Nagmamadali kami ng mga ka-workmates ko sa leadership training na aming pupuntahan. Dahil kami ay mga baguhan pa lamang sa aming pinapasukan na trabaho, puro training ang aming ina-attendan at isa na nga ito na limang minuto na lang ay malelate na kami.
"You know the drill." Sabi ni Miss Amy, katrabaho kong pinaka matanda sa amin na paladesisyon sa buhay.
Isa lang ibig sabihin niyan, kailangan naming alisin ang lahat ng sagabal para makarating kami ng mabilis sa training.
Alam na. Nag tanggal ang mga kasamahan ko ng kanilang mga sapatos na may takong, ang buhok ay pinusod at akala mo'y tatakbo ang mga ito sa marathon.
1...
2...
3...
TAKBOOOOOOO!!!!!
At parang slow mo ang lahat kung paanong dapat mukha kaming professional pero ito kami ngayon , ang shoshonget ng mga itsura habang tumatakbo.
"Malapit na tayo. Wala nang ayos ayos" ani ni Miss Amy
"No no no. I should look byutipoollll no matter whattt!" Sabat ni Jenifer na gandang ganda sa sarili na maganda naman talaga. May pagkaweird lang talaga.
"Arte mo" sabi ni Luca sabay batok kay Jenifer. Isa naman siyang tahimik na "mamba". Lakas MAMBAra.
Napa-irap na lamang si Jenifer habang nag aayos ng sarili.
Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay huminto muna kami ng isang segundo saka pumasok na akala mo mga reyna.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.At pag pasok namin..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Hindi pa nag uumpisa. Ni kakaunti pa lang ang mga tao.
Umuusok ang ilong ni Miss Amy dahil sa akala nitong late na kami.
"Filipino time nga naman" ani ni Luca.
Umupo na kami at nilabas ang mga laptop namin para sa pag take down notes.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsidatingan na din ang ibang mga trainees at sumunod na ang mag coconduct ng training..
Habang siya ay nag aayos ng mga gagamitin niya para sa kanyang powerpoint..
May grupo ng trainees ang pumasok at isa na dun ang nakaagaw sa atensyon ko
Ang lalaking alam kong magugustuhan ko ng matagal..
Si Davis.
Ang lalaking medyo may katabaan ang katawan. Chinito. Tangos ng ilong. Ang kapal ng kilay. Kissable lips.
Super cute niyaaaaa
Isa lang masasabi ko..
Crush ko na 'to.