CHAPTER 1

42 5 0
                                    

CHAPTER 1





Daryl Perez's POV





At The Perez's Hospital..........





Nandito ako ngayon sa aming hospital, Kapapasok ko pa lang. Nakasuot lang ako ng puting long sleeve at black pants. "Good Morning! po Sir Daryl" masayang bati sakin nila Manong Bruno,Manong Carlos, at Manong Ronnie, mga guard dito sa hospital. "Good Morning din ho Ssainyo" masaya ko ring bati sa mga matatanda.





Nagderet-dertso ako sa aking sariling opisina, pagpasok ko nakita ko si Ate Raye. May hawak syang asul na folder habang ina-ayos ang mga gamit ko sa aking lamesa. Naramdaman ata ni Ate Raye ang aking presensya kaya nilingon nya ako at sinabing "Good Morning! Daryl" bati nya sa akin, "Good Morning! din po Ate Raye" bati ko kay Ate Raye, "Uhmm Ate Raye ano po yung schedule ko ngayong araw?" tanong ko sa kanya. Tinigil nya ang kanyang pagaayos dahil tapos na rin sya.





Tiningnan at binasa nya muna iyong hawak nyang asul na folder "Mamayang 8:00 am ay ooperahan mo ang batang si Chase Aguilar" marahan lang akong tumatango at nakikinig sa kanya habang sinusuot ko ang aking doctor's coat. "Then after Chase Aguilar, mamayang 9:30 am ay si Ms. Summer Sanchez naman" Napatigil ako sa pagaayos ko ng marinig ko ang pangalang Summer Sanchez. Ang gandang pangalan siguro maganda ang babaeng nagmamayari ng pangalang iyon, hindi na ako nakakinig kay Ate Raye dahil sa pagiisip sa babaeng iyon. Napansin ata iyon ni Ate Raye kaya tumigil sya sa pagsasalita.





"Hoy! Bata ka nakikinig ka ba sa akin huh! Bakit nakatulala ka jan siguro hindi ka nakikinig sa akin" pasigaw na sabi nya ay mali sigaw na sabi nya. Napasimangot ako hayan nanaman ang bunganga ni Ate Raye tapos biglang umiyak, hay naku! Mga buntis na babae talaga pabago-bago talaga ang mood nila. "Ano ka ba Ate Raye nakikinig ako sayo, ito naman eh" pagsisinungaling ko na may halong paglalambing, kasi kapag hindi ko ito lalambingin ay baka tawagan si Kuya Mark at isumbong ako, asawa ni Ate Raye si Kuya Mark baka masapak pa ako nun. "Sige ano sinabi ko, lahat huh!" napakamot ako sa aking ulo, hindi ako makasagot eh.





"Oh! Tingnan mo hindi ka makasagot kasi hindi ka nakikinig, sabi ko na nga ba eh" tapos bigla na lang ulit sya umiyak at mas lalong lumakas ang iyak nya, hay naku! Inaalo ko na lang sya. Mamaya biglang dumating si Kuya Mark lakas pa naman ng radar nun, alam agad nun kung umiiyak yung asawa nya. Hay! Salamat hindi na sya umiiyak, buti nga hindi umandar ang radar ni Kuya Mark kung hindi suntok nanaman ang abot ko. "Ok! Ate, sorry hindi ako nakikinig sayo, pwede bang paki ulit uli" tumango sya, napangiti naman ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Their Worlds Collides (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon