Chapter 23: Decision

449 6 0
                                    

SOFIA'S POINT OF VIEW

"Sino 'yong naghatid sa 'yo?"

Habang papasok sa State Univeristy namin, napabaling ako kay Calix nang bigla itong sumulpot ito sa likuran ko.

"Si Adam. Sa kanya ak-" Natigil ako sa pagpapaliwanag nang bigla na lang siyang sumigaw.

"Ano?! Bakit ka na naman bumalik sa gagong 'yon? Papaloko ka na naman, Pia? 'Di ka pa ba nadala?"

"Ha?" Napangiwi ako at hinila siya palapit sa akin dahil napatingin sa amin ang ibang naglalakad. "Pinagsasabi mo? Nagta-trabaho lang ako sa kanya. Inaalagaan ko 'yong anak niya. Alam mo ba, ang cute-"

Mas lalo namang nagsalubong ang kilay niya. "Umalis ka ro'n, Pia!"

"Ha?"

"Bumalik ka sa Shop ni Rachel, doon ka magtarabaho! 'Wag sa Cleverio na 'yon! Sasaktan ka lang ulit!" pagmamaktol niya.

"Calix, natuto na ako, 'no? Hindi na ako papa-uto ulit. Kaya 'wag ka nang mag-worry dyan!" Sinubukan kong pagaanin ang sitwasyon pero mukhang hindi siya natuwa.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil din ako sa paglalakad. "Umalis ka ro'n, Pia," pagpupumilit niya, may mahalo pang pambabanta.

"Desisyon 'yarn?" Humalakhak ako dahil naguguluhan sa pinagsasabi niya.

"Seryoso ako. Mamaya, susunduin kita ro'n. Bumalik ka sa Apartment mo."

"Ano bang problema, Calix?" Binawi ko ang palapulsuan mula sa pagkakahawak niya. "Twenty three na ako. Kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko..."

"Pero hindi tama 'yang desisyon mo!"

"Paano mo nasabi?" Tumaas na rin ang boses ko. Umagang-umaga, nai-stress na agad ako! "Dahil sa nangyari dati? Calix, kung nag-aalala ka, kaya ko. At isa pa, trabaho lang habol ko roon."

"Tsk! Gagamitin ka lang ulit ng gagong 'yon para gantihan ako! Gano'n 'yong Cleverio na 'yon, Pia! Takot siya sa akin kaya hindi niya ako kayang gantihan nang hindi sinasaktan 'yong mga taong mahalaga sa akin."

Matagal akong napatitig sa kanya. Tinatansya kung nagsasabi siya ng totoo o nampa-prank lang. Naguguluhan ako. Kanina, tiwalang-tiwala na ako kay Adam. Pero ngayon, natatakot ulit akong magtiwala sa kanya dahil sa mga sinabi ni Calix.

"Ano bang meron? Bakit ka niya gagantihan? May ginawa ka ba sa kanya?"

"Ako 'yong pinili ni Karen at hindi siya! Kaya no'ng nalaman ko kay Chel na nagpakita na naman sa 'yo 'yong gagong 'yon, alam ko na agad na may binabalak siya," sagot niya. Dagdag impormasyon para sabihing 'wag na akong umasa kay Adam.

"Beh, anong mukha 'yan? Para kang naluge," bungad ni Beatriz. Siya agad ang takbuhan ko kapag gusto kong magkwento. Heto nga't tumawag agad at video call pa. Excited talaga sa tsismis kahit kailan! "Para kang 'di pinakain sa mansyon ni D? 'Di ba bilyonaryo 'yon?"

"Pinakain naman. Siya pa nga ang naglagay ng pagkain sa plato ko." Bumuntong hininga ako at ipinatong ang mukha sa ibabaw ng bag na nasa lamesa.

"Aba! Dumada-moves na naman si D, ah? Ano? Rumupok ka na naman ba kaya ka sad girl d'yan ngayon?" sunod-sunod na tanong niya.

"Syempre hindi, beh! Strong na kaya ako."

"Sus! Ay wait, beh, sino 'yang gwapong nasa likod mo?" tanong niya bigla. "Si D ba 'yan?" pagtukoy niya kay Adam.

"Ha?" Napabangon ako bigla at kumunot ang noo ko lumapit sa screen para makita ng mabuti ang imahe ng lalakeng nasa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nando'n na nga si sir! "It's a prank! Hindi si D! Prof mo pala, beh! Bye na!"

Babysitting the Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon