Chapter 15

107 6 12
                                    

Justin’s POV

Ipapanalo ko to, para sa taong mahal ko…

 HUH? Ano ba tong iniisip ko.. basta ang alam ko iba ang nararamdaman ko para kay Angel..

PPPPPPPPPRRRRRRRTTT

Nagsimula na ang laro. Mas malaki ang center namin, dahilan para mapunta sa amin ang bola. Kung tutuusin lugi kami dahil dalawa lang kaming malaki. Ako ang nasa forward kaya ako ang magdadala ng bola at ng laro. Binabantayan ako ni Daryl, ang malapit na kaibigan ni Clyde.

   “Pre paspot ako, magpapatalo ako sa dota.” Bulong ko sa kanya habang dinidribble ang bola.

   “Grade nakasalalay dito pre eh.” Sabi niya ng nakangiti.

Dribble.. dribble.. nakahanap ako ng butas! Hindi ko na sinayang ang panahon at nagdrive na ako. Walang sumabay sa akin kaya nashoot ko ang bola. Lay-up lang ang ginawa ko para naman hindi masyadong pakitang gilas.

   “First two points for 3A by 08 Fabia.” Bulalas ng commentator sa mike. Tumingin ako agad sa direksyon ni Angel at nakangiti siya.

Yun oh..

Kung ganyan lang ba ng ganyan lagi eh. Lalampasuhin ko tong--

   "Tss. Chamba." Bulong ni Clyde sakin habang pasimpleng binangga ako.

Tuloy lang ang laro hanggang matapos ang first quarter, may 5 minutes break kami. Dikit lang ang laban, totoo nga ang sabi nilang magaling si Clyde pero siyempre mas magaling pa rin ako. *Evil Laugh*

   "Hoy." Sabi nung kumalabit sa akin.

Napatingin ako sa likuran ko, si Angel pala. Bawal lumapit ang mga fans este ibang tao pag nasa bench kaming mga players pero dahil wala naman silang palag sa akin hinayaan na lang nilang umupo sa tabi ko si Angel.

   "Nakakainis ka!" Sabi niya sabay cross ng arms at padyak ng paa. Parang bata lang eeh ~~.

Hinila ko ang braso niya kaya napaupo siya at umakbay ako sabay bumulong "Nakita mo naman siguro yung laro ko diba? Para sayo yun baby."

Nanlaki ang mga mata niya at kasunod nito ang pagbuka ng bibig niya. Ganito itsura niya oh *O*

   "A-anong baby!!"

Tumingin sa amin yung mga taong nakarinig, ako naman todo ngiti. Nagbulung bulongan na ang iba.

   "Sige ilakas mo pa para marinig nila." Sabay nguso ko sa katapat naming bench kung saan nakapwesto sina Clyde. Nakita ko kung paano mayupi ang hawak niyang bote ng tubig.

   "E-ewan ko sayo! Diyan ka na nga!!" Sabi ni Angel sabay tayo. Hinawakan ko agad ang kamay niya.

   "WALA BANG GOODLUCK KISS?" Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig hanggang sa pwesto nila Clyde.

At dahil marami ang nakarinig nagsimula na ang chant na "KISSSSSS, KISSSSSSSS."

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko yun. Amf >w<

   "Okay everybody! Let's resume the game." Letseng commentator to, epal.

   "Bitawan mo na nga ako Justin."

   "Kiss muna." Bulong ko sa kanya.

Nagroll eyes siya sakin. "Later, if you win."

   "Consider it done."

Mas ginanahan akong maglaro at mukhang effective ang ginawa ko dahil nawalan ng ganang maglaro si Clyde. HAHAHA! Siya na ang nagbantay sa akin dahil at halatang naiinis siya dahil sumasakit na ang mga pasimpleng siko niya sa akin. Wala yan sakin boy, dun ka maglaro sa states tignan natin kung hanggang saan ka lang. Dahil sa tindi nang galing ko. Whoo parang humangin ata? Wag nang kumontra. Nanalo kami sa laban.

Say I Love You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon