Chapter 12 (Confused)

71 5 0
                                    

Napaatras ako nang lumingon ang spirit na humahabol saakin, matangkad ito at halos buto na lang ang katawan. Matatalas din ang mga ngipin nito na animo‘y kayang putulin ang mga braso ko kapag kinagat ako nito. Nabitawan ko ang cellphone ko nang lumapit ito saakin, nag lalaway ito.

“A-anong kailangan mo?” kinakabahan kong tanong, halos hindi na ako makapagsalita ngayon.

Hinawakan nito ang hibla ng buhok ko at tinignan gamit ang mga daliri n’ya. “Napakabirhen mo parin pala talaga hija” sabi nito sa paos na tinig. Pilit akong umaatras pero hindi ko na magawa dahil nasasandalan ko na ang pader. Nakakapagtaka lang dahil hindi ako makasigaw lalo na at nasa labas sila ng kwarto.

“Pinapabisita ka lang saakin ni pinuno, sinisiguradong birhen ka parin hanggang magkita kayo” sabi nito. Napalingon kaming dalawa nang bumukas ang pinto at niluwal nito si Andrew na hingal na hingal. May binulong ito sa hangin, nagkaroon naman ito ng epekto sa spirit na kumakausap saakin dahil bigla na lang itong naglaho.

“Ayos ka lang?” tanong nito. Gumapang ako palapit kay Andrew at niyakap s’ya ng mahigpit, akala ko hindi na ako makakatakas kanina pero kampante na ako dahil nandito na si Andrew. Dumating naman si Khairo at alalang napatingin sa kalagayan ko dahil naliligo narin ako sa sarili kong pawis.

“Anong nangyari?” tanong nito. Binuhat naman ako ni Andrew at pinahiga sa kama ko.

“I will always find you, kahit saan ka pa. Hahanapin kita” sabi nito bago hinawakan ng mahigpit ang kamay ko

“May third eye ka ba sharmaine?” tanong ni Khairo

“Mayroon” sagot ko

“Mabuti pang isara mo na lang Andrew” suhesyo ni Khairo bago ito lumabas ng kwarto at iniwan kaming dalawa.

“Papayag ka ba?” tanong ni Andrew matapos ang mahabang katahimikan.

“Oum, ayuko na sila ulit makita” sagot ko

“Sige” sagot nito, inilapat n’ya ang kan’yang kamay sa nuo ko at pumikit. Pumikit din ako at dinamdam ang ginagawa nito. Nang imulat ko ang mga mata ko, wala na ang mga kaluluwang nagmamasid saakin tuwing pipikit at mumulat ako.

“You are now safe” sabi nito bago hinaplos ang buhok ko, naalala ko naman ang sinabi ng spirit kanina.

“May kilala ka bang p’wedeng gumawa ng imposibleng bagay?” tanong ko

“Oo, ako” sagot nito, hindi siguro nito naintindihan ang punto ko

“I mean, ‘yung spirit kanina” nag-aalangan ako kung sasabihin ko ba, pero nang tignan ko si Andrew ay naghihintay din ito sa sunod kong sasabihin “Sinabi n’yang pinabibisita n’ya raw ako sa pinuno nila” dagdag ko pa.

“Sino ba ang tinutukoy n’ya?” tanong ko pa kay Andrew

“Wala rin akong ideya” sagot nito

“Kamusta pala ang client mo?” tanong ko

“Maayos na bago pa ako umalis” sagot nito.

“Maine” tawag saakin ni mizuki nang makapasok ito sa kwarto. Napatingin naman s’ya kay mizuki bago bumaling ulit saakin

“Maayos kana? Nasabi saakin ni khairo ang nangyari” tanong nito bago lumapit saakin, tumabi naman si Andrew sa gilid at binigyan ng space si mizuki para yakapin ako.

“Nasaan si Andrey? Hindi mo ba kasama?” tanong ko

“Niyaya n’ya ako mag lunch kanina” sabi nito na mukhang kinikilig, napatingin ako kay Andrew dahil nagbuntong hininga ito bago umalis.

