa kanya.

Sa mga ngiti niyang yun parang meron siyang masamang pinaplano eh. Ay! Ewan! Bahala na si Batman, Superman at lahat ng super heroes na may MAN sa huli.

Umorder na lang ako ng kanin at sinigang na baboy, syempre dalwa inorder ko. Masarap din ito dahil mainit pa.

Ng mahanap ko na siya ay lumapit ako sa kanya, pero habang papalapit ako ng papalapit, ngumingiti siya. She's weird.

Nung dumaan ako sa harapan niya ay bigla niya ako tinisod kaya yung mainit na sabaw ng ulam namin ay natapon sa akin.

"Sh*t! Aray! Aray! Ang init!" sabi ko habang inilalayo yung damit ko sa katawan ko, at siya naman tawa ng tawa kaya merong mga students na tumingin sa direksyon namin.

"Awww... Wawa naman si baby boy. Ano? Masakit pa ba?" at tinawanan nanaman niya ako. Pati mga estudyante napatawa na rin.

End of Flashback

Napatigil naman ako sa pag iisip nung tinawag ako ng teacher namin. "Mr. Lazaro! Kung hindi ka naman makikinig sa klase ko, you can go out!"

Tumayo ako pag bibigay galang sa kanya at nag salita "Sorry sir, di na po mauulit" pinag patuloy na lang ni Sir Rex ang pag tuturo.

Lalo tuloy akong naasar sa babaeng yun. Nagitla naman ako ng may kumulbit sa akin, si Daniela pala.

"Ayos ka lang? Kanina ka pang salubong yang mga kilay mo eh." pabulong niya sabi sa akin, "Oo, okay lang ako. Wag mo na lang akong pansinin" tapos nginitian ko siya at nakinig na ulit kay Sir.

Wag lang talaga siyang mag papakita sa akin kung hindi... Nako! Pasalsmat siya, at babae siya, kung hindi kanina ko pang nabanatan yun. Syempre sa isip ko lang sinabi alangan naman isigaw ko pa sa room, edi na mura ulit ako ni Sir Rex.

¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤

Sorry kung medyo sabaw o sabaw talaga ang UD ko. Hahahaha.
Bawi na lang ako next chap. Enjoy! ^_^
- DC

I Love You, Ms.SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon