Chapter 5

1.2K 21 2
                                    

###### Romina's POV #####

Sinalubong ko si Misha upang makapagpaliwanag pero tulala siya habang umiiyak. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Mish..."

Saka lang siya tumingin sa akin. "What? Did you sleep with Japoy too? Kase ako... I slept with my ex eh..." May hinanakit sa boses niya.

"Misha..."

"Tell me! May nangyari din ba sa inyo ni Japoy?"

Gustuhin ko mang umamin sa kanya pero nangako ako kay Japoy na hindi ko sisirain ang pagsasama nila kaya...

"Wala Misha..." Just like I promised to Japoy bago niya ako inihatid sa bahay na ito.

"Matatanggap ko na lang sana kung meron kesa ako lang yung nagkasala eh." Yun lang at umalis na si Misha sa harapan ko at hinawi ang aking kamay at nagkulong na sa kwarto.

Padabog niyang sinara ang pinto at narinig ko ang iyak niya mula sa labas ng kwarto. Sumilip naman ako mula sa bintana at nakita ko si Japoy na nanatili pa rin sa kotse at umiiyak din doon.

Ako naman ay naipit sa pagitan nila. Nasa sala lang ako at umiiyak na rin sa sobrang sama ng loob dahil sa mga pangyayari.

Ilang saglit pa ay nagwawala na si Misha sa loob ng kwarto at sumisigaw siya. 

"Hindi! Ayoko! Ayoko! Bakit naman siya pa? Bakit si Krysler pa!? Bakit kailangan pang mangyari ito sa amin? Hindi ko to matatanggap! Ayoko nito! Hindi ito too..."

Sinilip ko siya sa kwarto at tinatakpan niya ang tenga niya habang nakalukot siya sa ibabaw ng kama at umiiyak.

##### Misha's POV #####

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga salita ni Japoy kanina sa loob ng kotse.

"Nagkapalit ng mga room numbers kaya mali ang napasukan ninyo ni Romina na kwarto. Nang malaman namin yun ni Romina ay huli na ang lahat, nakapasok na sina Jello at si Krysler sa mga kwarto at na-lock na ang mga pinto.

We tried our best upang makapasok sa loob pero wala na talagang ibang paraan. Nagamit na lahat ng duplicate keys at patay pa ang telepono sa loob at hindi mo naman sinasagot ang tawag ko sa phone mo."

"Kaya ba ng magising ako ay pareho kayong nasa labas ni Romina?"

"Oo... Wala akong ibang nagawa upang tulungan ka Misha... I'm so sorry..."

Pumasok si Japoy sa kwarto at niyakap ako mula sa likuran. I tried to let go pero talagang mahigpit ang hawak niya sa akin.

Nagwawala ako at parang mawawala na rin sa katinuan.

"Misha... alam mo naman kung gaano kita kamahal di bah? Tinanggap naman kita noon kahit alam kong hindi ako yung una. Ano bang kaibahan nito sa dati? Isipin na lang natin na kayo ulit ni Krysler tapos nakilala mo ko at naging tayo."

"Hindi ka ba nandidiri sa akin Japoy? I slept with my ex! I'm a hore! Naiinis ako sa sarili ko at nanliliit ako!"

"Kung mandidiri ako... dapat sa simula pa lang. Misha... hindi mo naman sinadya ang nangyari... lasing ka at..."

"Pero Japoy... "

"Shhh... kalimutan na lang natin ang lahat ng mga nangyari... sleeping with Krysler noong boyfriend mo pa siya is no-difference on sleeping with him ngayong ex-boyfriend mo na lang siya."

"Kaya mong tanggapin ang lahat?"

He smiled while crying. "If I accepted your past, there is no reason that I cannot accept your present nor your future."

Dahil sa mga sinabi niya ay nabuhayan ako ng loob. 

"Baby let's start... right from the beginning okay?" -Japoy

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Niyakap ko siya at napausal ako ng tahimik na dasal. Nagpapasalamat ako sa Diyos na ibinigay siya sa akin... isang mabit, maunawain at mabuting lalake.

