Chapter 14

121 3 6
                                    

Angelica’s POV

BV. BV. BV!

   “Oy! Bat kanina ka pa nakabusangot diyan huh?” Pangungulit ni Justin sakin.

   “Eeeh? Pake mo ba ha!? Saka wag ka ngang maingay.”

Simula nung maghiwalay kami ni Clyde. Parang magnet na tong si Justin na laging nakadikit sakin. Kahit most of the time inaaway niya ako, napapasaya naman niya ako sa mga oras na nalulungkot ako.

   “Wow ha. Ako pa maingay ngayon?”

   “Ehem! So I was saying, Ms. Galvez and Mr. Fabia, I will be implementing a tutorial system. Since half of the classes have low grades in my subject and also to your other subjects.” Sabi ni Mrs. Martinez, ang adviser namin.

Tsk! Tutorial tutorial pa kasi eh. Sana hindi pasaway ang mapunta sakin at sana hindi itong asungot na to ang katabi ko. Paglingon ko..

^________________^

   “Oh bakit ang laki ng ngiti mo jan huh!? Asa kang ikaw yung tuturuan ko noh. Ang sakit mo sa bangs eh!”

   “Ms. Galvez, si Justin ang tuturuan mo.” Sabay kindat sakin. Ano ba to!? I’ve been set up.

WAH? WAAAAAAH!? Kakasabi ko pa lang eh (TT_TT)

   “Ahaha wag ka na kasing umangal jan.”

So ayun nga. Nadagdagan nanaman ang ikasasakit ng ulo ko. Lunch time na at nandito nanaman kaming walo sa cafeteria, bumili na ng mga makakain. Paupo na ako dala ang tray ko ng pagkain ng may biglang bumunggo sa akin.

GRRRRRR!!! RAAAAAAAWR! LETSE!

Tinignan ko ang uniform ko na nabasa ng juice at tumingin sa bwisit na taong bumangga sakin.

   “Oops, my bad. Sorry didn’t mean it.” Nagsmile pa siya! Nangaasar talaga.

Ito yung babaeng kasama ni Clyde kanina. Yung babaeng mukhang bakla dahil sa kapal ng make up. Hinila ko ang buhok niya dahil tumalikod na siya.

   “Hoy! Anong akala mo ganun na lang yun? Magsosorry ka tas okay na?”

   “Ganito ba ang mga tao dito? Mga warfreak?” Sagot niya sakin sabay tanggal sa kamay ko na nakahawak sa buhok niya.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa buhok niya. Pinalaki ako ng mommy ko na marunong makisama pero kung ganitong tao lang din naman. Hindi ko to uurungan. Yung mga tao sa paligid namin napahinto at nanunuod na samin. Kanya kanya na rin sila ng bulungan.

   “I think that’s the new student na galing sa East High.”

   “Nakahanap na ng katapat yan si Gely. Buti nga.”

   “I heard siya yung new girlfriend ni Clyde.”

New girlfriend ni Clyde! No way! Skyway!

   “Ano ba? Let me go dumbass!”

Kinuha ko ang spaghetti na nasa tray ni Andre at inginudngod sa mukha niya. I feel so much better.

   “Yan. Sorry din ha, bitch.”

Susugurin na niya ko pero hinila ni Justin ang kamay niya. Why of all times? Laging si Justin ang sumasagip sa akin. Nakita ko si Clyde na nakatingin sa amin sa di kalayuan. Matagal din kaming nagkatinginan bago siya umiling iling at umalis.

Lumapit sa akin si alien. Eh di ko alam pangalan niya diba. Saang lupalop ba kasi galing to.

   “Guess you don’t know me yet. I’m Andrea Viliana and nobody messes with me.”

Say I Love You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon