TTI 09

105 36 1
                                    

Dedicated to: Xandrage & MsDzayr haler tara live ulit hahahshshs

CHAPTER 9

I was busy reading books about academic rivals to lovers when my manager texted me. Ngayon daw naka schedule ang shooting na sinasabi ni Concord. Subukan niya lang talagang inisin ako mamaya at pausukin ang ilong ko sa galit, hahampasin ko siya. Pansin ko rin ang pagiging demanding ng manager niya.

Mabilis ang naging kilos ko. Ilang ulit ko pang inayos ang sarili bago tuluyang lumabas ng apartment. Tanda ko pa ang ilang beses na pag anyaya sa akin ni Concord sa kaniyang condo, ipapakita raw ang loob.

Ano siya hilaw? Gagawin pa akong tanga ng isang 'yon. Akala niya naman wala akong alam.

Nang makasakay sa sariling sasakyan at nasa kalagitnaan na ng daan ay doon ko lang nabasa ang text ni Fhailler. Sabay na raw kami kaya susunduin niya na lang ako. Mariin akong napapikit sa frustration. Nagdadalawang isip pa ako kung babalik ba o itutuloy na ang pagmamaneho ko, lalo na't malapit nang mag red signal.

Mahina akong napabuga ng hangin t'saka napagdesisyunang tawagan na lang ito. Nang sagutin nito ang video call ay sobrang lukot na lukot ang mukha nito. Napansin ko ring nasa loob siya ng sasakyan niya. Mahina akong napatawa sa mukha niyang hindi maipinta.

"What? You done?" pormal niyang tanong.

"Where are you?" paminsan minsan kong nililingon ang cellphone at agad ding bumabalik ang mga mata sa daan. "Sorry..." I paused for a second. "Nakaalis na ako sa apartment bago ko nabasa ang text mo... sunod ka na lang."

I heard him sighed as he cleared his throat. "You're still on the road? Call you later. Drive safely..." akala ko ay may sasabihin pa siya pero he ended the call.

Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at pinagpatuloy ang biyahe. Kulang lang siguro siya sa tulog kaya ang grumpy niya today.

"Miss Syrien!"

"Ano pong masasabi mo patungkol sa kumakalat na— aray! Putang ina naman! Huwag niyong apakan ang sapatos ko!"

"Is it true that you and Colt, are in getting to know each other?"

"Harangan niyo para hindi makaalis!"

"Isang tanong lang, Miss Syrien!"

Napailing na lang ako sa irita nang salubungin ako ng maraming paparazzi. Ano na naman kayang issue ang kumakalat patungkol sa akin? Sinalubong ako ni Cara na pilit na hinaharangan ang mga disperadong mga paparazzi.

"Pwede ba?! Tumabi kayong lahat! Mas'yado niyong ini-stress ang alaga ko. Kung gusto niyo ng kasagutan, invite niyo na lang siya sa mga talk shows niyo. Tabi!"

Napaamang ako sa galit na galit na si Cara, or should I start calling him Cardo, again? Himala, lalaking lalaki siya ngayon. Salubong ang kilay niya habang tinutulungan akong makaalis doon. Ang dami namang galit ngayon.

Ilang minuto pa ang tinagal namin doon bago ako tuluyang nakatakas. When we arrived at the taping place, agad kaming binati at inasiko ng mga nandoon. Nakita ko pa si Aira na ngumiti sa akin, plastik naman nito.

Tempting The Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon