Chapter 02"Ito. Bumili ka ng mga pangangailangan mo." sinuksok ko ang limang libong piso sa kaniyang kamay habang dala-dala na niya ang tinake-out ko kanina.
"S-Salamat dito, b'yang." nakayukong aniya.
Nakaangkas ako sa motor, nasa gilid ko ito nakatayo. Hinatid ko pa siya sa kanila.
"Walang anuman. Maghanap ka ng ibang pagkikitaan mo. Wag ka ng manuklaw, naintindihan mo ba?"
Nakayuko parin ito tila ba nahihiya.
Aba may gana pang mahiya ang mokong na to!
Kaya sinipa ko ang paa niya nang hindi niya ako sinagot.
"Hoy, nakikinig ka ba?"
Napaigtad naman ito nang nag-angat ng tingin sa akin.
"O-Oo na b'yang."
Pinaandar ko na ang motor ko.
"Siguraduhin mo lang. Pagnahuli kita sa akto, titirisin kita." pagbabanta ko dito tsaka ko pinaharurot ang motor paalis.
"Hays! Nakakastress naman talaga." mahinang bulong ko sa aking sarili.
Pasipol-sipol ako na tinatahak ang daan patungong bahay. Maraming naglalarong mga bata sa daan dahil hapon na.
Pinarada ko ang aking motor nang pinamaywangan ako ni madam Carlita sa aking harapan na nakataas pa ang pekeng kilay niya sa akin.
Tinaasan ko din ito ng kilay. No na naman bang kailangan ng bungangerang to.
"Mabuti at nandito ka na, yung tatay mong lasinggero nanghahasik na naman ng gulo sa kay nanay dolor. Puntahan mo, nako mahiya naman kayo, pati iyang nanay mong wala din pakealam na nakatunganga lang diyan."aniya at tinalikuran na ako.
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung saan ako maiinis, sa matandang to ba na pakealamera o kay tatay na lasing na naman ngayon. Napabaling ako sa loob ng bahay.
"Nay?!" tawag ko nang wala akong nakitang tao pagkapasok ko.
"Kuya?!"
Pumasok ako ng kwarto ko sabay hagis ko ng bag at susi ng motor sa kama. Pinuntahan ko ang kwarto ni Kuya at pagpihit ko ng pinto ay lock iyon. Nakapamaywang ako at napatuko sa pintuan habang nakayuko.
Ano na naman ba ang ginagawa ng tukmol na to.
"Kuya?! Brian nandiyan ka ba?" sabay katok ko sa pinto.
Walang sumagot kaya pumanhik ako patungong kusina. Nakita kong may banana cue sa lamesa kaya kumuha ako ng isa at bumalik sa sala para sana katokin na naman ulit ang kwarto ng kumag pero biglang bumukas iyon at iniluwa si kuya na nakatopless na ginugulo ang magulo ng buhok.
Wah! Natulog pala.
"Sarap ng buhay natin par, a. Tulog-tulog lang."tuya ko dito habang kinakagat ko ang banana cue.
Kumunot ang noo nito sa akin at pumanhik patungong kusina kaya sinundan ko ito.
"Kadarating mo lang ba? "paos na tanong nito.
"Oo, nasaan si nanay? Hindi ka ba pumasok?"tinaasan ko ito ng kilay habang umiinom ito ng tubig.
"Namalengke at hindi, nilagnat ako." sabay kuha din nito ng saging sa lamesa at umupo.
4th year na din si kuya, parehas lang kami. Oo mas una naman talaga sana si kuya kaysa sa'kin. Dapat nga nag take na ng board ang isang to ngayon pero sa kasamaang palad ay nagkasakit at huminto ng isang taon no'ng shs. Hina ng resistensya. Ang ending parehas kami ngayon na graduating, na sana ay mas una ito sa'kin. Saklap! BSE ang kinuha, BSA naman ang akin. Si ate na sa dubai, ofw ang isang iyon kaya chat-chat lang talaga.
YOU ARE READING
PM3 : Fallen Straight To Him (ongoing)
General FictionOwen. NOTE : (Slow Update/UNEDITED) Photo not mine, ctto!