01

4 1 0
                                    

Ang kwentong inyong mababasa ay kathang isip lamang at hindi na ka-kailanganin pang seryusohin
***

His Pain
Written by: Chinikkoska


Sa Ground floor.

Lahat kami nakapila ng dalawang linya kasama ang mga bago naming kaklase.


Maya maya pa ay nagsi tahimik na kaming lahat dahil tumugtog na ang Pambansang awitin.

Habang nakatayo ng direcho ay may nararamdaman ako may nakatingin sa akin hindi lang isa kundi marami sila.

Hayss kailan pa ba ako masasanay.

Nang matapos na ang awitin at sinundan na ng pagdadasal at panatang makabayan ay may nararamdaman ako hindi nakatitig kundi bumubunggo sa akin.

Nang mapatingin ako sa aking kaliwa ay parang ang sarap niyang ingudngod sa lupa dahil ang itlog na si Jian pala ang bumubunggo sa akin at nakangiti na parang nakahithit ng shabu.

Inirapan ko siya at hindi na pinansin, pero talagang uubusin niya ang pasensya mo dahil inulit na naman niya kaya lang sa pagkakataon na ito ay mas malakas na dahilan para may matamaan na hindi namin kaklase.


Nanlaki ang mata ko ng bumunggo ako sa isang lalaki, pagtingin ko ay bumungad sakin ang matatalim nitong nga mata na nakapukol sa akin.

Kaagad akong umayos ng tayo at nag-kunwaring walang nangyari.

Agad kong sinabunutan ang lintik na si Jian na nakangisi na sa akin ng malingunan ko.



“Hayop ka talaga!” Gigil kong sabi habang madiin na nakahawak sa buhok niya.



Natigil lang ako ng sitahin na kami ng aming guro na si Ginang Esmeralda.

Nang tingnan ko ulit ang lalaking nabunggo ko kanina ay hindi na ito nakatingin pa sa akin.

Pinagmasdan ko siya ng maigi mula sa kaniyang buhok na naclean-cut, sa mga kilay niyang makapal,pababa sa kaniyang nga mata na tila walang kabuhay-buhay na kulay brown lalo na kapag nasisinagan ng araw, sunod sa kaniyang pilik-mata na mahahaba, sa ilong niyang matangos at huli sa kaniyang labi na kulay pink.

'Hmm,gwapo din naman pala'

Natatarantang binalik ko sa harapan ang paningin ko ng tumingin ulit siya sa aking direksyon, hanggang sa matapos ang pantang makabayan ay hindi na ko ulit ako tumingin sa kaniya, baka mamaya sabihin paniyang tinitignan ko siya.

'Kahit na nakatingin naman ako sa kaniya'


Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kaniya-kaniya naming mga rooms ng natapos na ang panatang makabayan at ilang pang mga announcement.


Hindi ko maiwasan na isipin si Mr. Stranger, oo ganun na ang tawag ko sa kaniya since hindi ko pa naman alam ang name niya.



Hindi ko siya maiwasan na isipin lalo na ang mata niya na tila walang kabuhay-buhay at parang may nakikita din akong slight na kalungkutan ewan ba basta yun kasi yung nakikita ko sa kaniya kanina.


Naputol ako sa pag-iisip kay Mr. Stranger ng may biglang umakbay sakin.


“Ano ba!” inis na ani ko sabay tanggal ng braso ni Jian. “Ano ba yang iniisip mo? Ako bayan?” nakangising ani Jian.

“Lumayo-layo ka sakin ah, Jian at kung ano pa ang maga—.” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang ilapit ni Jian ang mukha niya sa akin na nakangisi parin.

“Alin nga yon?” malambing niyang sabi.


Nakatingin lang ako sa kaniya at kung wala lang tumikhim ay hindi ko pa malalayo ang mukha ko sa kaniya.

Tinignan ko kung sino yun at nanlaki ang mata ko ng makita na si Mr. Stranger yun na malamig na nakatingin sa akin.


“Laki niyong harang,” sabay daan sa mismong gitna namin ni Jian.



“Sino bayun, ang yabang ah.” inis na ani Jian habang nakatingin sa bulto ng lalaking palayo, habang ako dito ay nakatulala lang na nakangiti.

Napapalatak naman si Jian ng makita ang itsura ko. “Anak ng?!” bigla akong humarap sa kaniya ng nakangiti na parang nasisiraan na.

“I think im falling...”



To be continued...

If you like this story kindly vote and comment if there's a wrong grammar.

Thankie verymuchie.

See you next chapter.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Pain [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon