A/N: Fighting for me ngayong uumpisahan ko na 'tong storya na ito.

Pasensya na po kung may mga grammatically incorrect po. Kahit na tagalog po tong story ay may mga proper way of writing. Nakalimutan ko na po kasi tinuro nung elem at highschool days ko. Lalo na po english, nako.

Simpleng story lang po ito na alam kong mababalikan mo mga crush moments mo o makakarelate ka sa storya ni Elena Gracia😉

---

Dug dug dug dug

Si Davis Eloi , ang pogi !!

Ramdam na ramdam ko ang pagdilate ng pupil sa mga mata ko.

Parang nag sslowmo ang paligid.

Mukha siyang mabait. Mukha siyang maamo.

Ngayon, busy siya pakikinig sa speaker namin , lalo siyang pumopogi pag seryoso siya.

Hala. Tumatango tango pa pag nagugustuhan niya sinasabi speaker.

Luh. Natatawa pa.

May nakakatawa ba??

Nagpalinga linga ako..at nag tatawanan nga ang ibang trainees.

I missed the joke.

Pero pogi talaga ng crush kooo!!

La akong paki sa joke.

"Huy, psst!"

"Huyyy"

"Huyy, Elena Gracia!!"

"Ay papi ka ng taon! Ano baaaa!! Kagulat ka naman Jenifer! Bakit?" medyo asar kong tanong dahil naistorbo ang pag titig ko kay Mr. Crush

"Ay girl, may activity tayo. Kailangan ka dito. Sino ba tinitingnan mo dyan at wala naman sa gilid si Sir."

"Walaaaaa."

"Sus. Halika dito. Ikaw na lang wala sa grupo"

"Ayy , sorry sorryy"







Then all the teams presented their activities.

Medyo nakakahiya nga eh kase nakatingin si crush ng seryoso nung kami na yung nag present.

Minsan , nag kaka eye to eye kami

WAaaaahhhhhhh!!

Kinikilig akoooo T.T

pero hindi ko pinapahalata ang kilig at kaba ko.

Syempre, isa kami sa mga malalaking kumpanya ng Pilipinas, may dahilan bakit kami napili na mag training sa leadership program kasama ang ibang malalaking kumpanya.

Yung joke lang ang di ko nacatch. Si crush kase eh T.T


Noong nag present na ang team nina crush..grabe!! Tutok na tutok ako at ang gagaling nilang lahat.

Nung tumayo sila sa harap , dama ng lahat na ang kumpanya nila ang pinaka malaking kumpanya sa bansa. At awra pa lang nila, alam mo na..na sila nga.

Grabe ang gagaling.

Lalo ko siyang nagiging crush !! T.T








Oras na para mag siuwian. 2 hours lang kase ang training. 6-8pm every friday.

At ngayon, nalulungkot ako..isang linggo ko na naman siyang hindi makikita T.T

Di bale , may mga social media naman siya.. stalk ko na lang BWA-HA-HA-HA wala siyang kawalaaa. Char.

Crush at First SightWhere stories live. Discover now