HAAH?????? :(((((

3.9K 78 2
                                    

Sigurado galit yun sakin. Isang linggo pa naman kung magalit yun bago ako pansinin ulit. Tsk. Katangahan ko naman ksi.

" Sorry, ikaw naman kasi. " 

" Sorry, kasalanan ko. " 

" Sorry, promise di na ako magdodota. "

Tss. Bala na maya, dito na ako sa harap ng gate nila. Bumaba na ako ng sasakyan. Smile lang Jake, patatawarin ka nun. : )))  

Excited narin akong mayakap at mahalikan si Alexa. Namiss ko agad siya.

* dingdong *

" Sir? Kayo pala sir, pasok po " malungkot na sabi ng maid nila.

* hakbang *

Nakakapagtaka. Bakit maraming tao? Maraming bulaklak at kandila.

* hakbang *

* atras *

* hakbang *

at bakit may kabaong?

Nasa loob na ako ng bahay nila. Si tita, tito, kapatid ni Alexa at mga kamag-anak niya umiiyak halos lahat ng tao dito. Sinipat ko ang kabuuan ng silid. Pilit hinahanap ng mga mata ko si Alexa, pero 

* hakbang tingin hanap*

ngunit hindi parin sya makita.

* inhale *

* exhale *

Kinakabahan na ako, kusang lumalapit ang mga paa ko para malaman ang laman ng kabaong na malapit na sa harapan ko.

Pumikit ako.

Ilang sandali pa ng buksan ko ang mga mata ko.

Nanginig ang laman ko...

Nanlambot pati tuhod ko at diko namalayan tumutulo na ang luha ko.

Anong nangyari.

Si Alexa, yung taong mahal ko ang laman ng kabaong. Di ako makapaniwala. Hindi ako makagalaw. Siguro'y bangugot lamang ang mga 'to. Ibubuka ko ang bibig ko para sumigaw, pero ayaw nito.

Salamat, bangungot lang lahat ng ito.

Salamat hindi totoo.

" Jake anak, halika. " basag ni tita sa katahimikan ng silid.

Hindi. Hindi isang bangungot ito. Lumapit ako kay tita at yumakap naman siya sa akin.

" Hindi sya nagtagumpay sa operasyon. " mahinang sabi ni tita.

" Nagtagumpay?"

"Operasyon?"

Naguguluhan ako. Alam kong Walang sakit si Alexa. Ilang sandali pa, pilit kong ginigising ang diwa ko at pinapanalangin na bangungot lamang ito.

Wala na. Tunay ito. Pumasok ako sa silid ni Alexa at nakita ko duon ang kanyang diary.

Binuksan ko agad ito.

Bumungad agad sakin ang mga larawan naming dalawa.

Mga larawan ng masasaya naming sandali.

Mga larawan na nagsasabi kung gaano namin kamahal ang isa't-isa.

Mga larawan na ala-ala na lamang ngayon at hindi na muli pang mangyayari.

Lalong nagpabigat yun ng lungkot na nadarama ko ngayon.

Nababasa na ng luha ko ang diary na minsa'y naging sandalan ng taong mahal ko.

Binasa ko ang sulat.

" Sa dinami-dami ng tao, bakit ako pa. Ako pa naging mabuting tao."

" Takot ako mamatay. Takot akong iwanan ang pamilya ko. Takot akong iwan si Jake na una at huli kong mamahalin. "

" Sana maging matagumpay ang operasyon ko gusto ko pa silang makasama. "

" In 3years na magkasama kmi ni Jake, naramdaman kong mahal niya ako. Pero bakit hindi ko man lang nasabi sa kanya ang kalagayan ko. Patawad, natatakot ako na iwan nya ako. Natatakot akong mawala siya.

" kung mamamatay man ako, sana'y mapatawad niya ako dahil hindi ko na matutupad ang pinangako ko sa kanya na sasamahan ko siya hanggang sa huli ng aming buhay. "

My Girlfriend's Farewell [ Sad Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon