My Fake Boyfriend [One Shot]

42.9K 1.3K 281
                                    

====================FAKE BOYFRIEND ====================

                                       [Second Year High School]

“1/4!” Yung katabi ko kasing transferee, inaabutan ako ng papel.

“S-s-salamat…” nanginginig yung lips ko. Ever since kasing pumasok tong nilalang na to sa klase namin at tumabi sa akin, hindi na ako makarelax. Naging conscious ako bawat galaw ko.

Ang pogi niya kasi! He looks so  fresh sa nakabrush-up niyang buhok. Dagdag pa na bagay na bagay sa kanya yung uniform niya. At sa kunting inches na pagitan namin, amoy na amoy ko siya. Ang bango niya grabe! Sarap magpanggap na may sipon tapos pasimpleng suminghot-singhot.

  

“Ang pogi!” hiyawan yung mga babae sa labas ng classroom namin paglabas niya nang mag-recess kami. Ang o-OA nila, nakakainis.

Or baka naman naiinggit lang ako sa kanila kasi kaya nilang i-express sa harap mismo ng tao yung nararamdaman nila. Ako kasi, di ko yun kayang gawin eh. Sa halip na magpapansin ako sa taong gusto ko, I tend to pretend I’m not interested at all kaya tuloy akala ng marami masungit daw ako at di namamansin.

Style, pakopya naman ng assignment…” bungad niya sa akin saka pasalampak na umupo sa upuan niya.

 

“H-ha… Ah… Eh!” Sayang, makakapoints na sana ako pag may maipapakopya ako kaso nakalimutan kong may assignment kami! “D-di ko din kasi ginawa eh…”

 

“Ah okay!” at nilayasan na niya ako. Kung may assignment  lang ako, eh di ilang minutes pa sana kaming mag-uusap.

Sa totoo lang, matalino naman siya eh. May pagkatamad nga lang… proof yung wala na naman siyang assignment.

 

“Here!” at nakabalik na pala siya. “Kopyahin na natin to!” at may nagpahiram agad ng assignment  sa kanya. Ang saya sigurong maging pogi noh? Ang dali lang ng buhay niya.

Saka niya hinila yung upuan niya at dinikit sa upuan ko. Biglang na-rattle yung puso ko! Pero di niya dapat mapansing crush ko siya kaya pilit kong pinakalma ang sarili ko.

 

“Sige… Thanks!” at pasimple na lang akong ngumiti nang hindi siya tinitingnan sa mga mata niya.

At ganun na lang kami lagi. Cheatmates. Sort of! Sa assignment lang naman. Pero masaya na ako sa simpleng role ko na yun sa buhay niya. At least ako, hindi ko kailangang makipagsiksikan sa mga admirers niya sa labas. May sarili kaming kopyahan moment. Yun bang minsan nagkakasagihan yung mga siko namin, at kung siniswerte pati mga shoulders namin. Ahihi! Ang landi lang!

Kaso one day, nalaman ko na lang na girlfriend na niya pala yung nasa kabilang section. Ansakeeet! Gf niya yung Ms. Sophomore namin! Parang dalawang beses ng sampal sa akin nun! Wala akong binatbat!

My Fake Boyfriend [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon