Nasa hapag na ako at sabay na kumakain sa pamilyang Gomez.
Ang Gomez na ang naging pamilya ko simula nung nagtrabaho ako sa resto nila.
Si Auntie Victoria na ang naging mama-mamahan ko at sina Angel at Carl naman ang naging mga bunso kong kapatid.
Sa una aakalain mong wala silang pakialam sa akin, pero sa totoo lang naging malapit na rin kami sa isa't isa."Teka, hija. Anong nangyari dyan sa mukha mo?" Tanong ni Auntie habang may kutsara pa malapit sa bibig. Napahawak naman ako sa mukha ko at napangiwi naman ako dahil sa sakit.
Sh*t oo nga pala, nakalimutan ko.
"A-ah, ito po? Ah! Naglaro po kasi kami kanina sa school for P.E. nasugatan po ako." Pagsisinungaling ko.
"Hay~ ikaw talagang bata ka! Totoo ba yan? O baka palusot mo na naman dahil nakipag-away ka?" Halos pasigaw nang tanong ni Auntie habang dinuduro-duro sa akin ang hawak niyang kutsara.
"Auntie naman eeh! Hindi nga!" Inis kong sagot.
"Siguraduhin mo lang, pagnalaman-laman ko na pinapatawag ka na naman ng teacher mo naku! Ewan ko na lang talaga sayong bata ka!"
Ah! Speaking of. Pinapatawag nga pala ni Ma'am parents ko, at dahil wala na akong parents si Auntie na lang ang pupunta.
"Uhm Auntie." Malambing kong bigkas habang sinusundan siya sa kusina.
"Oh!?" Inis niyang tanong.
"Pinapatawag po kasi kayo ni Ma-"
"Sinasabi ko na nga ba eh! Akala ko ba dahil sa P.E. yang sugat mo? Naku! Ikaw talaga! Nanggulo ka na naman nuh! Hindi talaga kita maintindihan! Hindi ka naman ganyan dati ah!"Frustrated na bulyaw nito sa akin.
"A-auntie hi-"
"Ano!?" Nakapamewang niyang tanong at hindi parin nawawala sa boses niya ang frustration.
"Hindi naman po dahil dito. B-bottoom 10 po kasi ako." Marahan kong sabi dahil sa hiya.
"NA NAMAN!!"
Napapikit ako dahil sa lakas ng sigaw ni Auntie.
She take a deep breath bago muling nagsalita. " Ewan ko na talaga sayo bata ka! Kada semester na lang ako tinatawag ng teachers mo! At lagi ka na lang nasa bottom 10, hindi ka naman ganyan dati ah! Nung high school ka lagi kang Top!"
Muli naman siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Tapos muli na siyang nagsalita.
"Ayusin mo yang buhay mo. Nag-iisa ka na nga lang tapos hindi mo pa pagiigihin. Hija, hindi habang buhay nandito ako sa tabi mo. 'wag kang umasa, sana bumalik yung dating ikaw bago pa kami dumating sa buhay mo . Nagsikap na buhayin ang sarili sa kabila ng maraming hirap, matalino at masipag. Ganyan ka dati diba?" Napapunas ng mukha si Auntie dahil sa inis.
Ngumiti ako bago nagsalita. "Opo, para po sa inyo."
"Yan!" Sabi niya sabay talikod sa akin at bumalik na sa mesa.
"Promise ko po, this semester ako na po ang magiging Top 1."
"Subukan mo hija. Subukan mo."
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Auntie. Kumuha ako ng band aid sa first aid kit nina Auntie at inilagay sa sugat ko. Paakyat na sana ako nang marinig ko ang balita sa TV. Agad akong pumunta sa salas.
"Wow! Ang galing talaga ni Miss Red."- Carl
^Mas pinamangha pa ni Miss Red ang lahat sa taglay niyang tapang at lakas nang matalo at mapatay niya ang isang halimaw kanina malapit sa isang mall. Maraming mga tao ang nagsisigawan sa takot dahil sa isang katakot-takot na halimaw. Nang bigla na lang dumating mula sa kawalan ang isang Miss Red at walang takot na nilabanan ang halimaw. Sa ngayon iniimbistigahan pa ng pulisya kung anong uri ng hayop o nilalang ang sumugod sa syudad.^
BINABASA MO ANG
The Lady Behind the Phoenix
FantasyAno ang gagawin mo kung ikaw ang napiling tagapagligtas? Ipinanganak para magligtas. Ang cool diba? Pero paano kung hindi mo alam kung sino ka talaga? Nawalan ka ng taong mahal na hindi mo alam ang dahilan, may kakayahan ka na hindi mo alam kung saa...