Chapter 1 : My Life

5 1 0
                                    

Cryzie's POV

(blurred background)


May humihikbing batang babae habang may mga batang nagtatawanan.


" hahahahaha, iyakin! Iyakin! Ampon! Ampon! " mga katyaw ng bata


"hindi totoo yan, tigilan nyo nga ko, (hikbi sabay singhot)" sagot ng batang babae na umiiyak


"ampon! Ampon! Ampon! Ampon" patuloy na pang aasar ng mga bata.


"HINDI" sigaw ng bata.


Biglang bangon ako sa higaan, isang masamang panaginip na naman, hay paulit ulit na bangungot.


(Knock knock) "ma'am pinapatawag na po kayo ng inyong daddy sa baba" tawag sakin ng aking yaya.


"oo sige na, magaayos na ko at baba pwede ka nang umalis" sagot ko naman.


"hay! (sabay bugtong hininga)" tumayo na ko at dumiretso sa cr para magayos ng sarili. Habang nasa harap ako ng salamin at nasisipilyo naiisip ko padin ang panaginip ko kanina, isang panaginip na laging gumugulo sa akin.


"Sino ang mga batang yon, bakit ganun nlng nila paiyakin ang kawawang batang babae na iyon" nagmumog na ko at sabay tingin sa aking sarili sa salamin


"HAY! Isang araw na naman ng paghihirap"

Bumaba na ako sa kwarto mula third floor papuntang first floor sa may kitchen, bumungad sa akin ang twenty na katulong na nakapila


"good morning ma'am princess chaizlie" habang sabay sabay sa pagtungo.


Dirediretso lang ako sa may lamesa at sabay upo sa may bandang dulo kung saan nagaantay ang isang matandang lalaki na nakaupo din sa kabilang dulo ng lamesa. Lumapit sa akin ang ibang katulong at binigay sa akin ang aking almusal.


Nagsalita ang isang katulong na may nakantaad na ang mukha si ms. Cruz, ang aking personal butler,


"magustuhan nyo po sana ang pagkain ngayon, gawa po yan ng ating pinakamagagaling na chief mula sa germany" sabay yuko at alis.


Bago ko kuhanin ang kobyertos sa aking harapan, tumingin muna ako sa lalaking nasa aking harapan na seryosong kumakain, napakaseryoso nya na parang ang salitang "joke o saya" ay wala sa kanyang vocabulary.


Bigla akong tumaliwas sa aking tingin ng biglang syang tumingin sa akin, sabay subo ng pagkain sa aking bibig. Lumipas ang ilang minuto ay natapos nadin kami sa pagkain at dumiretso na sa paglabas ng bahay.


Una syang tumayo sa akin at sinundan naman sya ng ilang bodyguard at katulong, tumayo nadin ako at kinuha ang aking bag.

ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon