Chapter III: Mr. Dragon meets Ms. Sunget

6 2 0
                                    

Mr. Mann's POV

8:35 am, wala padin ang batang iyon, kanina pa namumuti ang mga mata ko kakaintay sa pasaway na BRICKS JONZALBO na iyon.

May pumasok na isa kong co-teacher


"umuusok na naman yang ilong nyo Sir" pagbungad na bati nya sa akin


"hay naku, kahit kelan talaga, pasaway ang batang iyon" sagot ko naman


"hulaan ko Sir, si BRICKS JONZALBO na naman yan no?"


"haha, kahit kelan naman talaga ang mga mayayaman na yan akala mo kung sino mga umasta, porket may mga pera lang sila, tingin na nila sa mga sarili nila, matataas" pagrereklamo ko


"sinabi mo pa sir, pero wala naman tayong magagawa" sagot nya na may pag aalangan


"pero, lahat naman sila sir, takot sayo, kahit na mga pasaway sila, nagpapasa parin naman ng mga requirements eh" pahabol na sabi nya


"actually nga Sir, may alias ka na eh" pahabol nya ulit


"anu naman yon" tanung ko


"Mr. Dragon" patawang sagot nya


"Mr. Dragon? Hahaha, talaga ha? Yan ang tawag nila sakin" patawa kong sabi


"haha, terror ka daw kasi kasi ng mga seniors" sagot uli ni Ms. Gonzales

Ngumiti nalang ako kay Ms. Gonzales, di ko din naman masisisi ang mga estudyante sa expression nila sakin, dahil eto talaga ang ugaling gusto ko nilang Makita sakin, ayoko kasi na ituring nila akong tropa sa loob ng school, mas gusto ko na inilalayo ang personal kung buhay pagdating sa loob ng school, pero pag nasa labas na, pwede na yung magturingang tropa.


"hay naku Ms. Gonzales, di ko yan maipagkakaila, pero eto lang talaga ang mga sakit sa ulo ko" nasabi ko nalang sabay kamot sa ulo


"hahahaha, tatanda ka nyan ng maaga Sir, sige ka wala nang mahuhumaling sayong mga freshmen  students nyan" pagtawa nya

Napatawa nalang ako sa sinabi nya, sa totoo nyan di sa pagbibiro, halos lahat ng mga freshmen na babae, kinikilig pag dumadaan ako, pwede na nga daw akong sumali ng Mr. Pogi sabi ng mga katrabaho ko ditto, isa na dyan si Ms. Gonzales, pero ang pagiging terror ko lang daw ang nagpapapanget sa looks ko, hahaha, napapatawa nalang ako pag sinasabi nila ang mga yan. Pagtuturo talaga ang passion ko, kaya wala akong pakealam kung panget ang pagiging terror teacher ko, ang mahalaga magawa ko ang tungkulin ko ng maayos, ang maturuan sila ng tama.


Lumipas din ang ilang minuto ng pakikipagkwentuhan kay Ms. Gonzales ang P.E teacher ng mga freshmen students at Music Club Adviser, dumating din ang anghel na si bricks

                   

"Sir" pagbungad na pagbati ni BRICKS        

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon