LOOK AT ME, THE SAME WAY I LOOK AT YOU

46 2 0
                                    

The more he chase, the more it gets painful.

The more he chase, the more it gets painful

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Bakit naman ang layo-layo mong maabot? Tanong ni Stell na tanging isipan lamang ang nakarinig. Kasabay ang mabigat na paghinga. Sa pagbuga'y sumabay ang kaluluwang piniling iwan ang naglulupaypay na katawan, napasalampak na lamang sa lamesang nasa pagitan nila ng kanyang kaibigan.

"Hindi ba ako kapansin-pansin, Vince?" Tanong nito kasunod ang paglalaro ng hintuturo sa malapad at matigas na lamesa. Gumuguhit ng iba't-ibang linyang kalaunan ay nakakabuo nang isang abstrak. Tulad ng mga linyang sapot-sapot sa isipan.

"Paano ka naman kasi papansinin kung hindi ka kumikilos dyan, Stell? Lapitan mo kaya, diba?" Walang buhay na inaangat ang tingin tungo sa kaibigang abala sa paglalaro ng online games. Subalit kahit abala'y nabibigyan pa rin siya ng atensyon.

"Shit! Bobo naman ng kakampi ko." Bulalas nito na ikinailing na lang ni Stell. Bago marahang inilipat ang tingin sa gawing kanan.

Isang lamesang pagitan lamang ang layo sa lalaking kanina pa sinusulyapan. Hindi ito naging hadlang upang masilayan ng husto ang maamo nitong mukha. Na lalong napapaamo ng salaming suot.

"Paano naman kasi mapapansin kung may nauna na, diba?" Wika ni Stell sa hangin bago muling binalingan ang kaibigan. Ang isang daang atensyon ay tuluyang nilamon ng paglalaro na ikinabusangot. "Wala ka talagang suportang hayop ka. Matalo ka sana dyan."

Mabilis nga naman ang karma ni universe nang halos patapong inilapag ni Vince ang cellphone sa lamesa. "Boseat! Pangit nila kalaro." Reklamo nito bago kinuha ang kwadernong kanina pa nakabuyangyang sa tabi. "Pakopya ha!"

Walang dalawang isip na dinukot ang panulat sa bulsa ng pang-ibabang uniporme at nagsimula ng kumopya. "Sino ba kasing nauna sa kanya?"

Bahagyang ikinagulat ang tanong na binato. Hindi inaasahang nakinig pala ito sa huling nasambit na buong akala'y wala nang puwang ang ibang bagay. Dahil masyado itong abala sa paglalaro. Subalit mabilis naman nakaahon sa pagkabigla. "Sino pa ba? Edi 'yung lagi niyang kasama na Student Council President. Ano bang laban ko dun, diba?"

Huminto sa pagsusulat at itinuon ang buong tingin sa kaibigan. "Yung Pablo Nase?" Seryoso nitong tanong na tinanguhang may lungkot sa mukha bilang tugon.

Ang hagalpak ng tawa'y namutawi sa paligid. Hindi napigilan ang sariling maibulwak ang nadarama. Mangiyak-ngiyak pa ang mga mata sa sobrang hagalpak naa ikinasama ng mukha ni Stell.

"Tang ina mo, Vince! Anong nakakatawa?" Naiinis nitong tanong habang pinagmamasdan ang kaibigang halos mamatay na sa kakatawa. "Ang saya mo naman sobra. Malunok mo sana yang tawa mo at mabilaukan kang hayop ka."

Makaraan lamang ng ilang sandali'y unti-unting humuhupa ang pagtawa. Kasabay nito'y pinupunasan ang nangilid na luha. Inayos na rin ang sarili bago hinarap ang kaibigang masama na ang timpla ng mukha. "Pasensya na, Stell. Kasi naman eh. Sikat kang playboy ng school. Ni miski grade 7 eh pinapatos mong gago ka..."

J A H S T E L L I S T O R Y A [on going]Where stories live. Discover now