“Anyare doon?” tanong ko. Nagkibit balikat naman si mizuki at nagpatuloy sa pagkukwento n’ya sa moment nila ni Andrey.

Nalaman ko rin na crush ni Mizuki si Andrey, kaya pala napapansin kong lumalabas ang dalawa.

“Kayo ni Andrew?” tanong nito

“Nanliligaw pa lang” sagot ko, narinig ko naman ang malakas na tili ni mizuki dahil sa sinabi ko, sinenyasan ko itong tumahimik at kumalma naman ito kaagad.

“Kailan mo balak sagutin?” tanong ni mizuki

“Ewan, siguro uusisain ko muna s’ya” sagot ko

“Great idea” saad ni mizuki.

“Bakit pala mukhang ang saya mo na?” tanong ko kay mizuki habang nasa garden kami

“Isinara narin ni Andrey ang third eye ko, may iniinom ako para layuan ako ng mga elemento at bigay din ‘yun ni Andrey” sabi nito

“Ikaw ha, gumaganon kana” sabi ko pa at sinundot s’ya sa tagliran dahil nandoon ang kiliti n’ya.

“Shush, minsan lang ito kaya sinusulit ko na” dagdag pa nito.

“Zuki, sorry kung guguluhin ko muna kayo pero pinapatawag ka ni Andrey sa loob” sabi ni khairo

“Pinapatawag daw ako ni crushie, babush muna” sabi nito bago kumaway, nakangiti naman akong kumaway pabalik sa kan’ya

“Maine, kayo na ba ni Andrew?” nagulat ako nang tanongin ako ni khairo patungkol sa personal na bagay, dati naman hindi ito nagtatanong eh.

“Hindi pa, nanliligaw pa lang” tapat kong sagot, wala naman kaseng dapat ilihim.

“Mahal ka ba talaga n’ya? O ginagawa n’ya lang ‘yan para sa parents n’ya?” tumawa nito at nailing-iling “Mga babe nga naman, madaling mauto sa mga matamis na salita lang” sabi nito bago namulsa.

Ano ba ang sinasabi n’ya?

“Ano ba ang sinasabi mo khairo?” tanong ko

“In this world full of evil, you might talking to one everyday” sagot nito at tumawa ng malumanay.

“Direktahin mo na lang ako” madiin kong sabi, nagsisimula na akong mainis.

“Ask yourself, you might be the one who’s evil in disguise” dagdag nito.

“Ano ba ang sinasabi mo khairo?” tanong ko

“In this world full of evil, you might talking to one everyday” sagot nito at tumawa ng malumanay.

“Direktahin mo na lang ako” madiin kong sabi, nagsisimula na akong mainis.

“Ask yourself, you might be the one who’s evil in disguise” dagdag nito.

“Tell me what you know” utos ko. Ngumiti naman ito saakin at tinitigan akong mabuti

“You can‘t accept it, if I tell you the truth” sagot nito

“Bakit naman?” tanong ko

“Well, there is so many questions bothering to your little mind and I know that. Mas mabuting ikaw mismong tumuklas, dahil mas exciting ‘yun” sagot nito bago lumapit saakin at tinabig ang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.

“You‘re so beautiful” sabi nito, napatingin ako sa likuran ni khairo nang tumikhim si Andrew

“What are you doing khairo?” Tanong nito

“Nothing” sagot ni khairo bago dumistans’ya saakin.

Kaagad naman akong hinawakan ni Andrew sa kamay at hinila paalis, pero bago pa n’ya ako mahila paalis ay naglalaban pa ang mga tinginan nila ni khairo.

“Anong sinabi ni Khairo?” tanong ni Andrew nang nasa sala na kami ng bahay nila. Pansin ko namang medyo pinagpapawisan s’ya kahit may aircon naman sa buong bahay

“Wala” pagsisinungaling ko

“Ah okay” sagot nito

“May dapat ba akong malaman?” tanong ko.

“Wala naman” sagot nito.

I Will Always Find You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon