Word by Genea
Date: April 11, 2023Walang humpay sa pagsayaw
At tila ba ang tumigil ay ayaw
Isa, dalawa, tatlo— ika'y umikot, humakbang,
Patungo sa mga kamay kong nakaabangAting mga mata'y nagtama
Hindi nabatid ang magagawa;
Nahulog ka, hindi sa aking mga bisig
Kundi sa labis kong pag-ibigMata mo'y binalot ng gulat;
Aking mga paa tila'y tinali sa ugat
Mula sa paligid ng gumamelang nagtataasan—
Tulad ng 'yong marilag na kagandahan
YOU ARE READING
Hidden Masterpieces of a Screaming Mind
PoetryTo hide masterpieces is to feel something in silence. Posted: April 2020 disclaimer: book cover isn't mine, credits to the rightful owner.