Palinga-linga ako sa magkabilang kalsada dahil naghihintay ako ng masasakyan na tricycle, napatingin ako sa relong pambisig ko dahil mahuhuli na ako sa klase. Napatingin ako sa kabilang gilid ng kalsada nang nakita ko ang isang babae na nakayuko at nakasiksik ang sarili sa isang gilid. Nilapitan ko ito at tinapik sa braso
"Bata, ayos ka lang ba?" tanong ko. Umangat ito ng tingin kaya napasigaw ako sa takot. Wala kase itong mga mata at dumadaloy pa ang dugo sa kan'yang pisngi. Napaatras ako dahil sa takot pero huli na dahil hinawakan ako nito sa kamay at tumayo narin ito.
"Nanay, tatay gusto kong tinapay. Ate kuya gusto kong kape. Lahat ng gusto n'yo ay susundin ko ang magkamali ay papatayin ko~" pagkanta nito na ikinanginig ng buong katawan ko. Binaklas ko ang pagkakahawak nito sa kamay ko at dali-daling tumakbo paalis. May huminto namang kotse sa harapan ko at dumungaw saakin ang isang lalaki.
"Gusto mong sumakay?" tanong nito.
"Hindi ako sasakay sa isang stranger" sagot ko at niyakap ang sarili, napatingin ako sa bata kanina at papalapit na ito saakin.
"Ayaw mo? Mukhang gusto kang yakapin ng batang 'yan kung hindi ka pa aalis" sabi pa nito. Umikot ang mga mata ko at napilitan na sumakay na lang dahil narin sa takot na sundan ako ng bata. Tahimik lang kami habang nasa byahe.
"Hinahabol ka ng multo, ang best friend mo naman hinahabol ng mga elemento. Perfect match talaga kayo" sabi nito kaya napakunot ang nuo ko.
"Stalker ka ano?" tanong ko habang nakatingin sa kan'ya na nasa kalsada parin ang tingin.
"Kinda" tipid nitong sagot bago ngumisi ng kaunti. Sino ba itong lalaking 'to? Halos hindi ko naman s'ya nakikita sa school
"So, nakita mo rin 'yung bata kanina?" tanong ko
"Yeah, mukha ngang maiihi kana sa palda mo kung hindi kita ni-rescue" mayabang nitong sabi na animo'y sinagip n'ya ako sa bingit ng kamatayan.
"Should I thank you?" sarkastik kong sabi
"You've already said it" sagot nito, naisahan ako nito ah.
"How did you know my best friend?" kapagkuwan na tanong ko, dahil kahit best friend ko ay alam n'ya rin ang buhay nito.
"Well, nakita ko s'ya nakaraan na may kausap sa harap ng balete tree. I thought nababaliw na s'ya pero sabi ng iba ay ganob talaga s'ya. Best friend nga kayo" sabi nito kaya nalukot ang ekspresyon ng mukha ko.
"Sinasabi mo ba na parehas kaming baliw?!" pagtataas ko ng boses.
"Wala akong sinabi, ikaw ang nagsabi n'yan" sagot nito na parang iniinis ako
"Stop the car" sabi ko kaya napalingon ako
"What if I don't?" sagot nito bago ibinalik ang tingin sa pagmamaneho
"Gusto ko lang maranasan 'yung sa mga kdrama. Ang kill joy mo rin eh" sagot ko at nag cross arm.
"Okay" tipid nitong sabi bago inihinto ang kotse sa kakahuyan.
"Get out" sagot nito na ikinalaki ng mata ko
"Gusto mong maranasan ang kdrama diba? Kasama 'to sa scene ng kdrama. So, get out" utos nito habang kampante na nakangisi saakin.
"Sinisira mo ang araw ko Andrew!" naiinis kong sabi
"You know my name huh?" sabi nito
"Yeah" sagot ko
"This is the best way to meet someone who's more crazy than me. By the way, nice to meet you sharmaine" sabi nito bago ngumiti at pinausad narin nito ang kotse.
BINABASA MO ANG
I Will Always Find You (Season 1)
ParanormalAng pagtanggal ng mga masasamang ispirito ay trabaho ko na, hanggang sa dumating ang oras na may kailangan pa akong dapat pagtuunan ng pansin at 'yun ang babaeng itinakdang protektahan ko laban sa pamilya Schultzy. Dahil sa kagustuhan ng magulang ko...