CHAPTER 10

2.5K 75 2
                                    

BRIANNA blinked. Naglaho ang malabong alaala. Tinitigan niya ang silid. Nakatakip ng puting kumot ang buong kama. Walang ibang kasangkapan kundi aparador tulad ng sinabi ni Manang Benita. Muli niyang isinara ang pinto. Pumikit siya at sumandal doon. Hindi niya
alam kung bakit nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Ang alam niya'y matinding lungkot ang nararamdaman niya. She couldn't even remember her mother's face clearly. And she wanted to remember her very much. Kahit sa bahay nila sa Laguna ay walang larawan ang
mommy niya.

Nang itanong niya sa ama ang bagay na iyon ay sinasabi ng daddy niya na hindi mahilig magpakuha ng larawan ang mommy niya. That was ridiculous. Kahit paano may isa o dalawang larawan ang bawat isa. Subalit hindi niya ipinilit ang issue. Nararamdaman niyang may itinatago ang ama. At kung hindi nito gustong sabihin iyon ay hindi siya magpipilit.

Nagulat pa siya nang makitang nasa harap na niya si Shaun. Napahugot siya ng hininga. Hindi niya alam kung paano pakikibagayan ang damdamin tungkol sa mga magulang pagkatapos ay heto si Shaun at nakatunghay sa kanya na lalo pang nagpakapos ng hininga niya.

"Hey..." banayad nitong sabi, towering at her. Hinawakan siya nito sa baba at itinaas ang mukha niya rito. "You are misting your eyeglasses."

Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya at iniwas ang mukha rito. "I-I'm okay."

"Sure?"

No. She didn't feel okay. And she wanted to burrow her head in his chest and cry to her heart's content. Kung bakit nalulungkot siya at nais umiyak ay hindi niya maipaliwanag kahit sa sarili. Matagal nang wala ang mommy niya. Hindi na niya madama ang pait dahil lumaki siyang walang ina. Wala na rin ang daddy niya. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman. Gusto niyang umiyak pero hindi sa harap ng dalawang estranghero. Sana ay naroon si Melanie.

Sa halip ay tumango siya at lumakad patungo sa pinto at nagtuloy-tuloy sa pagbaba. Sa lupa ay inikot niya ng tingin ang buong paligid. Sa pagitan ng mga nagtataasang dawag at siit ay nakatanaw siya ng isang munting landas. Dinala siya ng mga paa niya patungo roon. It was more than twenty yards away from the house. Malayo na ang nalalakad niya at natatakpan na ng mga di-kalakihang puno ang bahay ng mga magulang. Ang mga ulap ay tila bumaba mula sa langit at nilulukuban siya.

"Slow down, Brie!" tawag ni Shaun.

Subalit hindi siya nagmabagal sa paglakad, sa halip ay lalo pa niyang binilisan ang mga hakbang. She was crying now. Hindi rin niya alintanang halos hindi na niya makita ang daan sa kapal ng fogs.

"Huwag kang lalabas ng bakuran, Brie. Tandaan mo iyan."

She shook her head mentally. Natatandaan niya na malimit sabihin ng daddy niya sa kanya ang bagay na iyon.

Marami nang siit at dawag na nakaharang sa landas, patuloy siya sa paghawi sa mga iyon kahit may ilang siit na gumasgas sa balat niya. She was both angry and sad. Nagpatuloy siya sa mabilis na paglakad.

"Mommy... mommy... asan ka? Mommy!"

She was gasping for breath. Nasa balintataw niya ang isang bata sa gitna ng makapal na fogs, umiiyak at tinatawag ang mommy niya. Gayunman ay hindi ito sumisigaw. Tumatakbo ito sa kabilang bahagi ng daan, sa magubat na bahagi. Patungo sa daang tinatalunton ni Brianna habang tinatawag ng bata ang mommy niya sa mahinang tinig na wari ay kausap nito ang sarili.

"Mommy, 'asan ka..."

Then the little girl stopped as she heard someone move in the bushes not far from where she was. Mula sa mga hinahawing mga dawag ay nagmadaling nagtago ang bata sa makakapal na damo. Kinakabahan siyang kapag nakita ng sino mang naririnig niyang lumalakad sa landas ay isusumbong siya sa daddy niya. Hindi siya dapat nasa landas na iyon patungo sa--

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon