Bat ganun? Ang fe-famous ng mga tao ngayon. Lalo na si crush! Naka private ang mga social media account niya.

Ayoko naman i-add a friend o i-follow , nahihiya ako ih. Di pa kami nag uusap , wala rin kaming common friends.

Pero kase ang tagal bago ko siya makita ulit huhu!!

"Friend! Balita ko may aattend-an ka na namang conference ah. Di ka Napapagod?" ani ni Jenifer na tumabi sa akin dito sa cafeteria.

" may choice ba ako? Lagi naman akong pinapadala ng kumpanya pag may mga event. Kapag hindi ako umattend, masisilip performance ko. Nako. Ang dami ko pang bubuhayin. "

" Bakit kase hindi mo na lang hayaan ang mga kapatid mong kumayod. Working student ganern para marunong na agad sa buhay. Ikaw din eh. Kinukunsinti mo. Pagod pagod ka tuloy ngayon"

"Alam mo naman na mahal ko ang mga 'yon. Basta , pag naka graduate na sila. Okay na. Ito na lang ang tulong na mabibigay ko kayna mama at papa. Di ko pa nga sila nabibilhan ng bahay at lupa , ni sasakyan nga, wala.. "

" Ikaw na talaga ang ulirang anak. O siya. Samahan na lang kita. Buti wala akong projects ngayon. Wawa ka naman dun pag ikaw lang mag isa "

" talaga?? Grabe ka naman Jen. Pero kaya ko naman mag isa eh. No need na. "

" Kaya NBSB ka eh ! Tigil tigilan mo yang pagiging independent mo masyado ah at pag tumanda kang dalaga, di kita patutuluyin sa bahay ko "

" grabe?? Tumandang dalaga agad?? Hindi ba pwedeng ayoko lang kunin oras mo na dapat  binibigay mo sa boyfriend mong kano "

" hep hep. Nauna kang dumating sa buhay ko. Di ako mag aaksayang ibigay sayo oras ko-beep beep beep"

Ayan tumunog na ang relo namin. Hudyat na tapos na ang break time.

Naka konekta kase ang mga schedule namin sa smart watch na suot namin pero sa aming dalawa lang. Ayaw kase ng iba mag suot ng relo. Sayang. Ganda pa naman pang alarm.

"Let's get to work,Jen"  sabi ko sabay tayo at konting ayos sa sarili at gora sa opisina

"Basta Friend!!!!! Sama ako ah!!!"

Sigaw niya na dinig sa buong hallway.

Ang buhay bilang executive assistant ng isang CEO na may malaking kumpanya ay hindi madali.

Executive Assistant lang naman ako pero parang ako ang nag mamay ari ng kumpanya.

Pero alam ko naman di madali trabaho ng Boss ko, sadyang.. nakakapagod lang din talaga 'tong trabaho na meron ako.

Di ako nag rereklamo ah. Thankful nga ako kay God na binigyan niya ako ng ganitong trabaho na malaki ang sahod na dahil dito napapaaral ko ang mga kapatid ko. Sadyang, di ko maitatanggi ang pagod na dala nito.

Pero kahit na ganun , may pumapawi ng pagod ko..




Si Crush !!

Si crush na kapahingahan ko. Parang nawawala pagod ko pag naiisip ko siya. Parang kaya ko pang magtrabaho ng dalawang araw  non stop.

Asan kaya siya ngayon??

Sana makita ko ulit siya ^_^

Crush at First SightWhere stories live. Discover now