Chapter 1: Poorita Fashionista

33 2 4
                                    

Pangarap kong magkaron ng isang malaking pangalan sa industriya bilang isang fashion icon. I know I have a good taste when it comes to clothes. But my wallet doesn't let me. Ang hirap maging poorita no! Minsan nga sumasagi na sa isip ko kung bakit kaya hindi kami mayaman. Parehas namang may trabaho mga magulang ko, pero parang hindi pa rin sapat. Hindi naman kami sobrang hirap, napupunan naman lahat ng pangangailangan kaso hindi ngalang malaki ang sobra.



But still I manage to be presentable everyday. Nagtitipid ako lagi ng baon ko para makabili ako ng mga gusto kong damit. My hobby is, window shopping! I always tend to go to the mall bago umuwi para icheck kung sale na ba yung kursunada kong damit. Sabi ng bestfriend ko wag na daw ako maging trying hard maging fashionista kasi maganda naman daw ako, kaya kahit simpleng damit lang pwede na. Pero hinde!!! Kaya nga there's a saying na "There's always a room for improvement." Alam kong may igaganda pa ang lola mo!



"Hoy, Scarlett Zissi DG. Andrada! Aba! Kanina ka pa nandyan sa banyo!! Ano bang ginagawa mo? Natutulog? Hindi mo kwarto yan!!"



Halos mahulog ako sa pagkakaupo ko sa trono sa sobrang lakas ng sigaw ni Mamme. And yes, that's me. Tuwing galit si mamme, lagi nalang niya ako tinatawag sa buong pangalan ko! Hay nako, makaligo na nga. Late na din pala ako!


Syempre kahit late na, hindi pwedeng pumasok ng hindi maganda.


Step 1: Punas then patuyo ng buhok

Step 2: Facial Moisturizer

Step 3: Bb Cream

Step 4: Kilay

Step 5: Tinted Lipbalm

Last step: Bihis!


"Sino ang iibigin ko ikaw ba na pangarap ko? O siya bang kumakatok sa puso ko?.. Ooohh.. "



Ay butiki kang baboy ka! KAGULAT AH. Sino kayang tumatawag?




1 missed call: Steven Von Monte Real


—————————————————————————————————————————————————————-




inserted another character already :) know more about Steven Von in the next chapters :) please read, comment and vote! <3 thank you!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Only Live TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon