##### Jello's POV #####
Sinubukan kong kumbinsihin si Lavern na ituloy ang engagement pero ayaw na talaga niyang pumayag. Sa rooftop ng hotel ko siya naabutan na nagmumukmok.
"Bakit ba ayaw mong ituloy ang engagement Lavern? Dahil lang ba sa naagawan ka ni Romina ng eksena?"
"Hindi lang naman ganun yun Jello eh. Nakita mo ba kung pano niyo siya ipagtanggol kanina ni Krysler ha?"
Pinahid ko ang mga luha niya. "Shhhh... Nagawa ko lang naman yun kasi natatakot akong masaktan mo siya. Kung natuloy yun, maraming makakakita at ano? magiging laman ka na naman ng balita bukas!"
"Talagang magiging laman ako ng balita kasi ang ex ko at ang boyfriend ko ay pinagtatanggol ang isang basura sa harapan ko pa!"
"Lavern ano ba!"
"Ano? Di ba totoo naman? Basura naman talaga siya di bah? Bakit parang ayaw mo na siyang tawaging basura o babaeng linta ngayon ha? Dahil ba maganda na siya at kumikinang na parang prinsensa?"
"Lavern please control your jelousy over Romina kasi hindi ka naman dapat magselos sa kanya kasi ikaw na ang pinili ko."
"Pinili mo ba talaga ako o napilitan ka lang na piliin ako because I was the aggressive type!"
"Ano ba yang pinagsasabi mo Lavern?"
###### Lavern's POV #####
Totoo naman talaga... Nagbalik tuloy sa mga alaala ko ang mga panahong hindi pa kami ni Jello.
Palagi akong pinapagalitan ng manager ko na si Pipay.
"Lavern, tigilan mo na yang pagkagusto mo sa member nung boygroup na si Warren! Walang patutunguhan ang career mo kapag nagustuhan mo siya lalo na at siya pa naman yung hindi masyadong sikat sa grupo nila."
"Pero Pipay nagmamahalan kami."
"Sinabi ko na sa iyo mula pa noon na wala kang ibang pwedeng gustuhin kundi ang ka-loveteam mo na si Krysler lang! Hindi pwedeng si Warren ng Jupiter o ang anchorman na si Drew o kahit sinong nasa showbiz! Si Krysler lang naintindihan mo!?"
Tumango-tango ako kahit labag sa loob ko.
Si Krysler naman ng mga panahong iyon ay may non-showbiz girlfriend na si Misha kaya sabihin mo nga, pano ko tuturuang mahalin ang taong pag-aari na ng iba?
Kung mamahalin ko siya kailangang mahalin din niya ako kaya tinangka ko siyang akitin. Ginawa ko lahat upang maghiwalay sila ni Misha. Oo... pinagsira ko yung dalawa dahil selfish ako... ayoko na ako lang ang magmamahal sa isang lalake... dapat may katugon ang pag-ibig niya.
Pero may isang di inaasahang pangyayari na naganap. Nang maghiwalay na sina Misha at Krysler ay nakilala ko naman si Jello ang aking official photographer.
Sa simula pa lang ay nahahalata ko nang may gusto siya sa akin kasi bukod sa pagkuha ng mga larawan ko sa studio ay nangunguha din siya ng mga stolen shots ko at palagi ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin.
Kahit close kami ay hindi siya pinagdudahan ng handler ko na si Pipay na karelasyon ko dahil si Jello ng mga panahong iyon ay may girlfriend pa at yun ay si Romina.
I never met the girl personally pero naiinggit ako sa kanya kasi nakatira siya mismo sa bahay ng taong minamahal ko.
For several years ay ginamit namin ang relasyon nila ni Romina upang pagtakpan naman ang relasyon naming dalawa hanggang sa hindi na ako makatiis.
"Iwan mo na si Romina... I'm more than willing na isuko ang career ko para sayo."
Pero yun ang isang hiling na hindi niya kayang pagbigyan at ewan ko kung bakit.
"Sa ngayon hindi ko pa kaya..." -Jello
"Bakit Jello?"
"Marami na akong naipangako kay Romina bago ka pa man dumating sa buhay ko."
