Chapter 2

6.8K 195 0
                                    

Patuloy lang ako sa paghikbi habang yakap ko ang mga tuhod ko. Ilang sandali lang may narinig akong mga yabag ng paa na paakat dito. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino iyon, at iniluwa ng pinto ang isang lalaki. Fairness, guwapo siya, maputi, matangkad. Okay lang.

"Oh! Bakit may tao rito?" tanong niya sa akin.

Kailangan pa bang itanong 'yan?

"Hoy! Narinig mo ko?" Napaka bastos naman ng isang ito.

Tumango lang ako habang nakatitig sa kanya.

"Bakit ka nandito ha!?" hindi ko siya sinagot, imbis ay tinitigan ko lang siya.

"Hoy!"

Pinunasan ko muna ang mata ko bago sumagot. "Wala lang. bakit ba?" ibinalik ko lang naman sa kanya ang tanong niya.

"Bawal ka dito, hindi mo ba alam kung kaninong tambayan ito?"

"So?"

"Aish!... Hoy! Fire! Lumabas ka nga, kung ayaw mong masaktan."

"Weh? Dapat na ba akong matakot?"

May narinig uli akong mga yabag ng paa, mukhang marami silang paakyat dito.

Napalingon kaming dalawa sa pinto, at iniluwa nito ang tatlo pang lalaki. Here we go again!

People! Meet the Four Natures. Yan ang tawag nila sa mga sarili nila. Ew! Baduy!

"Of course!"

"Oh! Tambayan pala ito ng Furnitures?" pang-iinis ko.

"S-shut up!" inis na sigaw ni Sam.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya. " Naiinis ka na ba?" pabulong kong tanong.

"No I'm not."

"Yes, you do."

Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa tapos inirapan siya. "I win." Tapos ay iniwan na silang apat sa rooftop.

Yung apat na yun na kung tawagin ay Four Natures ay ang pinaka guwapo DAW na mga kalalakihan ng school. Sina ay si :

Name: Jacob Raven

Age: 17

Year level: 2nd year college

Name: Neil jon Joseph

Age: 20

Year level: 4th year college

Name: Charles kyle Lee

Age: 19

Year level: 3rd year college

Name: Slater Anthony Memoir

Age: 21

Year level: 4th year college

Bakit ko sila kilala? Dahil sila lang naman ang sumira ng katahimikan ko sa mundong ito.

Nagsimula ito last semester.

Flashback:

"My gosh! Four Natures are coming!"

"Kyyaaahhh! How do I look like!?"

"KKYYYAAAAHHH!!!"

Tila mga overripe na kamatis sa sobrang pula ang mga babae sa daan sa tuwing nakikita ang Furnitures na yan.

Para sa akin sa panglabas lang sila guwapo, dahil kahit kailan hindi naging maganda ang ugali ng mga iyan. Lalo na yung leader nila, si Sam. Oh! Hindi, silang lahat pala.

The Lady Behind the Phoenix Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon