Disaster

8 1 0
                                    

Anne's POV

Eto kami ngayon ng mga kaibigan ko sa canteen, nag hahanap ng upuan at si Bianca naman ay parang hindi mapakali at parang may hinahanap.

"Hoy! Bianca hindi ka mapakali dyan... Sino bang hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.

"A-ah..eh..sina ano..." pa utal-utal na sagot naman niya sa akin. "Sina ano?" balik tanong ko sa kanya. "Sina Drake... Yung mga nag lalaro ng basketball, sabi nila magagaling at magwagwapo daw ang mga yun. Gusto ko lang naman malaman kung tunay nga. Hihihi"

Aba-aba! Ang bruha, nag hahanap na agad ng bago, naka move on na kaya to? Tatanungin ko na sana siya ng biglang

*BOGSH*

Kaasar naman...natapon tuloy ang inorder kong pagkain and take note sa damit ko natapon yung iba. Nakaka G-R-R-R!

"Hindi kasi tumitingin sa daan! Tingnan mo ginawa mo! Nadumihan na ang uniform ko!" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya habang tinatanggal ang konting dumi sa damit ko.

"Ahmmm...Miss sorry, hindi ko sinasadya...a-ah ano kasi...ahm ano...aish! Sumama ka sakin pahiramin na lang kita ng t-shirt" utal-utal niyang sabi. Ngayon nakatingin na ako sa kanya habang nag sasalita siya.

Infairness, ang cute niya dahil nung sinabi niya yun kinakamot niya yung batok niya at halatang kinakabahan.

Teka-teka... anong sabi ko? Cute?! Erase erase. Dapat galit ako sa kanya.

"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo! Matatanggal ba ng sorry mo ang mga dumi sa damit ko!" medyo napa lakas ang boses ko kaya may mga natingin na students sa amin.

"OH OW!! Hahahaha!" sabi ng kanyang mga barkada ata. Napatingin naman ang lalaking ito sa kanila at sinamaan ng tingin kaya nag pipigil na lang sila ng tawa.

"Miss kaya nga kita pinapasama sa akin para makapag palit kana...ako na rin ang oorder ng pagkain mo" medyo napahiya naman ako dun dahil hindi ko namalayan na pinapahiram niya pala ako ng damit.

"Ahmm...ano miss, tara na?... Sa mga barkada ko na lang mo pasabayin ang mga kaibigan mo." sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Bianca. "Sige! Sa inyo na lang kami sasabay... Pumayag ka na AJ."

"Oo nga, pumayag ka na AJ. Gutom na ako eh." sabi naman ni Chloe.
"Oo na, pumapayag na ako"

Drake's POV

Grabe tong nabunggo kong babae, maganda na sana kaso ang taray.

"Ahmm...ano miss, tara na?... Sa mga barkada ko na lang mo pasabayin ang mga kaibigan mo."
bigla namang sumingit yung isa nyang kaibigan na babae, katamtaman ang tangkad, medyo maputi, kung tatanungin nyo kung maganda, pede na.

"Sige! Sa inyo na lang kami sasabay... Pumayag ka na AJ" sabi nung babae. "Oo nga, pumayag ka na AJ. Gutom na ako eh." pag sang ayon naman nung isa.

"Oo na, pumapayag na ako" at pagka sabi niya nun pumunta na kami sa table.

Ng makarating na kami sa table namin ibinigay ko kay Daniela ang wallet ko "Oh! Bumili na kayo ng gusto niyo. Wag niyo lang uubisin ang laman niyan. Daniela ipinagkakatiwala ko sayo ang wallet ko ha?"

"Ha? Eh pano ka? Akala ko ba gutom ka na" sabi ni Daniela sa akin. "Siguro naman nakita niyo yung nangyari kanina diba?" nag nod naman sila kaya nag salita ulit ako

"Papahiramin ko lang siya ng t-shirt...mamaya na lang lunch ako kakain kaya ko pa namang tiisin... Sige na baka di pa kayo makakain at baka ma late na rin tayo, kita kits na lang sa room. Miss? Tara na?" nag nod naman siya kaya pumunta na kami sa locker ko.

¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤ ¤¤

Pede na ga? Hahaha.
May part 2 pa yan kaya wait lang. Enjoy! ^_^
-DC

I Love You, Ms.SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon