The Offer.

23 0 0
                                    

Iisa lang ang pangarap ko sa buhay ang magkaroon ng fairytale like na kwento.

Bakit? Kasi naniniwala ako na lahat ng tao may ka-fairytale.

Hindi porket broken hearted ka wala ka nang pag-asa.

Well, ibahin mo ko. Fight for your love kasi ako.

Kaya nga tingnan mo ko! Maganda na---

"Hoy Yna! Alam mo kainis kang babae ka! Bakit mo sakin binubugaw yung manliligaw mong si Banoy?! Nababaliw ka na ba, ha?!" sigaw ng aking dakilang bestfriend. Si Caviar.

"Aray naman! Mapanakit!" sabay himas ko ng braso ko na hinampas niya. "Di ko siya type si Banoy wala akong nakikitang sparks samin eh!"

Nasabi ko na ba na pihikan ako? Maganda ako pero wala akong boyfriend. Gusto ko yung magiging boyfriend ko ay parang yung mga napapanood ko sa mga palabas. 5-M lang naman ang sukatan ko sa isang lalake.

1. Magandang lalake.

2. Makisig.

3. Mayaman.

4. Mabait.

5. Matapat.

"Leche! So, sa tingin mo ba bagay kami ha?! Wala kaming sparks nun no!" sigaw ni Caviar.

Meron kayang sparks.

"Bagay kaya kayo. Parehas kayong masiba!" sabi ko sabay tawa.

Kaya ko nga binubugaw sa kanya si Banoy dahil parehas silang si libre. Si Banoy yung manliligaw kong laging nakasahod ang kamay kung magyayaya ng date. Jusko lang. Maghihirap ako doon kay Banoy kung siya magiging boyfriend ko. Sa tingin ko naman bagay sila ni Caviar kasi may kaya naman ang bruha.

"At least ako sexy. At saka FYI may syota na ako no!" tapos nagcross arms pa siya.

"Nangangarap ka na naman ng gising. Ano, si Grant na naman? Di ka papansinin nun, syunga. Kaya nga tayo magkaibigan kasi parehas tayong sablay sa lovelife" sabi ko.

"Ang nega mo talaga, Yna." tapos nagpout pa siya. Tinulak ko sya ng mahina kasi nagdrama ba naman sa harap ko? Haler busy ako ngayon at wala akong time for drama no.

"...Neng?" tawag ng isang matandang babae.

Napakunot noo kaming dalawa ni Caviar. May isang matandang babae ang nag-approach sa amin. Di naman siya ganoong ka-creepy maliban na lang sa suot niya. Masyadong makaluma at outdated. May nagsusuot pa pala ng mahabang palda at pang itaas na may malaking mangas.

"Bakit po?" tanong ko sa matanda.

Tinignan ako ng mabuti nito sa mga mata. Medyo kinilabutan siya sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya.

"Naghahanap ka ba ng trabaho?" tanong niya sakin.

Napatingin ako kay Caviar. Paano naman nito nalaman na naghahanap siya ng trabaho?

Lumapit sakin si Caviar at bumulong "Baka scammer o kaya nanghihypnotize yan, Yna." natatakot na bulong nito sakin sabay mahigpit na hinawakan ang damit ko.

Tumingin ulit ako sa matanda. Uso pa ba yung ganung modus? Yung manghihypnotize?Kung totoo man yun maling tao nilapitan nito kasi wala naman siyang makukuha sakin.

Nandito nga ako sa Job Center sa SM para maghanap ng trabaho kasi wala na akong pera at baka singilin na ako ni Caviar sa mga utang ko. Kahit papaano naman ay may hiya ako. Nag-iisa na nga lang nga-nga pa sa bahay.

Ngumiti si Lola. Hala, ang creepy promise.

"Gusto mo ba ng trabaho, neng?" baling niya sakin.

The Curse Warrior in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon