TTI 11

92 33 1
                                    

CHAPTER 11

Mabilis na umayos ako ng tayo saka nagmamadaling tinawagan ang aking mga magulang. "Mom! I'm not—"

"What is the meaning of that, Syrien Azalia?! Relationship means marrying, in our family. You should've be serious with this boy, Syrien."

Napatingin ako sa kasama kong si Fhailler na kasabay kong kumakain habang pinakikinggan ang usapan namin ng aking parents. Nagtaas siya ng kilay sa akin. Bigla tuloy bumalik sa akin ang mga katangahan ko.

"I know, Mom. Don't worry, I'm not playing..." I'm goddamn serious here. "How's your vacation in there? Alam mo naman pong iba ang oras namin sa inyo. It's 10 in the evening here in the Philippines, and it's 9 in the morning na riyan sa Bogotá. Gabing-gabi na po rito." Pagpapalusot ko dahil sa ayaw ko nang ma-starstruck pa ng mga ito.

I heard her sighed. I know her, she's probably rolling her eyes right now. "My goodness, sweetheart! I'll call your manager Cara-whatsoever. Good morning— evening. I'll also call your sisters, bye. Ingat ka riyan. Your dad wants to meet your future husband... when do you want us to get back there? Mamamanhikan lang kami." She ended the call.

Napangiwi ako sa sobrang kahihiyan sa kasama. For sure rinig niya iyon, hindi naman siya bingi. "Pagpasensiyahan mo na sila, huh? Kulang pa yata sila sa bakasyon kaya gano'n..."

"So marriage..." tumaas ang sulok ng mga labi niya. "What will you do to clear my name in public? You make me like you, like a famous celebrity in an instant."

Parang nahulog ang puso ko sa sinabi niya. Huwag naman sana niyang ipahalata mas'yado na ayaw niya sa akin, at sinasakyan lang ang trip ko sa love life.

"Hindi mo gustong ma-link sa akin?" pagak akong natawa, hindi dahil sa kung anong patungkol sa kaniya, kung hindi dahil sa akin. Sa sarili ko, for assuming and delusional. "I'm sorry... don't worry, I will clear your name—"

"Not like that." He cut me off. "Don't conclude—"

"I'm sorry. Hindi ko inisip ang nararamdaman mo, o kung ano ang mangyayari sa ginawa ko. Sorry. Huwag kang mag-alala, I will clear your name tomorrow morning..." hirap akong lumunok at hindi makatingin sa kaniya. "Sasabihin kong... it was... I was just making a story..." story of me and you, being in a relationship, loving each other and thinking only me and you.

He tried to reach my hands. "It's not like what you think, yarim. That was a wrong move, sorry." Masuyo niya akong nginitian. "Kain ka na,"

Yeah. Ayaw niyang pag-usapan ang patungkol dito dahil sa naiilang at umiilag siya.

Napipilan ako at walang masabi. Nangangati ang dila kong buksan ang topic na gustong-gusto kong malaman. Kung nakakapasok na ba ako o hanggang ngayon, wala pa. I need to know. I wanted to know where I stood in his life. Or, this is just all an act.

"Do... you find me attractive?" My lips thinned. S'yempre, oo 'yan. Sa ganda kong 'to, wala ni isang lalaking umayaw sa akin.

"Yes, you are."

"Then... can we be officially dating? Can you be my boyfriend... for real?"

Natigil ito sa pagkain at napayuko. Shocked was visible in his handsome face. Nang magtaas ng mukha ay titig lang ang ginawa. Not moving. No emotion as well.

Nang lumipas ilang minuto na hindi siya nagsalita, napahinga ako ng malalim sa pagkapahiya at para na rin itago ang nanunubig kong mga mata. Tangina talaga. Bakit ko pa kasi naisip na itanong iyon? Nasaktan pa tuloy ako.

Nag-expect ako, kaya kung masaktan man ako, ay labas na siya roon.

"Sorry," this is the first time I apologize three times for a day. "I asked." Sabi ko at mabilis na tinapos ang pagkain. "Lock the door once you go home. Thanks for the help." Iniwan ko siya roon at agad na pumanhik sa akin silid.

Tempting The Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon