WHY CAN'T IT BE?

48 3 0
                                    

5 years from now, may TAYO na ba?

5 years from now, may TAYO na ba?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



𝗦𝗧𝗘𝗟𝗟'𝗦 𝗣𝗢𝗩

5 years from now, ganito pa rin nga ba tayo, Jah?

Hindi mawala sa isipan ko ang nag-iisang tanong na 'yan. Para bang paborito kong music na paulit-ulit na nagpeplay sa utak kong wala namang ibang naiisip kundi ang lalaking abala sa pag-iistream. Napasandal na lang ako habang pinapanuod siya mula sa kinatatayuan ko. Malamig at matigas ang pader pero mas matitiis ko naman ito kaysa sa hindi siya makita. Hay naku! Ano bang ginawa mo sa'kin, Jah?

Bakit gusto ko pang mas mahulog sa'yo? 'Yung tipong hindi na ako makakaahon pa sa pakiramdam na 'to.

Pinilit kong tigilan ang pag-iisip ng mga kung ano-ano. Nang eksaktong lumingon siya at nagtagpo ang mga mata na'ming dalawan Naramdaman ko ang pagwawala na naman ng puso ko nang hindi ko sadyang maipatong ang kamay sa aking dibdib.

"Kanina ka pa ba, Stell? Pasensya na ah. Matatapos naman na ako. Inaantok ka na ba?"

Shit!

Kalma!

Nabibingi na nga ako na pangalan mo ang sinisigaw nito. Tapos ganyan ka pa magsalita? Saan na ako pupulutin nito? Sa himlayan? Bakit kasi ang lambing mo? Ang lambing ng boses, mo, Jah?

"Sige lang, Jah Take time. Sa labas muna ako ah." Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pinili ko na lang na lumabas.

Para naman akong tangang binibilang 'yung stars. Kahit alam kong hindi ko naman mabibilang pero paulit-ulit ko na lang binibilang. Lagi ako nag-uumpisa sa simula tapos hindi pa nga umaabot sa betlnte, nawawala na agad ako sa bilang.

Nasabunutan ko na ang sarili ko out of frustration. Bakit naman kasi ayaw makisama ng mga stara na 'to? Magpabilang naman kayo oh!

"Okay ka lang ba, Stell?"

Biglang nawala ang inis ko nang marinig ang boses niya ulit. Parang tanga naman self, marupok agad. Naramdaman ko na lamang ang kanyang presensya na lumalapit.

Sa bawat paglapit, bumibilis ang tibok ng puso ko. Signal ko na 'to, alam nito kung kailan magwawala. Alam rin nito kung kanino lang magkakaganito.

Sandaling huminto ang mundo ko nang magtama ang mga tuhod namin. Malaki ang space pero nakikisiksik si Jah sa tabi ko. Hindi man lang naawala sa puso kong nababaliw na sa kanya. "Ang luwag dun oh! Nakikisiksik ka pa dito." Reklamo ko.

Mula sa likod ng mapagpanggap kong inis, ang katotohanang takot ako. "Grabe naman 'tong si Stell. Parang hindi tayo magbestfriend ah." Ang salitang kinatatakutan ko, bestfriend. Hindi ko alam kung nakikita ba niya ang bente-benteng panaksak na bumaon sa dibdib ko kaya pinili niya akong akbayan.

5 years from now, ganito pa rin nga ba tayo, Jah? Magbestfriend lang?

Wala na naman akong nagawa. Nanalo na naman ang puso ko at hinayaang gawin ang gusto nito. Puso ko na naman ang nasunod, ang magustuhan ka pa rin. Sabay na'tin pinagmasdan ang ganda ng kalangitan sa gabi. Sabay tayong tumititig sa itaas at hinayaan mo akong magbilang ng pag-aasang mapansin. Halintulad sa pagbibilang ko muli ng mga bituin.

"Bilangin mo man 'yan ng paulit-ulit, Stell, wala pa ring mas gaganda sa bituing katabi ko." Bigla akong napahinto sa pagbibilang, nawala na naman ako pero ayos lang, sumaya naman ang puso ko kahit panandalian, kahit sandali lang.

"Bakit ka naman nalungkot? May mali ba sa nasabi ko?" Hindi ko namalayang sa kaakibat ng pagsaya ng puso ay ang paglungkot ng aking mukha.