"Tulad ng ano? Na susungkitin mo lahat ng bituin sa kalangitan para sa kanya? Na ikaw ang magiging knight in shining armor niya?"
"Lavern... naipangako ko na sa kanya na hamabuhay ko na siyang makaksama... nasa-iisang bahay lang kami nakatira kaya pano ko haharapin ang bawat araw na darating na makikita ko siya at nabali ko lahat ng pangako ko sa kanya?"
"Mas mahalaga ba talaga sayo ang mga pinangako mo sa kanya kesa sa akin?"
"Lavern... please understand!'
"So ano... ano pala tayo kung ganon? FLING?"
Hinawakan niya ako at nagmakaawa. "Lavern... hahanap lang ako ng tamang tiyempo upang hiwalayan si Romina."
"Then good luck sa paghahanap mo ng tamang panahon dahil ako... hindi na ako maghihintay sayo hanggang mamuti ang mga mata ko! Sasama na ako kay Krysler bukas at magbabakasyon sa isang malayong lugar at magche-check-in sa parehong hotel at sa parehong kwarto gaya ng gustong mangyari ng manager namin!"
"Lavern! You can't do this to me!"
Nakakalungkot na matapos ko siyang ipaglaban ay hindi naman pala niya kayang gawin yun sa akin. Katulad lang din siya ng mga lalakeng minahal ko noon. Tama si Pipay, walang totoo sa showbiz kaya kailangan ko nang tanggapin na upang umangat ang career ko ay kailangan kong piliin ang mga taong dapat kong gustuhin... katulad ni... Krysler Lee.
Magche-check-in na sana kami ni Krysler ng makasalubong namin ang ex-girlfriend ni Krysler na si Misha kasama naman ang boyfriend nito na si Japoy at pagdating sa front desk ay nandun naman si Jello kasama ng girlfriend niyang si Romina.
Nang magkasarilinan kami ni Jello ay siniil niya ako ng halik but I didn't kiss him back.
"Dinala mo pa talaga dito ang girlfriend mo." May galit sa tono ng pananalita ko.
"Ginawa ko lang yun para makasama ka Lavern... believe me!"
"Bakit ka pa sumunod dito Jello? Para pasakitan ako?"
"Sumunod ako to make sure na hindi ka matutulog sa kwarto kasama ng Krysler na yun... dahil mababaliw ako Lavern... mababaliw ako kapag naagaw ka sa akin ng iba... lalo na ni Krysler." Naiiyak niyang turan.
"Pano yan? May kwarto na kami ni Krysler at kayo din naman ni Romina, pano tayo matutulog sa parehong kwarto ng hindi nila nahahalata?"
"Ngayong gabi ko patutunayan sayo kung gaano kita kamahal Lavern."
"Anong binabalak mo... hihiwalayan mo na ba si Romina?"
"Hindi ko siya kayang hiwalayan... pero sisiguraduhin ko na tadhana ang gagawa nun para sa akin."
"Ano bang plano mo Jello? Baka masama yan."
"Siguro nga masama ang gagawin kong ito pero malamang baka ipagpasalamat pa ni Romina sa akin ang mangyayari because she will have the chance to sleep on... Krysler Lee's bed."
Napalunok ako ng laway sa binabalak niya.
Ngayong lang naging malinaw sa akin ang lahat na hindi niya kayang komprontahin si Romina na hindi na niya ito mahal kaya isinisi niya sa tadhana ang lahat.
"Bakit mo ba hindi masabi-sabi kay Romina ang totoo na ako na ang mahal mo? Kasi di bah, hindi naman talaga nawala... ang pag-ibig mo para sa kanya? Kaya you are blaming everything to the situation! Gusto mong isipin niya na napilitan ka lang talaga na makisama sa akin dahil sa mga nangyari sa atin!"
"Lavern hindi totoo yan... mahal talaga kita!"
"Siguraduhin mo munang may laman ang mga salitang iyan Jello bago mo iyan uli bibigkasin sa akin!"
Umalis na ako sa harapan niya at tuluyan na siyang iniwang nag-iisa doon sa rooftop.
#RightLoveAtTheWrongRoom
BINABASA MO ANG
Right Love at the Wrong Room(On-hold)
RomanceWitness how fate plays around with 6 peoples lives... (Sorry No Soft Copy)