Hello!sa inyong lahat at magandang umaga rin. Kakagising ko lng ngayon at bakit nagtatanong kayo kong bakit ang saya ko ngayon. Ang ganda kasi nong panaginip ko ,my unforgettable dreams.Pero bago ko e-kwento yun, magpapakilala mo na ako sainyo. Ako nga pala si Minjeong Kim pero ang tawag sakin ng mga friends ko Winter, 22 years old kasalukuyang nasa college at ang pangarap ko ay maging architect at meron akong crush na kakasabi ko lang sainyo,na napanaginipan ko.
It's the first time na lumitaw sya sa panaginip ko. Sya nga pala ang nag-iisang karina Yu na sikat na sikat sa buong campus dahil sa taglay nyang ganda at hindi mo maipag-kakait na akala mo isa talaga syang actress pero ang totoo nyan isa talaga syang model at makikita mo yun kong paano sya lumakad papuntang school, halos lahat ng nakakakita sa kanya at nadadaanan nya napapanganga dahil sa sobrang ganda nito. At isa pa,akalain mong wala pa syang nagiging boyfriend.
Balita ko kasi ni-rereject nya yung mga nanliligaw sa kanya kahit na gwapo man ito ,meron nga rin daw nanligaw sakanya na artista dati pero sa isang iglap lang binasted nya agad. Eh kong ako kaya?pasa ba ko sa standard nya?pero malabo namang mangyari yon ,binasted nga agad yong artista,ako pa kaya na hindi naman gaanong kasikat.
Napanaginipan ko pang nasa labas kami ng store habang nakaupo sa bench at gusto raw namin ang isa t isa, tapos kumakain kami ng ice cream habang nakatingin sa isa t isa ng puno ng pagmamahal tapos ,tapos bigla daw akong nagluhod at kinuha ang ring na nasa bulsa ko at nag-pro- Hays ano bang nasa isip ko at napaginipan ko yun?!impossible naman na mangyari yun sa totoong buhay noh!…pero ang saya-saya ko ngayon dahil once in a while lng yung dream na yun.
"MINJEONG!bumaba ka na rito andito na sila ning at ryujin!"at syempre si mama lang naman yung sumigaw sakin at wala ng iba.
Si ningning nga pala at ryujin,ang mga nakakabata kong kaibigan simula lapsag hangang sa paglaki kasama ko na sila dahil ang mga mama namin ay magka-kaibigan at syempre hindi naming maiwasang mapalapit sa isa't isa pero ewan ko ba parang ako lang kasi yong normal saming tatlo eh. Si ryujin chic girl, anrami nya kayang chicks kong bibilangin araw-araw iba't-ibang babae yung kasama nya ni hindi ko na nga matandaan kong sino ang mga babaeng nakasama nya eh. Si ningning naman panay porma ng mga magagandang damit at ang mukha ay puno ng make-up habang nagfa-fashion walk sa hallway, sabagay mayaman naman sila kaya wala yong problema, secret lang to ah pero gumaganda sya ng konti. Siguro sa normal na sinasabi ko, normal student lang talaga ako hindi katulad nila na famous.
Pero di naman sakin mahalaga yon basta' t top 1 parin ako at class president,akala nyo siguro sakin ang bobo ko noh? Pero ang totoo nyan pag-aaral at pagde-drew lng talaga ang talent ko. Proud na proud pa nga magulang ko eh pati narin si ate seulgi at kuya kai na nakakatanda kong kapatid.
Lahat na siguro nang nasa paligid ko eh sikat sa campus, si ate isa nga pala syang model at si kuya namn instant vlogger pero hindi alam ng karamihan na kapatid nila ako. Eh ito ako palaging nasa library nagbabasa, yan na kasi ang hobby ko at don ko unang nakita si karina, nagbabasa sya ng book habang nakangiti first time ko syang nakitang ngumiti non,sabi kasi nila palaging poker face yong expression nya at pagkatapos non di ko na syang nakitang ngumiti man lng kaya na-curious ako at hindi ko namalayang i was smiling while i was looking at her walking.
"MINJEONG!hindi ka pa ba bababa dyan?!ihahagis ko talaga sayo tong hawak-hawak kong sandok" si mama naman oh,bababa na nga eh.
"Opo sandali lang tatae lang muna ako!"sabat ko.
"WINTER bahala ka, hindi ka namin bibigyan ng mint
chocolate!"pagkasabi non ni ryujin
agad akong bumaba kong may dala nga sila pero nadatnan ko nalng na agad silang nagsitawanan ng makita nila ako.Hays,naloko na naman ako, favorite ko kasi yung chocolate palagi na lng nila ako pinagti-tripan.
"Wala na ba kayong magawa sa buhay?!ba't nandito kayo?!"bulyaw ko .