(δέκα) gumamela

2 0 0
                                    

Word by Genea
Date: April 11, 2023

Walang humpay sa pagsayaw
At tila ba ang tumigil ay ayaw
Isa, dalawa, tatlo— ika'y umikot, humakbang,
Patungo sa mga kamay kong nakaabang

Ating mga mata'y nagtama
Hindi nabatid ang magagawa;
Nahulog ka, hindi sa aking mga bisig
Kundi sa labis kong pag-ibig

Mata mo'y binalot ng gulat;
Aking mga paa tila'y tinali sa ugat
Mula sa paligid ng gumamelang nagtataasan—
Tulad ng 'yong marilag na kagandahan

Hidden Masterpieces of the Screaming MindWhere stories live. Discover now