SAFEZONE

36 1 0
                                    

Natagpuan ang mga sarili sa bisig ng bawat isa.

✨

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Sa walang humpay na pighati, natagpuan sa mataong dilim ang kanina pang hinahanap ng mga mata. Lulong sa malalakas na pagluha ng kalangitan. Binalot ng lamig. Halintulad sa pagyapos ng sakit.

Bagaman hindi maaninag ang mukha, sadyang ang puso na ang kumilala. Sa binatang kinukulong ang pagkatao sa sariling yakap. Kahit pa'y malawak ang rehas, rehas na walang bakod.

Sa bawat paglapat ng itim na sapatos sa munting lawa ng kalsada'y ang paglapat ng sarili sa rehas na malawak. Batid mang walang takas sa bilog na mundo, sinuong pa rin ang daan tungo sa isa na naghihintay ng kanyang presensya.

"Jah..." Awa't sakit ang sumama sa pagtawag ng pangalan. Habang hinihintay ang tugon, nalalamutak ng kamay ang hawak na pananggalang sa ulan.

Isang nakikiusap na mga mata ang tumitig sa kanya nang marahan itong tumingala. Nakikiusap na pawiin ang sakit. Nakikiusap na punasan ang pighati. Nakikiusap na alisin ang pait. Nakikiusap.

Subalit walang magawa ang isang Stellvester Ajero. Kung maaari lamang angkinin ang sakit, ang pighati, at ang pait. Kung maaari lamang.

"I'm sorry, medyo late ako, Jah." Sa mga salita'y tuluyang nalunod si Justin sa napakalalim na hukay. Halintulad sa sabay nilang pagkalunod sa malakas na ulan. Nang bigla na lamang sumunggab ng isang yakap at nabitawan ni Stell ang kalasag sa ulan.

Humigpit nang humigpit. Animo'y nasasakal sa pait si Stell. Sumabay ang unti-unting pagkabingi sa malalakas na hikbi.

"Tahan na, Jah. Nandito na ako. Nandito na si Stell. Nandito na ang bestfriend mo." Wika nito kasabay ang paglapat ng palad sa basang buhok ng isa't marahang hinamplos ang pighati.

"Stell, ang sakit. Sobrang sakit." Sa pagitan ng bawat salita ang hingal habol ng hirap na paghinga. Nababarahan ang lalamunang nagpapahirap.

Nakikihati na si Stell sa nadaramang bigat nang mas hinigpitan pa ang kulungang bisig. Na nagpahinto sa kanyang muling paghaplos. Na kalaunan, hinayaan na lamang tugunan ang yapos. Hinayaang ang kumukulong ay ikukulong din sa kanyang bisig.

Hindi pinansin ang mga matang mapagmatyag, ang mga bibig na magagaspang, at ang mga taingang nakikisagap. Mas itinuon ni Stell ang atensyon sa pakikisalo't pagpapakalunod sa mundo ni Justin.

Sa pagdaan ng sandali, naging isang malungkot na melodiya ang hikbing naririnig. Unti-unti itong naging klaro sa paghupa ng ulan.

Hindi pa sana nais kumawala, subalit ang kaibigan na mismo ang kumalas ng kadenang yapos. Nawalan ng koneksyon sa sakit ngunit tanaw ang nangungulay kamatis na mga mata't ilong.

"I'm sorry. Hindi na naman kita sinunod, Stell. Naghintay na naman ako." Pag-hingi ng tawad kasunod ang magaspang na pagpunas sa mga luha. "Sana hindi ka galit sa ginawa ko." Dagdag nito nang magtama ang kanilang mga mata.

Sa pagdaan ng segundo, walang nakuhang sagot na ikinabahala ni Justin. Sumibol ang kaunting takot na baka pagod na ang kaibigan sa katigasan ng kanyang ulo, sa paulit-ulit na pagsuway, sa walang sawang kamartyran.

"Stell..." Takot nitong winika ang pagtawag kasunod ang pagtapak paatras. Nagkaroon ng layo ang pagitan ng kanila.

