Try Out 2

13 1 0
                                    

Bianca's POV

Hi po! Bianca Jane Morente here. Andito kami ngayon sa EG para mag try out. Kaso una mag try out ang mga boys dahil wala pa daw yung coach naming mga girls.

"Biancs, sino yung binigyan mo ng gatorade kanina?" tanong sa akin ni Anne.

"Si Drake yun. Gwapo niya diba? Kahit na ang haggard ng mukha niya"

"Anong GWAPO?! Ang sama nga nya eh!" sabi nya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Teka lang ha? AJ pede wag kang sumigaw at manood na lang ng laban?" singit naman ni Chloe sa amin.

"So? Drake pala pangalan niya?" tanong sa akin ni AJ habang nakalagay ang kamay sa baba kaya tumango na lang ako at nanonood ng mga nag ta-try out.

Drake's POV

Tapos na yung laban ng mga MBT na nag try out kaya pinag pahinga na sila ni coach at bukas na lang daw niya sasabihin kung sino ang mga nakapasa.

Nag sisimula nang mag laro ang WBT na mag ta-try oit kaya nanunuod lang kami fmdito para mag observe.

"Jovee, diba si Ms.Sungit yun?" sabi ni James sa akin at tinuro yung babaeng nakusuot ng jersey number 13.

"Oo nga no? Ang galing naman niya. Sana makapasa siya." singit naman ni Daniela sa usapan namin.

"Well, magaling nga siya...So, Ahomiro is the name?" sabi ko naman sa kanila habang pinag mamasdan ang mga galaw niya sa court.

Napansin ko naman na di sila sumasagot sa akin, kaya humarap ako sa kanila at nakita ko sila na naka ngiti ng nakakaloko.

"What?" tanong ko sa kanila ng medyo may pagka-irita sa boses.

"Wala" sabay sabay nilang sabi sa akin, kaya nag kibit balikat na lang ako at nanonood na lang ulit.

Anne's POV

Habang nasa loob ako ng court pakiramdam ko may tumititig sa akin kaya napalingon ako.

At nakita ko si Drake na nakatingin sa akin at naka SMIRK. Minamaliit niya ba ako?! May mali ba sa ginagawa kong skills?!

"AJ yung bola!" sigaw sakin ni Chloe kaso huli na nung humarap ako.

*BOGSH*

"ARAY!" sigaw ko dahil natamaan ako ng bola sa ulo at napa upo.

"AJ, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Bianca tumango na lang ako habang hawak pa rin ang ulo ko.

"Hahahahaha" nakita kong tumatawa si Drake pati narin yung mga barkada niya.

"Ms. Ahomiro! Ano?! Buhay ka pa? Hahahaha" sigaw na sabi sa akin ni Drake.

Sa sobrang inis ko, kinuha ko yung bola at hinagis sa kanya. And BOOM sapul sa ulo niya. Hahahaha. Buti nga sa kanya.

"Hahahaha! Wala ka palang gawa kay Ms.Ahomiro eh!" sabi nung isang lalaki na matangkad.

"Hahahaha! Oo nga. Wala ka pala eh. Ang WEAK mo naman. Hahaha!" sabi pa nung isa.

Tiningnan na lang niya ang kanyang mga kaibigan ng masama tapos tumingin rin siya sa akin ng masasam, kaya binelatan ko na lang siya.

"Sige na girls! Mag palit na kayo at mag pahinga na. Bukas ko na lang sasabihin ang mga nakapasa." Sabi ni Coach Cha sa amin.

¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤

Hahahaha! Wala ako maisip eh. Kaya yan lang ang lumabas.

WALANG KAKAIN! TALO ANG CAVS! HAHAHAH! BAWI NA LANG SA NEXT GAME. #ALLinCLE #CAVsNation

ENJOY!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You, Ms.SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon