TTI 12

102 32 0
                                    

Dedicated to: vampior  haler gurl! miss you ☆♡

CHAPTER 12

Hindi ko alam ang isasagot sa kapatid na babae ni Fhailler. Ito kasi ang sumalubong sa akin at tuwang-tuwa itong nakatingin sa akin. Panay lang ang kurap ko habang nakakapit sa polo shirt ni Fhailler.

"Oh my God! Mom! The famous Syrien Azalia Monteverde is here! She's freakin' gorgeous and..." minata ako nito mula ulo hanggang paa. "Sexy."

Pasimple kong tinakpan ang tainga ko sa lakas ng boses niya. Kulang na lang ay magtago ako sa likuran ng kuya niya para hindi ako nito makita. Ang ilan ding nagdadaanang nakakakilala sa akin ay kumakaway, samantalang ang iba ay isinisigaw ang pangalan ko. Mapa-pas'yente man, bantay o nurses ay nginingitian ako.

"Stop shouting, Kliria Destiny. We're in the hospital for Pete's sake." Aniya Fhailler na nakahawak sa kamay ko. "Uncomfortable? We can go home i—"

"Gosh! Si OA, oh. Ang OA mo, Kuya," nilingon ako ng kapatid niya. "Hi, idol! Is it true ba talaga, na you're my kuya's girlfriend? Why? Inuuto ka siguro nito, 'no? Don't be uto-uto— aw! Mom, si kuya binatukan ako."

Nang bumukas at lumabas ang may edad na babae mula sa pintuan ay abot abot ang naging kaba ko. Kilala ko na ang babae simula nang i-stalked ko sa social medias ang anak niya, pati nga halos buong angkan nila ay kilala ko na. Umabot pa nga ako sa twitter ng isa sa kamag-anak nila dahil sa curiousity ko.

"Why did you do that to your, baby sister, Colty— hmm..." nalipat sa akin ang tingin ng Ginang. She looks stunned and impressed with me. "Oh, my famous manugang is here! Is this for real?"

Oh my fucking gosh! Is this freaking real? She wants me for her son, eh?! Kung pwede lang, sure, why not?!

Halos hindi ko na namalayan na nagpipigil ako ng hininga. Kung hindi lang ngumiti ang Ginang sa akin ay mauubusan ako ng hangin, sa sobrang tensyon na nararamdaman.

"Good afternoon, Mrs. Gatchalian," magalang na bati ko sa Ginang. Wala sa sarili akong napahawak sa aking pisngi at napatago sa likuran ni Fhailler. "Ahm... hello, Kliria! Sinamahan ko po ang... anak niyo," namumula na ako sa sobrang tuwa.

I can't freaking hide my nervousness as well as my shyness side!

Nakangiti siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "You're too formal, Syrien hija. Just call me Tita and Tito for my husband." She pulled me for a tight hug. "You're so sweet, hija, are you sure hindi ka ginayuma ng anak ko?" natatawang ani ng babae— ni Tita.

"I'm the illegitimate son here," pagpaparinig ni Fhailler na nasa likuran ko na tinawanan lang namin.

"What are you talking about? Eh, you're the ampon nga sa pamilya. Hindi ba, Mom? Kuya is just an ampon?" Kliria teases her brother. "Naawa raw sa 'yo kasi nasa may kanal ka, in short, napulot sa kanal."

Humiwalay ako kay Tita at nilingon ang anak niya na nakataas ang kilay sa akin. "Selos ka naman agad," I hugged him that caught him off guard. "I love you— shibal! Tara na sa loob," napakurap-kurap ako sa gulat at kaba ng masabi iyon.

My goodness! Inunahan ko pa ang magsabi no'n kaysa sa label namin.

Ang inis sa kaniyang mukha ay unti-unting napalitan ng gulat. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa akin na tanging kindat lang ang naging tugon.

"Damn, woman..." para siyang naubusan ng hangin at hindi na nasundan pa ang kaniyang dapat na sasabihin, dahil sa tuluyan na siyang inasar ng kapatid. "Shut up, Kliria Destiny."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tempting The Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon