ONE

3 0 0
                                    

"Teka nasan ba tayo?" Sabi ko sa kasama ko. Nakapiring ang mga mata ko at inaalalayan nya ako kung san kami pupunta.

"Relax. You'll love this. I promise." Sagot nya. Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko. Napangiti nalang ako.

After maybe 5 minutes of walking. Binitiwan nya ako. Hala! Paano na 'ko?

"Where are you? I'm scared. Ayoko na dito!" Sigaw ko habang kumakapa kapa sa paligid pero wala akong maramdamang makapa. Paikot ikot ako pero wala parin.

I was about to take my blindfold off nang biglang may humila nito at natanggal. Nakayuko ako at kinusot ang mga mata ko. Lumabo dahil sa pag kakapiring.

Pag angat ng ulo ko, I felt like in a fairy tale story.

"Oh my god." I mouthed. I was out of words sa mga nakikita ko. Isang hakbang, biglang may tumugtog.

Marry me by Jason Derulo

A hundred and five is the number that comes to my head

When I think of all the years I wanna be with you.

Wake up every morning with you in my bed.

That's precisely what I plan to do.

Pangalawang hakbang, tuloy parin ang kanta, pero may sumabay. Narinig kong sa likod ko ito nangggaling. Humarap ako sa likod and there I saw HIM.

My love. My forever. My infinity. My one and only.

He was wearing a black tux. Simple yet elegant style as he is.

Hindi ko na napapansin ang ibang effects ng surpise, basta nakatitig lang ako sakanya.

Pero parang may mali?

Habang papalapit, unti unti syang nawawala. Pero tuloy parin ang kanta.

Unti unting nawawala ang ngiti sa labi k sa bawat sandaling nawawala sya.

Hanggang sa nasa harap ko na sya, pero bigla ring nawala.

Di ako makapaniwala sa nakita ko. Panaginip ba 'to?

"Nooooooooooo!"

*Pak*

"Oooowwww!" Pag aray ko. Tae naman oh. Ang sakit nun ah? Sabay himas sa noo ko.

*Pak*

Isa pa!

"Hoy Aerena! Nananaginip ka nanaman! Bumangon ka na jan! Malelate ka na bruha!"

Sabi ng dorm mate slash bestfriend since sperm kong si Anja (Pronunced as Anya)

"So kelangan namamalo sa noo? Ganon?" Sagot ko.

"Aba gusto mo isa pa?" Sabay amba ng malapad nyang palad para paluin ako sa noo.

"Oo na eto na nga oh. Hayblad ka mashado nay." Biro ko habang tumatayo sa kama.

"Che. Alis na 'ko" Matipid na sagot nito.

"O? Bakit ang bilis?" Tanong ko.

"Nanjan na si Aaron sa baba. Sabay kaming papasok." Sagot nya habang inaayos ang gamit nya.

"Ang aga aga ang landi neto."

"Sus. Bitter. Palibhasa ikaw hanggang panaginip lang yang so call "Prince charming" mo. Ge. Bye." Mahaba nyang sagot sabay labas.

Hayyy. Narealtalk ako dun ah? Kelan ko ba kasi makikita mukha nung nasa panaginip ko? Kaloka.



Ako nga pala si Aerena Claudette Lopez. 17 years old. Nag aaral sa UP. Maganda pero hopeless romantic. Sadnu? Ewan ko ba. Mabait naman ako. Matalino. Mayaman. Lahat nasakin na. Pero wala eh. Yun nga talaga nag papatunay sa "NOBODY'S PERFECT."

The ReplacementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon