THREE

1 0 0
                                    

"Hayyy. Salamat at natapos din 'tong araw na 'to!" Sabi ko habang nag uunat unat sa upuan ko. Grabe. Nakakadrain 'tong araw na to. Andaming quizzes! Agad kong inayos yung mga gamit ko at pumunta sa upuan ni Anja.

"Tara?" Aya ko sakanya.

"Nako Ae, (Pronounced as EY) sorry di muna kita masasabayan. May lakad kasi kami ni Aaron eh." Sabi nya habang nag aayos ng bag. .

"Ahh ganun ba? Sige ingat kayo."

"Kita nalang tayo sa dorm ha. Ingat ka. Babye!!!" Sabay beso at alis.

As usual mag isa ako uuwi so lumabas na ko ng classroom.

"Aerena."

"Ay palakang bakla!" Sigaw ko.

"Ha? Asan?" Pakunyare namang nag hanap tong mokong na 'to.

"Pwede ba? Wag ka ngang pasulpot sulpot jan? Bakit ka ba nandito at pano mo nalamang dito ang room ko?" Irita kong sagot.

"Diba mag uusap tayo about sa deal? At isa pa, I have mu connections kaya kahit nasan ka pa, mahahanap kita."

"Ahh oo nga pala noh. San ba tayo mag uusap?" Tanong ko.

"Follow me." Wow very bossy.

"Yes, boss." Pang aasar ko. Di nya naman pinansin at sinundan ko nalang sya. Sumakay kami ng kotse at nakarating sa isang bahay. Teka parang pamilyar to ah?

"Hoy! Bakit dinala mo nanaman ako dito?! Sinasabe na nga ba at may masama kang balak!" Sigaw ko habang pinapalo yung braso nya. Nakita ko namang naiirita yung expression nya.

"Can you shut it? Oo dito kita dinala noon! And for your information, wala akong balak sayo! Wag kang assuming! Bumaba ka na nga!" Sagot nya.

Bumaba nalang ako at sinundan sya. Nakapa antipatiko talaga netong lalaking to! Kairita!!!

Pinag buksan kami ng isang kasambahay. Aba, may ibang tao pala dito? Pag pasok namin may tatlong lalakeng nag lalaro ng video games sa living room. Yung isa namumukhaan ko. Tama. Sya si Trevor!

"Mga tol." Bati nya sakanila. Napalingon naman sila at pinause yung game.

"Uy Aedi!" (Pronounced as EYDI) Bati nung chinitong lalake.

"Tol, kamusta?" Bati din nung lalakeng mukhang Italian or something.

"Hey. I think you can still remember me? Hi Aerena." Bati naman samin ni Trevor. Tinanguan ko nalang sya at nginitian.

Infairness, ang popogi nila ha! At mga amoy pogi din!

"Boys, this is Aerena my REPLACEMENF girlfriend." At talagang inemphazise nya pa yung REPLACEMENT ha.

"Hello." Bati ko sakanila ng nakangiti.

"Wow pare. I never thought you'll find someone suited for this mission." Sabi nya kay Aedrian at tumingin sakin. "Hi, Aerena, I'm Primo Gabriel Manzano. Primo nalang." We shook hands at lumapit naman yung mukhang Italian.

"Ako naman si Thunder Kyle Santos. Kidlat nalang." Sabi naman nya. Natawa ako ng konti kasi ang cute ng names nila.

Last naman si Trevor.

"I think I don't have to introduce myself. Haha."

Pag sabi nya nun bumalik na silang tatlo sa pag lalaro.

"Introduce ko sila sayo. Sumunod ka sakin." Sabi ni Aedrian. Being bossy as always.

Sinundan ko ulit sya at pumasok kami sa isang kwarto. Actually study room ata sya pero merong tatlong tables. Pumunta sya sa pinakagitnang table at umupo. Umupo naman ako sa couch sa taoat ng table.

"Okay ganito. The four of us, we own a confidential company. Basically, we run our business worldwide." Wow.

"Before that, I'll tell you things about my friends." Nakatitig lang ako sakanya at nakikinig ng mabuti.

"Magkakaibigan na kami since bata pa kami. Lahat kami anak ng mga mayayamang businessmen around the world. Ako dito sa Philippines, si Trevor sa Spain, si Thunder sa Italy at si Primo sa China."

Wow. Kaya naman pala mukhang iba ibang lahi tong mga to. Pero I must say na lahat sila gwapo. Walang patapon sa group. Perfect!

"Recently, our company faced a big problem. My parents knew about our company which is kinagalit nila. So kailangan kong may maipakilalang fiancé sakanila para hayaan nila kaming ituloy tong company namin. At is---"

"Teka. Akala ko ba GIRLFRIEND lang ang kelangan mo? Bakit napuntang FIANCÉ agad?" Pag putol ko sakanya.

"I know. It was sudden. My dad called me earlier and told me they want to meet my girlfriend who's eventually going to be my wife. But don't worry, kahit maikasal tayo, hindi magiging totoo ang kasal. We just need to wait hanggang makauwi ng States sila daddy at mommy then we can separate na. That's why I need you to act properly and dress properly when you meet them."

Napatingin naman ako sa sarili ko. Bakit anong masama sa pananamit ko? Nakaponytail ako, mag konting bangs tapos naka shirt, jeans at sneakers. What's wrong with it?

"Any questions?" Tanong nya.

"Uhhhm. I have one." Sagot ko.

"What?"

"May pagkain ba kayo? Nagugutom na ko eh. Hehe. Itetext nalang kita kung may tanong ako."

Napa facepalm naman sya sa narinig. Eh sa gutom na ko eh.

Bumaba na kami at kumain sa dining area. Pag tapos nag paalam na kaming uuwi na ako at ihahatid ako ni Aedrian.

Pag uwi, nakatulog din ako agad sa pagod at di na nakapag palit pa ng damit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ReplacementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon