Chapter 14

41 4 0
                                    



"AXELEVE FIGUEREDO!" Umilingangaw sa buong kabahayan ang sigaw ko.

"She-she's here!" Sigaw ni Axel mula sa baba at mabilis na narinig ko ang yabag nya papaalis.

Naabutan ko ang mag iisan taon na ,na si Astrid na nasa crib lang. Nakabihis ito at mukang itatakas na naman ng tito niyang magaling.

Lalong nakikita ang pagiging Valcarel ni Astrid dahil sa mas lalong lumalamlam na mata at gumaganda pa lalong hubog ng muka.

Maalam na siyang maglakad at pautik utik na din kung magsalita.

"Mama..." pagtawag niya saakin.

Minsan nga ay tinatawag na din niyang Tito si Axel pero hindi naman naririnig ni Axel dahil sa palagay daw niya ay hindi tito ang sinasabi ng anak ko.

"Hi baby, come here..." binuhat ko siya at pinugpog ng halik sa pisngi. Panay ang tawa at halakhak niya sa bawat pagkiliti ko sakanya.

Kahit noong mag dadalawang taon palang si Astrid ay nakikitaan na ng katalinuhan. Madalas ay nakikiniod ito sa tv at kung hindi naman naglalakad mag isa ay nagpupumilit umabot ng libro.

"Stop, mama..." binaba ko na siya ulit sa crib bago lumuhod para magkapantay kami.

"Are you hungry?" Pagkausap ko , para bang naiintindihan niya ako ng buo.

Sobrang dami ng namiss ni Zayn sa paglaki ng anak namin, pero hindi ako nawawalan ng pag asa. Alam kong hinahanap niya ako o may tinatapos pa siya. Alam kong babalikan niya kami ng anak namin.

Hindi nakita ni Zayn kung paanong unang tumawa si Astrid, hindi niya nararanasan na makasama ito sa pagpapaturok at sa pamimili ng damit. Pati unang hakbang at salita niya ay hindi din niya nakita.

Iniwanan ko muna saglit si Astrid sa kuna at nagtungo sa kusina para kuhanan at timplahan siya ng cereal.

Pinakain ko siya at pilit ng pinatawa. Sabay kaming naligo at nag matchy pa kami ng damit. Si Axel naman ay mukang nasa kwarto niya at ginagawa ang mga trabaho na iniwanan niya sa Bogota para samahan kaming mag ina.

Ang anak naman ni Kuya Arken na si Zephyr ay mag dadalawang taon na.

Time flies so fast that my baby girl isn't a baby anymore. She's walking on her own at the age of two, almost three. Can talk and sometimes play around.

"Ate, hindi pa ba tumatawag si Ace? Kailangang kailangan ko ng bumalik sa Bogota." Paglapit saakin ni Axel.

Nakokonsensya din naman ako, hindi na siya nakapag asawa dahil saakin. Ni makipag date ay hindi na niya magawa.

"Ako nalang ang uuwi ng pilipinas." Ngumiti ako sa kanya at iniwanan muna si Astrid na nasa playpen sa hardin na naglalaro.

"Axel, ipasok mo na muna si Astrid, mukang uulan."sabi ko sabay umpisang linisin ang hardin para hindi maulanan ang mga laruan.

"Yes ate." Kinuha niya na kaagad si Astrid at nilagay sa sofa.

Nakita ko na lumabas si Axel para sagutin ang tawag sa cellphone niya kaya nagmadali na ako dahil baka mahulog si Astrid.

Napagod ako sa paglilinis lalo kaya kumuha muna ako ng tubig na nasa kabilang banda ng hardin.

Pagkakuha ko ng pitsel ay kumuha na ako ng tubig.

Paglapit ko sa lamesa ay pumintig ang ulo ko kasabay ang pag pintig ng puso ko. Nananakit ng sobra ang dibdib ko.

Did I lose the track of time? Shoot, its been 3 years...Hindi pa ako pwedeng mawala , kailangan ako ng anak ko...

Taming the Wild DoctorWhere stories live. Discover now