Cryzie's POV
Pagbaba ko ng kotse kita ko ang mga studyanteng matataas ang tingin sa sarili dahil sa pera na inilalabas ng kanilang mga magulang.
This is my first year to study here in this school,Kawaii Ozine International Academy, I don't know why, but I'm a kind of bored, there was something wrong, parang may kulang.
Ewan ko ba, di ako masaya, yung tipong walang excitement.
"Hay!" Isang malalim na bugtong hininga bago ako nagsimulang lumakad papunta sa room.
Habang naglalakad ako, may mga nadadaanan akong mga studyanteng nagtatawanan, nakikipagharutan, nakikipagkwentuhan at kung anu-ano pa, bawat madaanan ko ay iba iba ang kanilang ginagawa na para ba silang may mga sariling mundo.
Bawat makikita at madadaanan mo di mo maipagkakaila na para lamang sa mga mayayamang pamilya ang school na ito.
Kung baga, ginawa lang ito para may gawing tambayan ang mga taong walang magawa sa pera ng kani-kanilang magulang.
"Aray!" Sabi ko, matapos akong biglang natumba,
"Ano ba? Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba?" Pagalit kong sabi sa taong bumungo sa akin.
"Di ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo." Sagot ng mayabang na taong iyon, sabay alis at dirediretso na sa kanyang paglalakad.
"aba, ang yabang!" Pabulong kong sabi habang nakuha ako ng bwelo para makatayo.
"HOY!" Sigaw ko sa kanya pero direderetso parin sya sa paglalakad na parang walang nangyari.
"Aray ko!?" Sabi nya after kong ibato ang hawak kong libro sa ulo nya.
"Baliw ka ba?" Pagalit nyang sigaw sa akin habang hinihimas ang parte ng kanyang ulo na tinamaan ng libro.
"Wala ka bang maisip na matino o sadyang walang laman yang utak mo?" Pabulyaw kong sabi
"ang yabang mo naman, ako pa ang hindi nakatingin ha!? Ako pa ang may kasalanan kung ganun?"
Sunod kong sabi sa kanya. Lumapit sya sa akinn habang hawak hawak padin ang kanyang ulo
"So, pinapalabas mo na ako ang may kasalanan? Hahaha" halos maiyak na sya sa kanyang pagtawa
"ako mayabang at baliw" patuloy nya sa pagsabi habang patuloy padin sya sa pagtawa.
"nang aasar ka ba?" Inis na sabi ko. Mga ilang minute din lumipas ay tumigil na sya sa pagtawa