FSTH

63 4 0
                                    


Chapter 04

Alas otso ng gabi. Nagchachat kami ni Rease. Hindi na ako tumawag dahil ayaw niya. Chat nalang daw muna ngayon. Nasa kwarto ako nakahiga.

Ako :

"Ano? Bukas date tayo?"

Nangingiting tipa ko doon.

My girl :

"Pwede naman after class pero baka hindi magkakatugma sched natin love."

Hindi ko talaga maiwasang kiligin ng sagad sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Tangina parang hihimatayin ako sa kilig hahahahah.

Nagtipa agad ako ng reply.

Ako :

"Ano ba oras sched mo bukas? Sa umaga lang class namin bukas."

Sana naman magkakatugma ang class namin bukas. Kahit anong oras bukas ng umaga basta pareho kaming walang klase sa hapon.

Tumunog ang cellphone ko sa reply niya.

My girl :

"Sakto love umaga din sa'min, afternoon wala na kaming class, kayo din ba?"

Yes! Sakto

Ako :

"Wala rin, date tayo bandang hapon bukas??"

"Bri, kumain ka na ba ng hapunan?" rinig kong sigaw ni Mama sa labas.

"Tapos na nay." sigaw ko pabalik.

Nauna akong kumain kanina dahil nagutom ako, bandang alas sais kanina. Hindi na sumagot si Nanay sa labas kaya dinungaw ko ulit ang reply ni Rease.

My girl :

"Sige, tomorrow afternoon then."

Ako :

"Ayos! I love you Rease."

Nakagat ko ang labi ko sa kilig na naramdaman. Ibang - iba talaga kapag nasabi mo ang tatlong salita at may label na kayo sa isa't-isa. Ang sarap lang sa feeling.

My girl :

"Love you, lovee."

Binaon ko ang mukha ko sa mismong unan ko dahil parang sasabog na ako sa kilig at saya.

Ako :

"Matutulog ka na ba?"

Ilang segundo pa bago ito nagreply.

My girl :

"Oo, matutulog na ako. Goodnight love, see you tomorrow💋"

Aga naman ata. Napatingin ako sa oras ng aking cellphone. Mag-aalas nuebe palang ng gabi. Sabagay may klase pa kami bukas. Naintindihan ko.

Ako :

"Goodnight i love youuu."

Lumipas ang ilang minuto, hindi na ito nagreply pa kaya padarag ko ng binitawan ang aking cellphone sa aking tabi. Natutulog na ata yon. Makatulog na nga lang din. Unti - unti kong ipinikit ang aking mga mata habang patihayang nakahiga sa aking kama hanggang sa lamunin ako ng kadiliman.

Kinabukasan, pagkatapos ng klase ko pinuntahan ko kaagad siya sa kanilang building. Lumabas kami at napagplanohan na bibili kami ng makakain sa seven-eleven pagkatapos pupunta kaming park dahil gusto niya daw rin doon kayang pinagbigyan ko. Naglakad lang kami papunta doon dahil ayokong iangkas siya sa motor kasi wala akong ibang helmet na ipapasuot sa kaniya. Hindi naman gaanong kalayuan ang park kaya okay lang sa kaniya.

PM3 : Fallen Straight To Him (ongoing) Where stories live. Discover now