###### Romina's POV #####

Haaaayyy salamat mukhang happy ending na talaga ang dalawa. Buti naman! Buti pa sila happy ending na... at ikakasal na rin si Jello at Lavern. Ako kaya? Kelan pa kaya darating ang happy ending ko? :((

Bumalik na ako sa sala at humiga sa sofa. Naisipan kong patayin ang ilaw pero nagbago ang isip ko kasi baka hindi na naman ako makatulog. Kapag patay kasi ang ilaw ay bumabalik lahat ng panget na alaala ko dun sa hotel.

Nayakap ko ang sarili ko sa sobrang lungkot na mag-isa.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda nang umalis. Hihintayin ko lang silang magising para makuha ko na ang iba kong mga gamit sa loob ng kwarto nila.

Hindi na kasi ako maaari pang makituloy sa kanila lalo na at alam na ni Misha ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Krysler, at hindi pa niya alam ang tungkol sa amin ni Japoy.

Sooner or later ay malalaman na din niya ang nangyari sa amin ng boyfriend niya kaya alam ko na hindi na ako maaari pang magtagal sa bahay na ito.

Nang makalabas na ang dalawa sa kwarto ay sinalubong ko agad sila.

"Misha... magpapaalam na ako... salamat sa lahat ng naitulong nyo ni Japoy sa akin."

"Romina galit lang ako pero hindi naman kita pinalalayas..." -Misha

"Alam ko naman yun Mish eh... pero maniwala ka... hindi na ako dapat pa tumira dito."

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Pero wala kang mapupuntahan..."

"Babalik na lang ako kina Jello."

Biglang tumigas ang anyo ni Japoy. "Ano? Babalik ka sa gagong iyon? Hindi ka na ba naawa sa sarili mo? Ikakasal na sila ni Lavern at malamang ititira niya ito sa bahay niya! Matitiis mo ba? Matitiis mo ba na makasama sa iisang bahay ang babaeng pinagpalit niya sayo?"

Sa totoo lang mas matitiis ko na lang siguro yun kesa patuloy na tumira sa bahay na ito at magsinungaling sa napakabuting si Misha.

Habang nakikita ko siya ay inuusig ako ng konsensiya ko.

Niyakap ako ni Mish. "Please wag kang umalis... malulungkot ako kapag umalis ka. Alam mo namang nakakabagot dito sa bahay at ang kausap ko lang ay mga pader at mga pusa kaya please... stay here Romina."

"Sige na Romina... stay here as long as you want... hindi ka naman namin pinapaalis eh." -Japoy

"Sige na please... papayag lang ako na umalis ka kapag nakahanap ka na ng malilipatan... yung hindi kina Jello okay?" Pamimilit pa rin ni Misha.

"Mish naman eh... pinapahirapan mo ko kapag ganyan ka..." -Romina

"Please?" Lambing ulit nito.

Tumingin ako kay Japoy at maging siya ay tumango-tango at gustong tanggapin ko ang alok ni Misha kaya pumayag na din ako.

"Sige... hahanap lang ako ng magandang malilipatan... kasi hindi naman pwedeng forever akong makikitira sa inyo dito."

"Sige sasamahan pa kitang makahanap ng bahay na malapit lang dito para maging magkumare na tayo." Maaliwalas ang mukha ni Misha ng sabihin niya yun.

"Kayo talagang mga babae kayo." Umiling-iling pa si Japoy habang naglakad palayo.

Nagkatinginan kami ni Misha at muling nagyakapan.

May ibinulong sa akin si Mish na ikinagulat ko. "Romina, pagkaalis ni Japoy pwede mo ba akong samahan?"

"Saan?"

"May importanteng tao tayong pupuntahan."

"Sino?"

"Sa ex ko na si Krysler."

Nanlaki ang mata ko. "K-kay... Krysler?"

#RightLoveAtTheWrongRoom

Right Love at the Wrong Room(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon