Right Love at the Wrong Room
by: Aya_hoshino
On this story... Love is the root of all evil.
##### Misha's POV ####
"Goodmorning Sir Maam! Welcome to Paradise Hotel. Get ready to experience magic!" Sabi ng mga nakayukong hotelier.
Wow! Nakakatuwa naman ang mga hotelier dito, ang gagalang at ang babait. Hindi ko napigilang hatakin ang boyfriend kong si Japz. "Babe oh nakakatuwa sila."
"Oo nga babe, pasok na tayo?" He smiled.
"Sige."
Napanis ang mga ngiti naming dalawa ng masalubong namin ang ex-boyfriend kong si Krysler.
Haaayyy... gwapo pa rin talaga ang mokong. Ano bang hindi ko magugustuhan sa 6 feet tall guy na ito na hawig kay Lee Minho ng Korea. Pero matapos niya akong iwan para sa surot na babaeng kasama niya ay nakipaghiwalay na ako sa kanya.
Hindi maiwasang mapadaan kami ng boyfriend kong si Japoy sa harapan nila kaya napaka-awkward talaga lalo't hindi naging maganda yung break-up namin ni Krysler.
Hindi na sana namin sila papansinin kaso ang babaeng surot na mismo ang nagsimula ng usapan.
"Wow! Reunion of Ex's! Ano ba Krysler at Misha hindi ba naman kayo magbabatian? Para naman kayong walang pinagsamahan niyan." Saad ni Lavern, ang babaeng surot.
Napilitan tuloy akong ibuka ang aking bibig. "Hi!"
Habang si Krysler naman ay nanatiling walang kakibo-kibo at andiyan na naman iyang tingin niyang nakakainis.
Ako yung dehado sa paghihiwalay namin ah kaya bakit parang siya yung bitter diyan?
Kaya hinila ko na lang si Japz palayo sa kanila pero nagulat ako ng umangkla ang girlfriend ni Krysler sa akin. Ano siya feeling close? O_o
"Halikayo sabay-sabay na tayong pumasok sa loob." Aya ni Lavern sabay hatak sa akin.
Nagkatinginan kami ni Japoy sa inasta ni Lavern na pakikipag-kaibigan sa akin when infact ay hindi naman kami bati ng nobyo niya.
Pero hinayaan ko na lang ang bruha dahil artista din siya katulad ni Krysler at public figure kaya baka may makakita sa aking mga fans na iniisnab ko siya o tinatarayan at masabunutan pa ako. Haaay naman!
Sumunod naman ang dalawang boys sa likuran namin at walang kakibo-kibo.
Nung dumating na kami sa lobby ay naka-angkla pa rin sa akin si Lavern. Bumitaw lang ito para batiin ang isang kakilala na nakasabay din namin sa recieving area.
"Jello your here! At kasama mo pa ang atsay mo." Careless na saad ni Lavern.
"No, she's my girlfriend." Umakbay ang lalake sa balikat ng nobya niya.
Napapaypay tuloy ako gamit ang kamay ko dahil feeling ko ay tumataas na ang tensiyon sa pagitan nila. Ito naman kasing si Lavern walang preno kung magsalita.
"Ay naku sorry... sorry sayo... you must be Romina?" Nakipagkamay pa ang bruha sa babaeng nilait-lait niya.
Mahinhin naman na inabot ng babae yung kamay niya. "Hello sa inyo."
Isa-isa kaming pinakilala ni Lavern sa dalawa. "Romina kilala mo naman ang boyfriend ko di ba?" Tumawa pa ng mahinhin si Lavern bago nagpatuloy. Sino nga ba naman kasi ang hindi nakakakilala kay Krysler Lee eh marami na siyang drama na pinagbidahan.
Eto naman ang ex-girlfriend niya na si Misha." Sabay turo sa akin.
Grabe, kailangan pa talaga niyang lagyan ng label na ex-girlfriend ako ng boyfriend niya? Napaka-insensitive talaga niya kainis! >_<
BINABASA MO ANG
Right Love at the Wrong Room(On-hold)
RomanceWitness how fate plays around with 6 peoples lives... (Sorry No Soft Copy)