Habang marahang humahakbang palayo, natatanaw ang unti-unting pagkurba ng labi. Na naging rason sa paghinto ng mga paa.

"Hindi ako galit, Jah."











* * * * *

"Si Josh ba 'yan?"

Marahang inihilig ni Stell ang kanyang ulo pakanan. Sa puntong iyon, nagtama ang kanilang mga mata at hindi niya alam kung kailan pa nakatingin ang kanyang kaibigan sa kanya.

Tumakbo ng ilang segundo bago tuluyang ibinaling ang katawan paharap sa isa. Na nagpaalog sa isahang kamang pinagsasaluhan nila.

"Oo. Si Josh." Tugon nito bago ibinaba ang cellphone sa isang dangkal na pagitan ng kanilang mga katawan.

"Sasagutin mo ba talaga siya?"

Pag-uusisa ang nababasa niya ngayon sa mamula-mula pa nitong mga mata. "Siguro." Matipid nitong tugon bago muling ibinaling ang katawan paharap sa malapad at malawak na kisame. "Mabait siya. Seryoso naman siya. Maalaga. Maunawain din."

Habang inisa-isa ang magagandang katangian, ang mga mata'y iginala't naghahanap ng isang tuldok na itim mula sa kaputian ng kisame. Animo'y naghahanap ng isang negatibo mula sa positibo.

"Hindi tulad ng ex ko, ganun ba 'yun Stell?"

"Wala akong sinabi, Jah." Nais masilayan ang reaksyon nito kaya muling ibinaling ang tingin sa gawing kanan. Hindi pa rin inaalis ang nakadikit na pagtitig sa kanya ng kabigan. "Ang sinasabi ko lang, may chance na sagutin ko si Josh. Tutal naman, isang taon na siyang nanliligaw." Dagdag nito upang masuportahan ang unang pangungusap.

"Edi ang ibig sabihin nun, hindi na tayo madalas magkikita? Hindi na rin kita pwedeng makasama kapag gusto ko lang? Lalong hindi na rin tayo pwedeng matulog nang magkatabi?" Humahaba ang nguso habang iniisa-isa ang posibilidad ng hinaharap. Hindi magawang maging masaya sa paglipas ng sandali.

"Parang ganun na nga, Jah."

Sa salitang nagpakompirma ng haka-haka, nagsimulang naging malabo ang itsura ng kaibigan sa balakid na pangingilid ng butil. "Ayaw ko. Ayaw ko, Stell. Bestfriend kita. Hindi pwede. Ayaw ko. Ipagdadamot ko bestfriend ko."

Parang batang inalisan ng karapatan sa isang lollipop nang agawin ng iba. Ganito ang nasisilayan ni Stell sa kaibigan na isinubsob ang mukha sa sariling mga palad.

Marahan niyang inalis ang mga kamay na bumabalakid sa mukhang nais masilayan. Walang dalawang isip na pinahid ng hinlalaki ang mga luhang nagpatianod sa malabot na mga pisngi.

"Stell, ayoko. Ayokong may magbago sa'tin. Ayoko. Ipagdadamot kita."

"Jah. Wala namang magbabago. Bestfriend pa rin tayo. Magkakaroon lang ng limit."

Subalit hindi pa man natatapos ang pagpahid, binigo na ang sarili nang pinigilan ng isa't may ingat na ibinaba sa pagitan nila ang magkapatong na mga kamay.

"Ayoko... Ayoko. Ayokong magbago. Lalong ayokong magkaroon ng limit.."

Nagsimulang makaramdam ng kaba si Stell nang masaksihan ang kisap-matang pagbabago ng tono ng pananalita nito. Ipinagdiinan ang kagustuhan kasabay ang unti-unting paghigpit ng kamay nito't ikinukulong ang kanya.

"Eh kung tayo na lang kaya, Stell?.. ako na lang at hindi si Josh."




* * * * *

AUTHOR'S NOTE

Thank you for reading Safezone!
Suggestions, feedbacks, and comments are well appreciated.

J A H S T E L L I S T O R Y A [on going]Where stories live. Discover now