Wala akong balak sirain ang gabi dahil lang sa one sided love na meron ako. Kaya bago pa tuluyang masira, inalis ko na ang braso niyang nakapatong sa aking balikat. Sinanundan ko ng pagyuko. "Pafall ka na naman kasi, Jah ." Bakit pakiramdam ko na sa kahit anong sandali, lolokohin ako ng sarili kong nararamdama?

"Nafall ka na ba?"

Matagal na, sobrang tagal na. Hindi ko na maalala kung kailan pa. Kagat-labi kong kinocontrol ang sarili kong emosyon. Ilang sandali ko rin pinagmasdan ang mga paa kong suot ang magkapares na tsinelas na tulas sa aking katabi bago ko iniangat ang tingin.

Nakipagpalitan ako ng titig sa mga matang naghahanap ng kasagutan mula sa kanyang tanong at isang malakas na hampas ang unang sagot ko. Ngiwing himas-himas niya ang kanyang braso. "Gago! As if naman, Jah." Pinilit kong tinago sa likod ng mga salitang binitawan ko ang totoong nadarama ko.

"Pero kung sasaluhin mo ba ako, why not diba?" Sinundan ko ng isang birong tanong baka kagatin, baka pwede ka rin mafall, tulad ko. Baka lang naman, Jah.

Napansin ko ang mga linya sa kanyang noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. Para bang binabasa niya kung ano talaga ang ibig kong sabihin. Bago pa man niya malaman, ako na mismo ang iiwas nang ibaling ko sa iba ang tingin ko.

"Mahal ka nun, wag kang mag-alala."

Sa mga salitang 'yun, nakuha na naman niya ang atensyon ko ng mga mata ko. Nakita ko ang pagngiti niya kasabay ang pagpatong ng palad sa ulo ko. "Tulog na tayo. Gabi na, Stell " At ginulo niya ang buhok ko na para akong bata kahit mas matanda ako ng ilang taon sa kanya.

Pinagmasdan ko lang siya sa mga ginagawa niya ngayon. Hinayaan ko lang siyang tumayo, pagpagan ang short niya, talikuran ako at lumakad patungo sa pinto.

"Jah, 5 years from now, ganito pa rin ba tayo?"

Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ang sumanib sa akin at bigla ko na lamang naitanong ang tanong na kahit kailan hindi ko gustong itanong. Napahawak na lamang ako sa bibig ko nang bumalik ang katinuan sa utak ko.

Bakit ang tanga ko bigla?

Pero bakit mas tanga ako nang mga sandaling naghintay talaga akong sasagutin niya 'yung tanong Oo. Aminado ako. Umasa ako.

Habang patuloy na dumadaloy sa'kin ang katangahan ko, binalingan ko na lamang ang mga paa kong gustong tumakbo palayo pero nadikit na yata at hindi na makagalaw pa. Hihintayin ko na lang na bumuka ang lupa at lamunin ako. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko ang pares ng mga tsinelas na hindi ko suot.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin kasabay nun ang pagtungkod ng isa niyang tihod para magkasinglevel lang ang tingin namin sa isa't-isa.

"5 years from now, Stellvester Ajero-De Dios ka na."

Limang taon ang lumipas, hindi ko namalayang ganoon kabilis natapos ang limang taon. Tulad nga ng sinabi mo noon, ganap na akong De Dios. Parte na nga ako ng pamilya mo.

Hindi ko mapigilang sumulyap-sulyap sa kinaroroonan ng taong nagbigay katuparan sa pagiging De Dios ko. Habang kapa-kapa ang singsing sa aking daliri.

Sa kalaliman ng aking pag-iisip, hindi ko namalayang may tao nang nakatayo sa aking harap na nagbigay ngiti sa aking labi. "Oh, Jah." Gulat kong pagbati.

"Congrats, Stell! De Dios ka na." Masaya niyang wika na may ngiti sa labi. "Sabihan mo lang ako kapag inaway ka ni Duane. Ako bahala sa pinsan ko."


* * * * *

AUTHOR'S NOTE

Thank you for reading Why Can't It Be?
Suggestions, feedbacks, and comments are well appreciated.

J A H S T E L L I S T O R Y A [on going]Where stories live. Discover now