Dexter: Nahirapan din ako
Honey Mae: Talaga
Dexter: Basta maniwala ka o sa hindi,mahirap sa akin
Honey Mae: Paano mo nasabing mahirap...Eh di ka naman lumaban
Dexter: Paano mo nalaman..bakit ba napakadali mo kong husgahan..Alam mo bang lumabas ako ng seminario dahil sayo
Honey Mae: Sa akin?... Tama ba yong narinig ko dexter ha?..sa akin,alam mo tama lang na lumabas ka ng seminario,dahil sinungaling ka,kung lumabas ka ng seminario dahil sakin,dapat hinanap mo ako ,dapat kina-usap mo ako,dapat nagpakita ka sakin..
Naghintay ako sayo,matagal..hindi ako nawalan ng pag-asa dati na isang araw may kakatuk sa pinto ng bahay ko at pag bukas ko ikaw...na hindi ka paman nagsasalita tatanggapin na kita ka agad..pero ano wala ni anino mo hindi ko nakita..Dexter: Dahil ayaw kong ikaw ang sisihin ng mga tao sa paligid ko,kung bakit di ako natuloy sa pagpapari ko...kaya nag palipas muna ako ng ilang panahon,bumwelo,gusto ko na kapag ibinalik natin ang dating wala tayong iniisip,wala tayong maririnig..Hanggang sa nabalitaan ko na nag-aasawa kana nga,hindi na ako nagpakita,dahil ayaw kong gulohin ang buhay mo...kahit minsan hindi kita nakalimutan,hindi ka nawala sa isip ko,dito honey mae,dito,dito sa dibdib ko,sa puso ko...ikaw parin ang tinitibok nito..alam mo kong may isa akong hiling ,alam mo kong ano yon?...Di sana maibalik natin ang dati... Sana maulit muli,pero alam kong huli na ang lahat... Ano itong pagtatagpo natin ngayon?.. Siguro ,siguro sinadya na rin para malaman natin na parehas tayong naghintay...Again ,I'm so sorry...ahmmm ma una na ako,nice see you again..
Honey Mae: Dexter
Dexter: Honey mae.. I still love you
At doon na nga nagtatapos ang kanilang pag-uusap at lumabas na si dexter..
Hindi ko maipaliwanag kong anong klaseng pakiramdam ang nadama ko sa pagtatagpo namin nun ni dexter...Para akong tanga,di alam kong anong emotion na nasa loob ... Diko alam kong anong tumatakbo sa isip ko,habang nakatitig ako sa taong minahal ko ng sobra...
Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ,pero para akong nakatali sa kina-uupuan ko sa mga oras na yon,
...Hindi pa talaga nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya..Gusto kong sisihin ang sarili ko,dahil naghintay pa sana ako ng kahit sandali pa,Eh baka kami pa nga ni dexter...
Alam ko unfair ako,kasi may asawa ako,at alam kong mahal ako ni christian jay,kaya wala akong ibang dapat gawin kundi pigilin ang tinitibok ng puso ko,at sundin ang tinuturo ng utak..Mahirap,pero yon ang dapat...Lumipas pa ang ilang araw,oo mali,pero ako ang unang gumawa ng move para maka-usap ulit si dexter... Tinawagan ko siya,dahil nasa akin naman ang resume niya.. Desperada na kong desperada,pero nakipagkita ako sa kanya,nagkapatawaran,binalikan ang masayang araw nung kami pa.. Na giguilty man,pero diko na kayang labanan ang nararamdaman ko... Sa madaling salita nagkaroon kami ng lihim na relasyon ni dexter..... Marami siguro ang magsasabi at mag re-react na mali ang ginagawa namin... Pero paano magiging mali,kung ito naman ang pinakatamang pakiramdam ng dalawang nagmamahalan.. Pinilit ko din na wag mag kulang kay christian jay... Una,para masuklian ang pagmamahal at pag-aalagang binibigay niya... Pangalawa,para wag siyang makahalata na kong anong meron sa aming dalawa ni dexter...
BINABASA MO ANG
True Love😘
RomanceAng storyang ito ay isang kathang-isip lamang at di totoo..Isa lang itong magpapasaya sa mga mambabasa ng wattpad