TWO

0 0 0
                                    

"Huy Aerena Claudette Lopez! Nakikinig ka ba ha?"

Sigaw ng babaeng nasa tapat ko.

"Hoy babae! Punyeta!"

"Ay baklang may itlog!"

"Bastos ng bunganga girl ah." Sagot ni Anja. Kanina pa kami nandito sa paborito naming cafè yet, eto ako lutang sa iniisip.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko.

"Tignan mo 'to. Kanina pa 'ko dada ng dada dito tapos di ka naman pala nakikinig. Yung totoo?" Sagot nya ng may pagkainis.

"Sorry Anja. Sobrang lutang lang talaga." Sabi ko sabay himas sa noo ko. Jusko ano ba 'tong napasok ko.

"Halata nga. Ano ba kasing problema ha? Buntis ka ba?"

"Gaga. Hindi."

"Eh ano ba kasi?"

"Kasi ganito..."

*FLASHBACK*

"I need you to be my replacement girlfriend."

"What the fvck?" I mouthed.

Di mag sink in saken yung sinabe nung lalaking kaharap ko ngayon.

"Hey. Are you okay?" Tanong saakin ni Trevor. Pero tulala lang ako at di makasagot.

"Tangina pare ano ba yung pinainom mo ha? Pharmacy student ka ba talaga? Baka droga yun ah?" Nag panting naman ang tenga ko sa narinig ko.

"Hoy! Anong droga? Droga pinainum nyo saaken? Ha? Mga hayop!" Sigaw ko habang pinag babato sila ng unan. Silang dalawa naman todo ilag lang.

Lumapit saakin si boy antipatiko. Tinitigan ako ng mabuti sa mata. 

"Di ka ba tatahimik?!!!"

"Araaaay!!!" Sigaw ko habang tinatakpan yung dalawang tenga ko. Nak ng tokwa eh. Ang lakas ng boses!!!

"Can you two chill down?" Sabi naman nung isang lalake at nag sindi ng yosi.

"Ano ba? Pakawalanan nyo na nga ako! Ano bang kelangan nyo sakin?"

"Papakawalan kita kung makikipag usap ka ng maayos."

"Okay fine."

Lumapit naman sya para kalagan yung tali sa mga braso ko.

"Urgh. Finally." Sabay himas sa mga brasi ko. "Ano ba kasi yun?" Tanong ko.

"Okay okay. Here's the thing..."

---------------------------------------------------------------

"Ano ba naman yan Aerena!!! Cut the story short! I don't have time for this!" Bigla namang singit ni Anja.

"Teka nga! Ano gusto mo bang malaman lahat ng nangyare?! Di na ko mag kkwento!"

"Fine! Fine! Ano nang sabi?"

"Eto na.."

*Back to the flashback*

"Okay okay. Here's the thing. I need someone to be my replacement girlfriend because of my dad. But it won't last long don't worry and I'll pay you. I'll explain the rest of the set up pag pumayag ka na since it's confidential."

Tuloy tuloy nyang sabi. Ako naman nakatitig lang sakanya. Infairness, gwapo talaga tong mokong na to. Brown eyes, maputi, pinkish lips tas parang walang pores!

"So what? Hey, are you even listening?"

"Ahh. Ehh. Yeah. I am." Sagot ko.

"You don't have to worry about anything. Everything will be provided at may cash ka pa."

"Hoy. Di ko kelangan ng pera mo. Mayaman din kami for your information!" Sabi ko at inirapan sya. Aba. Akala siguro neto mahirap kami. Siraulo.

"Alright fine. Pero gagawin ko padin yun. Please?"

Based on his looks, di naman sya mukhang masamang tao. Nakakaawa nga eh. Kasi kitang kita sa mga mata nya na desperate na sya.

"Sooo?" Sabay na sabi nila ni Trevor.

"I'll think about it."

Bigla namang bumagsak mukha nung dalawa at napa facepalm si Trevor.

"Sige. Hatid nalang kita."

Halatang malungkot yung tono ng boses nya. Omg. What to do?

"O...okay."

"Pre, una na kami." paalam nya kay Trevor.

"Sige tol. Ingat."

"Tara." Aya sakin nung lalake. Teka di ko pa sya kilala.

Nag lakad lang kami ng tahimik papuntang kotse nya, hanggang sa makasakay at maihatid nya ko.

Pag baba ng kotse agad ko syang tinanong.

"Teka. Ano palang pangalan mo?"

"I'm Aedrian Miguel Samaniego."

Samaniego? Parang narinig ko na yun ah.

"Oh what's with the frown?"

"Ahh. Ehh. Wala. Parang narinig ko na kasi yung surname mo."

"Ahh. Sige una na ko." Sabi nya habang nag lalakad papuntang kotse nya.

Ano sasabihin ko na ba? Pakshet naman oh.

Huling hakbang nya na papuntang kotse bang tinawag ko sya.

"Uhm. Aedrian!"

Napahinto naman sya sa pag lalakad at nilingon ako.

"Sige pumapayag na ko."

Tumango lang sya at ngumiti saken tyaka umalis.

*END OF FLASHBACK*

"Ano? Aerena pumayag ka?!! Seryoso ka ba?!!!" Pasigaw na sabi ni Anja.

"Ano ba? Can you keep it down?"

"Ay sorry sorry. Bakit naman kasi pumayag ka? Di mo pa nga sya kilala."

"His name's Aedrian Miguel Samaniego."

"That's not enough."

"I know. Pero ewan ko ba. There's something weird I feel about him. Nung time na 'kinidnap' nya ako di naman ako natakot. It's like I feel safe. I don't even know why."

"That's some crazy sh*t girl. Bahala ka. Basta mag iingat ka sakanya, okay?"

"I will." Sagot ko. We stayed at the coffee shop for an hour more then umuwi na din.


I was scrolling trhu my social networking site account nang may nag send ng friend request.

*A.M Samaniego added you as a friend."

Ohh this must be him.  I accepted the request then tried to stalk him. Para naman may malaman ako about him kahit papano.

Pero nak ng tokwa!!! Wala akong mahagilap sa profile nya! Like kahit ano! Pero active now naman status nya but I didn't bother messaging him.

While watching videos, may nag pop up na message.

A.M Samaniego: Hey. Can I have your number?"
Aerena Claudette: Ayoko nga. Jk. Here. 0915 654 8879
A.M Samaniego: Alright. Thanks. Bye.

Wtf?! Yun na yon??? I logged out of my account then went to bed. I just checked my phone for messages pero wala naman kaya nilagay ko na sa side table ko. Pero saktong pag kalagay ko may notification.

*Bzzt bzzt*

From: 0926 884 2037
It's Aedrian. Let's talk about the deal tomorrow.

I replied

"Okay. Where and what time?"

*Sent*

I waited for his reply. Hanggang sa umabot na ng ilang minuto wala padin. Ay bahala ka na nga. Matutulog na ko.

The ReplacementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon